Buhay Hayskul

536 4 0
                                    

Ang buhay hayskul ay isa sa mga pinakamahalagang yugto sa buhay ng tao. Ito ang panahon kung saan ang mga kabataan ay unti-unting lumalabas sa mundo ng kamusmusan at walang kamalayan. Nagkakaroon ng kaisipan na ang kanyang buhay ay sagrado at may halaga. Ito ang nag-paalala sa atin na mayroong mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa atin. Mga taong tumutulong upang tayo ay mahubog sa hulmahan ng kagandahang asal at gawi. Tinuturuan tayong maging matatag sa bawat laban at karera sa buhay. At higit sa lahat, binigyan tayo ng pagkakataon na makilala ang Diyos na siyang lumikha.

 Ang unang araw nang pagpasok ko sa mataas na paaralan, kinakabahan ako dahil marami akong iniisip na mga negatibo at ito ay mahirap at wala itong kasaya saya. Subalit iba ang nakita ko sa aking paligid. May mga estudyangeng mataas at tanyag, may ibang nasa bandang ibaba, at mayroon ring karaniwan lang tulad ko. Sa araw na yaon, nakilala ko ang mga kaklase ko na mula sa iba't ibang paaralan. Sa una ako ay nahihiya dahil hindi ko pa kabisado ang mga pangalan ng mga kaklase ko. Hindi ko rin alam ang kanilang buong pagkatao. Ngunit nagtagal, nalaman ko na din ang mga pangalan nila at nagkaroon ng magandang pagkakaibigan. Natuto din akong makisalamuha nang maayos sa bawat indibidwal na nakapaligid sa atin. Dito ako unang nakaramdam ng sarap at ligaya kasama ang mga taong tunay na nagbigay sa’yo ng kahulugan. Dito rin ako unang nagising sa katotohananan at natutong magpahalaga. Tambak-tambak man ang mga takdang aralin, quizzes, at proyekto, hindi parin ako sumuko. Sa halip, nagpursigi ako, nagtagumpay, at namuhay nang maligaya. Marami-rami rin ang mga pagsubok na dumating sa aking buhay ngunit pinilit ko itong lampasan. At dito dumating ang mga puntong iisipin mo na hindi mo kaya kapag nagkahiwa-hiwalay kayo.

  O ka'y saya ng buhay hayskul! Mga karanasang ka'y sasaya. Mga pagsubok na humuhubog sa ating buong pagkatao. Mga kaibigang totoo at maaasahan. Nadama ko ang tunay na saya ng buhay. Kahit ano man ang mangyari, sana'y di ako malimutan. Ayoko nang magkahiwalay pa kaming mga kaklase.

random shit Where stories live. Discover now