Prologue

146 5 5
                                    

Ako si Oyren, eighteen years old, at grade twelve student na nag-aaral sa isang iskwelahang punong-puno ng kababalaghan. Araw-araw kasi ay may nagagahasa, pinapatay, at kung ano pang krimen. Walang aksyong ginagawa ang mga awtoridad.

Minsan pa nga, ang mga guro at trabahador na ang nababalitaang gumagawa ng mga krimen. Ayos ba? Hindi ko naman maiwanan itong paaralan na 'to dahil libre lang at wala ka ng babayaran. Nabubuhay lang ako sa allowance na nakukuha ko sa pangangalaga ng gobyerno. At sa napakarupok at lumang sira-sirang flat naman ako naninirahan.

Tinignan ko ang relos ko at napabuntong hininga akong nangalumababa sa lamesa ko. Malapit naman ng maguwian. Di na kasi ako makatiis na makinig sa gurong nasa harap ngayon. Wala naman kasi akong maintindihan kaya sariling sikap lang akong nagaaral sa bahay.

Ihiniga ko ang ulo ko sa lamesa ko at tumingin sa labas ng bintana. Nakita ko ang mga batang naglalaro sa kalsada at ang mga ibong lumilipad sa kalangitan. Nautwa ako, ang ganda! Ang ganda talaga. Kahit na sabihin mong bulok tong paaralan namin. Maganda pa rin ang tanawin.

"Oyren Kwangyang!" Napaayos agad ako sa pagkakaupo ng biglang tawagin ng guro ang pangalan ko. Babae nga pala ako, nakalimutan ko yatang sabihin.

"Bakit po?" Ang tanging sabi ko sa gurang-- este gurong sobrang sama na ng tingin sakin. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin rin sakin. Napalunok ako ng mariin.

"Hindi ka ba nakikinig?!"

"Hindi po." Wala sa sariling napailing ako. "Ano?!"

"Ahh--este---o-opo...hehe..." Napahinga ako ng maluwag ng bumalik na siya sa pagtuturo at ang maga kaklase ko ay nawala na rin ang tingin sakin.

Gulat kaming napatinging lahat ng may taong padabog na binuksan ang pintuan ng klase at halos mawarak na ito.

Kawawang pintuan, warak na nga mas nawarak pa. Pano kaya pag tumama yan sa mukha nung guro? Edi mas nawarak? Hehe tigas ng mukha niyan eh.

"Hindi ka ba marunong kumatok?!" Mataray na tanong ni Ginoong Eskwater sakanya.

Napatingin ako sa gumawa nun at isang napaka gwapong nilalang ang nasagip ng aking mga mata na iisipin mong hindi nababagay dito ang mukha niya. Ngunit mukha itong masamang loob.

Tinignan niya lamang si Ginoong Eskwater ng walang emosyon.

"Hindi." Ang tanging sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko siya ng paningin habang naglalakad papalapit sa akin. Nagtama pa ang mga mata namin.

Laking gulat ko na lamang ng hugutin niya ang upuan ng kaklase ko dahilan para mahulog ito sa pagkakaupo. Inilapag niya agad ang upuan na hawak at saka umupo sa upuan na iyon.

Mas masahol ka pa pala sa aso. Tama nga ang hinala ko, masamang loob ka.

"Sige, dahil gwapo ka, pagbibigyan kita." Biglang sabat ni Ginoong Eskwater. "Hoy ikaw, Bolaboy! Tumayo ka na diyan at maupo ka nalang sa sahig." Tawag niya don sa inagawan ng upuan.

Tss...nakaupo na nga siya eh, tatayo pa? Bolaboy talaga ang pangalan niyan. Lakas ng trip ng magulang eh.

"Mister Pogi! Pwede mo bang ipakilala ang sarili mo?" Sabi niya dun sa poging asal hayop. Naiiritang tumayo siya sa kinauupuan niya. Ganda sana ng mata neto, kung di lang sana laging masama ang tingin.

"Phalrox Broxparaguszxcc Qualiour." Ang tanging sabi niya at naupong muli. Ano yun?

"Hmm...nice name." Sabi ng guro.

Anong nice dun? Pangalan niya yun, seryoso? Nakashabu ba nanay niyan? Haha...jejemon ang loko.

Nakatingin pa ako sakanya at nagpipigil ng tawa habang kung anu-anong pumapasok sa isip ko tungkol sa pangalan niya ng bigla niya akong lingunin at kitang-kita ko ang katakot-takot na tingin niya kaya bigla nalang akong napaiwas ng tingin at nagkunwaring nakikinig sa guro.

Nakahinga ako ng malalim ng sabihin ng guro na uwian na. Lumapit agad sakin si Vallizy Valois, ang best friend ko. "Oyren! Tara na."

Hinila niya agad ako palabas ng classroom at saka ako dinala sa fishbolan. Maraming ganito sa paaralan namin. "Ang gwapo ni Phalrox ano?" Bigla niyang sabi habang kumakain kami. "Oo, hayop nga lang at pangjejemon pa ang pangalan." Natawa siya bigla at hinampas ako sa braso, "loko ka talaga!"

"Totoo naman eh." Sakto ng makita namin si Phalrox na dumaan at naglakad na parang walang pakialam sa mundo. Buti nalang di ako tinignan. Kala mo manlalamon ng buhay yun eh.

"Oyren!" Tawag sakin ni Vallizy kaya napatingin ako sakanya. "Ano?" Tanong ko dito.

"Naiinggit talaga ako sayo. Ang ganda ng katawan mo at ang laki pa niyang hinaharap mo! Ikaw na talaga! Gusto ko rin ng malaki para maraming maghahabol na lalaki sakin!" Hahawakan niya na sana yung hinaharap ko pero hinawi ko agad ang kamay niya.

"Wag ka nang ganyan! Kinikilabutan ako sayo eh. Kita mong ang dami-daming tao tapos manghahawak ka bigla. Mahiya ka nga!"

Sumimangot siya na parang bata pero nagpatuloy lang ako sa pagkain. "Ang sama mo ah? Katawan lang talaga ang maganda? Ang mukha hindi kasama?"

Umakto siyang nagiisip, "no comment." Sabi niya at tumawa. Napailing nalang ako sakanya. Kaibigan nga talaga.

Sa totoo lang, nakakailang dalhin ito dahil madals kong makita ang mga taong nakakauasap at nakakaharap ko na nakatingin sa hinaharap ko. Kahit yung gurang na Eakawater na yon nahuli ko na ring pinagmamasdan ang katawan ko. Kung pwede nga lang sana akong makipagpalit ng katawan eh. Pwede na siguro si Vallizy dahil ito ay mayroong maliit na katawan. Hindi naman ako katangkaran pero hanggang leeg ko lang siya. Maputi siya at payat. Maikli ang buhok.

Narinig ko ang telepono kong tumunog kaya tinignan ko ito. Numero lang ang nakalagay rito at walang pangalan. Tinignan ko si Vallizy at tinignan niya rin ako na parang nagtatanong kung sino yan. Nagkibit balikat nalang ako at sinagot ito.

"Sino to?" Bungad ko ngunit walang sumagot kaya kumunot ang noo ko. "Sino ba to? Bat ayaw mong sumagot?" Narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya saka ito naputol.

Kunot noo kong tinignan ang telepono ko. Sino ba yun?

"Sino yun?" Tanong ni Vallizy.

"Hindi ko alam eh. Basta ko nalang sinagot pero hindi naman ako sinagot tapos binabaan nalang ako ng linya." Bigla niya akong hinampas sa braso ko.

"Ano ka ba, bakit mo sinagot?!" Sigaw niya sakin.

"Ha? Bakit? Masama ba?"

"Oo masama!" Nagtataka akong tinignan siya ngunit napasapo lamang siya sa noo niya. "Pwede niyang malaman ang lahat-lahat ng tungkol sayo at baka kung ano pa ang gawin niya sayo! Hindi mo dapat sinagot dahil kaligtasan mo ang nakataya diyan! Dapat kasi tinanong mo muna sakin eh."

Nagulat ako sa sainabi niyang 'yon. Napatingin ako sa telepono ko at naging blanko lamang ang isip ko.

Anong dapat gawin ko?

Beshrewed |#KNNotoriousWC|Where stories live. Discover now