Chapter Twenty Six

45.1K 1K 26
                                    

Four! Three! Two! One! Happy New year! Humalik si Uno sa kanya bago bumaling sa lola nito. Ito ang pinakamasigla sa lahat. Nagtatalon pa ito habang pinapatunog ang torotot na hawak niya.

Happy new year 'nay! Bati naman niya sa kanyang biyenan saka ito niyakap. Happy new year din sayo anak. Ngumiti ito kapagkuwa'y bumaling naman kay uno. Happy new year sayo apo. Nagmano si uno dito.

Niyakag na niyang kumain ang mga ito. Nagluto siya ng konting pagsasalu saluhan. May mga prutas siyang binili pa niya sa baclaran. Nagkanya kanya na silang upo sa hapag.

Paborito ni uno ang spaghetti kaya nagluto siya niyon. Ginawa talaga niyang espesyal iyon dahil alam niyang gustong gusto ng anak niya. May ilang bilog na pagkain pa sila na ang sabi'y mabisang pampaswerte sa pagpasok ng bagong taon.

Magana na silang kumakain habang panay parin ang ingay sa labas. May mga pasaway paring nagpapaputok sa kabila ng pagbabawal niyon.

Akmang susubo siya nang pagkain ng makarinig sila ng tatlong sunod sunod na katok sa pinto. Nagkatinginan silang tatlo. Nanay ako na po. Mabilis na tumayo si uno para buksan ang pinto. Mister A na boss ni nanay! Narinig niyang tinig ni uno.

Nabitin sa ere ang kutsarang hawak niya. Sino daw iyon sabi ng anak mo? Tanong ng kanyang biyenan na gaya niya'y natigilan din.

Magandang gabi po! Noon niya narinig ang tinig nito sa likuran niya. Tinignan niya ang kanyang biyenan.

At nang lumingon siya. Ang nakangiti nitong mukha ang sumalubong sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay nito. May mga papel bags itong hawak. May mga pangalan ng mga restaurant kaya alam niyang pagkain iyon.

'Nay inimbita niyo po ba siya dito? Napalingon siya kay uno na nakatayo pala sa tabi ni Tobias.

Bumuka sara lang ang bibig niya dahil sa tanong ni uno. Saka naman sumabat ang biyenan niya na nakatayo na rin gaya niya. Teka hijo..  Bakit ka ba naparito? Sinuri nito ang hitsura ni Tobias. Tinignan muna siya ng lalaki bago ngumiti sa biyenan niya.


Magandang gabi po sa inyo. Ahm.. Nagdala po ako ng konting pagkain. Happy new year po. Kakaiba ang ngiti nito. Mga ngiting walang pwedeng itago.

Mister A na boss ni nanay.. Pagtawag pansin ni uno kay Tobias. Na agad naman nilingon ng lalaki. Wala ka po bang bahay at nandito ka samin? Hindi ka po ba natakot maglakad sa labas? Maraming nagpapaputok doon.

Magiliw na ngumiti si Tobias. To your first question, i have my own house. Kaya lang walang tao doon ngayon e. Nasa abroad ang mommy at daddy ko. And sa pangalawa mo naman tanong, no! I'm not afraid.

Akmang magtatanong pa si uno ng suwayin na niya ito. Uno.. Tapusin mo na ang pagkain mo. Masamang pinaghihintay ang pagkain. Mabilis naman umupo muli sa hapag si uno.

Ang biyenan naman niya'y inanyayahan si Tobias. Oh! Siya hijo, pumarito kana. Pasensya ka na nga lang sa aming handa.

Pakiramdam niya ay sumikip ang bahay nila dahil sa presensya ni Tobias doon. Kating kati na siyang tanungin ito pero hindi niya magawa.

Ano na lamang ang sasabihin ng biyenan niya gayong naririto ito sa mismong bahay nila? Baka isipin nito'y may ginagawa siyang hindi maganda.

Mister A na boss ni nanay, masarap po itong dala niyong cake.. Sabi ni uno habang nilalantakan ang chocolate cake na dala ni Tobias. May nakasulat pa doong Happy new year.

I baked it for you uno. Narinig niyang sabi nito. Ginawa ko 'yan kanina bago ako nagpunta dito.

Talaga po? Marunong kayo magluto? Manghang manghang sabi ni uno. Si naany din po magaling magluto. Diba 'Nay?

H-Ha? Noon lang tila nagulat siya.

Sabi ng anak mo, magaling ka daw magluto. Tatlong magkakasunod na lunok ang ginagawa niya dahil nakatitig ngayon ito sa kanya. Amoy na amoy niya ang hininga nito dahil nakaupo ito sa tabi niya.

Na para bang konting galaw lang ay magkakabungguan na ang mga mukha nila.

Mister A na boss ni nanay! Magagalit ako sayo kung di mo ikukurap yang mga mata mo! Kanina ka pa nakatitig kay nanay! Uminit ang pisngi miya dahil sa sinabi ni uno.

Nakalimutan niyang nakain nga pala sila. At nang tignan niya ang kanyang anak, salubong ang mga kilay nito at mukha naman ng kanyang biyenan ay puno ng pagtatanong.







To be continued...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon