Chapter Forty Three

46.9K 1K 58
                                    

'Nay! Nanay! Sa sigaw palang ni uno ay para nang hinihiwa ang puso niya. Nakatayo ito sa bukana ng talahiban habang nasa tabi nito si penny at nakatutok sa anak niya ang baril na hawak nito.

Diyos ko! Nasa mukha ng anak niya ang takot. At damang dama niya 'yon. Hindi nga siya nagkamali nang isipin niya na sito posibleng dalhin ni penny ang anak nila.

Naireport na ng mga otoridad na mismong malapit sa location ni penny ay nahuli ng Calamba district jail si Rico. Marahil ay tinawagan ito ni penny upang pumunta doon. Sa kasamaang palad ay nahuli naman ng mga pulis.

Pinagpapawisan siya ng malamig. Ang dibdib niya ay tinatambol sa takot na may kasamang kaba. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa braso ni Tobias. Nasa likuran siya nito.

Ang mga pulis ay nakaabang na rin sa mga likuran nila. Bawat tiktak ng relo ay nagbabadya ng di maipaliwanag na kaba sa kanya. Mga kabang nagiging takot. Nanay! Unti unting pinupunit ang puso niya dahil sa mga pagpalahaw ni uno.

A-Ang anak natin... Garalgal na boses niya. Halos dumiin na sa balat ni Tobias ang mga kuko niya dahil sa higpit ng pagkakakapit niya.

Tumingin si Tobias sa kanya. Tikom ang bagang nito. Halatang tinitimpi ang galit. Ililigtas natin siya. Magtiwala ka lang.

Hilam ang mga mata ng luha na tumango siya. Lalong humigpit ang hawak niya dito ng lumakas pa ng tuluyan ang pag iyak ni uno. Nang bumaling siya doon, halos panawan na siya ng ulirat ng idiin ni Penny ang baril sa ulo ng anak nila. H-Huwag!

Ang sigaw niya'y tila nagiging bulong nalang dahil para itong walang naririnig. Sabi ko na nga ba't tama ako. Unang pagkikita palang ulit natin alam ko----.

What do you want? It was her husband. Madilim ang mga mata nito. Matigas ang tinig.

Agad na nagbago ang ekspresyon ni penny. Paano kung sabihin ko sayong ikaw. Ikaw ang gusto ko. Papakawalan ka ba ng asawa mo? Umiling siya. Hindi siya pwedeng mamili sa dalawa. Parehong mahalaga ang mag ama niya sa kanya.

T-Tigilan na natin ito. Please.. Maawa ka sa anak ko. Mas lalong idiniin ni penny ang baril. Napatingin siya sa likuran nila. Kinasa ng mga pulis ang mga baril nila. Mas lalo siyanh nahintatakutan. H-Huwag! Huwag kayong magpapaputok! Ang anak ko!

Men! Hold your fire! Ani ni Inspector Vargas. Delikado ang bawat kilos ng lahat. Isang maling galaw lang ay buhay ng isang inosenteng bata ang nakataya.

Bumaling siyang muli kay penny. Desidido na siya. Ililigtas niya ang buhay ng anak niya. Sakin ka galit hindi ba? Ako nalang ang patayin mo basta pakawalan mo lang ang anak ko.

Pangga! Nanlalaking mga matang sabi ni Tobias sa kanya. Ito ang tama. Malungkot ngunit determinado niyang saad. Hindi matatapos ito hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Umiling iling ang asawa niya.

Hindi! May paraan pa. Sabi ng asawa niya. Umiling siya dito. Wala nang paraan. Buhay ng anak natin ang nakataya dito. Maatim ba natin na mapahamak siya?

Nanay! Muling pumalahaw si uno. Anak ko...

Nakikiusap na tinignan niya si penny. Nakikiusap ako sayo. Pakawalan mo na ang anak ko. Ako naman ang kailangan mo hindi ba? Sakin ka galit. Sakin mo gustong gumanti hindi ba? Ako nalang...

GENTLEMAN series 5: Tobias Alejandro Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon