CHAPTER ONE

330 22 15
                                    

MYSTIC ACADEMY

CHAPTER ONE

GONE

LOREALAI

The school bell rang. Hudyat na tapos na ang klase para sa araw na ito. I quickly packed my things and stuffed them inside my bag. Without a single word, lumabas na ko ng class room naming. Di alintana ang teacher naming na sige pa sa pagtatalak. I need to go home. Now.

Nang makalabas na ng gate ng paaralan, dali-dali akong nagtatakbo papunta sa lugar na itinuturing kong bahay. Pakiramdam ko ay kulang ako sa oras kaya mas lalo pa kong nagmadali. I willed the wind to carry me while I'm running. Parang lumilipad lang habang tumatakbo.

Nang makarating ako sa bahay, mas lalo akong kinabahan dahil bukas ang pinto. Pinakiramdaman ko ang paligid. Tahimik. Sobrang tahimik. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pag-ihip ng hangin at ang matinding pagkabog ng puso ko.

Dahan-dahan akong pumasok at nagulat ako sa dinatnan ko. Si Elisa. Nakahandusay siya sa sahig. Punung-puno ng mga sugat ang katawan niya. Duguan siya. At sa may dibdib niya ay nakatarak ang isang punyal. Napagtanto kong doon nanggagaling ang dugong nagkalat.

Dali-dali ko siyang nilapitan at inalalayan. Hirap na hirap na siya. Kitang-kita ko yun kahit na pilit niyang iniinda ang sakit sa pamamagitan ng pagngiti.

"Lorealai, makinig ka sakin." Pilit niyang sinabi sa kabila ng paghihirap. Naiiyak man, pinilit kong ngumiti para sa kanya.

"Kapag may pumunta dito at magpakilala bilang deviators, sumama ka sa kanila. Dadalhin ka nila sa isang paaralan. Doon ay mas mahuhulma mo ang iyong kakayahan. Matutulungan ka nila dun. At dun mo rin malalaman ang mga sagot sa misteryo ng iyong nakaraan."

Ngumiti ako at tumango. "Opo, gagawin ko po yun. Sisiguraduhin ko na magiging makapangyarihan ako gaya ng inaasahan mo sakin."

Ngumiti siya ng mahina at tumango. "Mag-iingat ka, Lorealai. Tuparin mo ang misyon mo at hanapin mo ang mga magulang mo. Magpapahinga na muna ako."

Dahan-dahan siyang pumikit. Sinigaw ko ng sinigaw ang pangalan niya. Nakikiusap na buksan niya ang mga mata niya ngunit wala parin. Tuluyan na siyang pumikit. Wala na kong ibang nagawa kundi ang humagulhol.

Sapo-sapo ko pa rin ang walang buhay na niyang katawan hanggang sa marinig ko ang pinaka-huling pagtibok ng puso niya. Unti-unting naging abo ang katawan niya. Hanggang sa tuluyan na itong maglaho.

Wala na siya.

At wala na akong ibang magagawa pa kundi ang umiyak at humagulhol.

------------------------------------------------

Vote and comment if you liked it. <3

Mystic AcademyWhere stories live. Discover now