Kinabukasan...
POV ni Erza
Ano na kaya ang nangyari sa librong iyon, dapat kong mahanap iyon bago pa may makakitang iba. Pero imposible na na walang nakakita dun kaya, sana ang nakakita dun at ang bumabasa dun ay hindi matuklasan ang mga nakatagong sikreto ko doon.
Kailangan ko nang mahanap iyon. Mayroon akong kuwintas na may kaunting glass hour. Ang munting glass hour na ito ay may kapangyarihang ibalik ang oras at may kapangyarihang magsabi kung ano na ang oras.. oviously..
Kapag lumiwanag ang kuwintas ko, ibig sabihin ay may masamang nakakuha na sa libro kong "Mystery" pero kapag nasa mabuting kamay ito, hindi ito magliliwanag. Hindi ko pa naman nakikita itong lumiwanag kaya inaasahan ko na nasa mabuting kamay ito.
Siguro tinatanong niyo kung bakit mahalaga ang librong "Mystery? Ito ay may maraming magagawa sa buhay mo. Ang pagiging guro ko dito sa Caldia ay ginawa ko upang mas maging malapit ako sa portal sa library. Ang portal na yun ay patungo sa Celestial Bodies.
Ako ay inutusan ng isang Celestial Gate Keeper na mangalaga sa libro ng "Mystery". Ang ibig sabihin nito, hideout ko lang ang Caldia University. Ang librong "Mystery" ay dapat kong maibigay sa isang Celestial God upang wala nang chaos dito sa aming bayan.
Kaya hindi na ako magtataka kung may maghahabol sa akin na kakaibang nilalang at magtangkang kunin ang aklat. Nasanay na ako na makakita ng mga kaluluwa sapagkat may kakayahan ako na makakita ng kakaibang nilalang.
Naniniwala ba kayo sa reincarnation?
Pwes ako hindi, alam ko na ang mga kaluluwa ay hindi na bumabalik sa marahas na mundong ito. Kung mamamatay man ako, mas pipiliin ko pang maglaho na lamang na parang hangin kaysa, bumalik sa mundong ito. This world is cruel.
Naghahari kasi dito ang pera, kayamanan, at katamaran.
Isipin mo, ang mga tao dito sa Caldia ay halos nagmamayari na ng kotse. Kahit ilang metro lang ang layo nang lugar ay hindi pa maggawang maglakad., puro, "Let's take ride....or Lets take a taxi."
Wala na akong maggawa, kundi ang itago ang sikreto ko sa sarili ko. Itatago ko na lamang ang sikretong ako ay isang anak ng Celestial God at isang karaniwang tao. Ang nanay ko ay isa lamang mamamayan dito at umibig sa isang Celestial God na nagngangalang Ocyphus.
Pero ang Ocyphus na iyon, ay hindi ko na kinikilalang ama sapagkat siya ay isinumpa sa mga kasalanan na naggawa niya sa aking ina at sa mga kasalanan niya sa kapwa niya Celestial God. Iniwan niya ang nanay ko nung ipinanganak ako. Wala siyang awa.
Nabalitaan ko mula sa Celestial Gate Keeper na nagutos sa akin na gawin ang misyon, kung, "Ano na ang nangyari kay Ocyphus." at sinabi niyang, "Siya ay naging bato na ngayon, at naging palamuti sa palasyo ni Zeus."
Kaya pagpunta ko sa lugar na iyon, sisiguraduhin ko na makita ko man lang siya kahit na kinamumuhian ko ang nilalang na yun. Ayaw ko na ako ay maging kagaya niya, kaya ayaw kong palaging binabanggit ang nakakainding pangalan na iyon!
YOU ARE READING
Caldia University (on hold)
ФэнтезиA girl named Lucy is one of the bitter girls in class... she is not that bitter, but she don't believe in LOVE she only thinks about BOOKSssSss... One day, on her way to the school library she saw something mysterious and she; lucky girl have to...