Chapter 6

21 0 0
                                    


Nagklase sina Lucy at Natsu at binasa nila ang libro. Naging mas kababalaghan pa ang sumonod na pahina. Nararamdaman ni Lucy at Natsu na tumitindig ang kanilang balahibo sa tuwing binabasa nila ang storya ng librong iyon.


Lumapit naman sa kanila si Gray at May at sinabing, "Ano ba,.. kayo na ba?'' Umikot lamang ang mga mata ni Lucy at sinabing, "Pwede ba... hindi ngayon ha.! bumalik na muna kayo sa upuan ninyo.''


Walang magawa si Lucy sa dalawa o kahit sa sinumang magaakala na sila na nga ni Natsu. Inisip nila na pabayaan na lamang ang mga nonsense na mga rumor na ginagawa ng mga walang maggawa sa buhay na mga tao.


LUNCH BREAK!!!


Nagsabay ng Lunch sina Natsu, Lucy, Gray at si May. Kumain si Lucy ng mabilis at hinintay niyang matapos si May at nakita niya na may kinukuha si Gray sa kanyang bag...


Hindi nagtagal at nakita ni Lucy ang isang tsokolate sa kamay ni Gray at ibinigay ito sa kanya. Nagpasalamat si Lucy at narinig niya mula kay Natsu na ... "Ugghmmmm" parang nagpaparinig at may kinuha din ito sa kanyang bulsa.


"Lucy, tanggapin mo ito," Tinanggap ni Lucy ang doughnut at nakita niya ang mukha ni May na kinikilig "Wow Lucy... haba ng Hair Mo!!" nanukso si May kay Lucy. Tinanong naman ni Lucy ang dalawa, "Gusto niyo ba ng something sweet?" at sumagot ng sabay si Natsu at Gray "Oo naman."


"Here you go!'' ibinigay ni Lucy ang doughnut kay Gray at ang Chocolate kay Natsu. Nagtinginan ang dalawa at sinabing, "talaga,.. ouch.." Umalis si Lucy at kinausap niya si Natsu "Magkita na lamang tayo mamaya sa pinagusapan natin."


Kinuha naman ni May ang doughnut at chocolate at sinabing "Kung ayaw niyo ito. .... akin na lamang, masasayang lang din ang efforts niyo, alam niyo namang hindi gagana ang ganyang paandar kay Lucy!" at umalis si May.


Natira si Gray at Natsu sa mesa at nagalit si Gray, "Saan ba kayo magkikita magdedate ba kayo". Sabay hawak niya sa poloshirt ni Natsu. Pinakalma naman ni Natsu si Gray, "Chill bruh.. Hindi ko pa plano ang mga bagay na yan kaya huwag kang magselos."


Umalis si Gray at nakatingin siya kay Natsu na parang galit na galit nang biglang.. "Hi NATSU!!!!" malakas na sigaw ni Wendy... Walang choice si Natsu kundi ang umalis na sa mesa at sumama kay Gray.


Nung nakalabas sila.. nagpasalamat si Natsu kay Gray, "Salamat ha, hindi mo alam kung paano mo ako niligtas sa bruha na iyon."


Inisip naman ni Wendy na bad mood lamang si Natsu kaya niya ginawa iyon,: Ang pagpapanggap na magkaibigan sila ni Gray. Kaya, patuloy pa rin ang paga- assume niya na may gusto din si Natsu sa kanya kahit na alam ng lahat na walang kahit kaunting pagtingin si Natsu sa kanya.


Nakita naman ni May si Natsu at Gray na magkasama at tumawa si May. "hahah! kahit ano pang gawin niyong pagpapanggap makikita pa rin sa mga mukha at mga mata niyo na kinamumuhian niyo ang isa't isa... kaya tigilan niyo na ang pagpapanggap na "YOU ARE FRIENDS..." wika ni May sa dalwa.


Pinatuloy naman ni May ang pagsasalita at humingi din ang dalawa ng advice sa panliligaw kay Lucy, "Alam niyo, nakakadiri kayong tingnan mga trying hard... at ayaw na ayaw ni Lucy ang mga yan at isa pa, wala talagang plano si Lucy sa lovelife kaya bye..."


Nagsama ang tatlo tungo sa kanilang classroom...


Nagkita sila doon at muli ay nagkaroon kami ng klase..


Hindi nagtagal ay pinalabas na kami ni Erza at sinabing, "May pupuntahan lamang kami ni Nastu at Lucy kaya... dito muna kayo at mag-answer kayo ng activity na isinulat ko sa board iyon ay sa Page 231.."


Umalis na kaming tatlo kasama ang prof. ko... Habang naglalakad kami, nakikita ko sa kanyang mga mukha na siya ay seryosong- seryoso at parang hindi na siya makapaghintay na makuha mula sa amin ni Natsu ang librong "Mystery".


Nang pumasok kami sa Library, nakita ko si Erza na binubulungan ang isang pintuan at bumukas ito.. wow!  secret door! Nakakamangha talaga. "My childhood has been a Lie!!' totoo pala ang mga magic doors o secret doors na may password..


Ibinigay ko kay Erza ang libro at sinabi niya sa amin ang lahat ng kailangan niya sa aklat na iyon at nalaman ko rin na siya ay anak pala ng isang tao at isang Diyos... Ipinaalam ko din sa kanya na nabasa ko ang propesiya tungkol kay Ocyphus na kanyang ama.


Kaya, sinabihan niya ako, na "Mayroon akong hour glass na ito... kapag babasagin ko ito sa library na ito, magfefreeze and oras at ito ay may kakayahang patigilin ang oras ng 1 linggo lamang. ... kaya dapat nating bilisan ang ating paglalakbay at nang mabigay ko itong libro na ito kay Zeus."


Na shock ako nung sinabi niyang "Ating Paglalakbay" so... ibig sabihin ay kasama kami ni Natsu. Gusto ko sana siyang tanugin kung talagang totoo bang isasama niya kami pero binasag na niya ang hour glass at lumabas ako at tumigil ang lahat...


Kaya gamit ang susi na nasa unang pahina ng aklat... binuksan niya ang portal tungo sa isang kakaibang mundo at nakita ko ang mga dragon doon...


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Namangha ako sa nakita ko at hindi ko maiwasan ang mapanganga. Sinabi ni Erza na.. "Kailangan niyong magsamang dalawa at ako rin ay hihiwalay sa inyo.. heto kapag may nakita kayong isang dragon, iyon ang sakyan ninyo at hanapin niyo ako sa isang nakalutang na palasyo.


"Dapat kayong makarating sa palasyo bago pa man maisulat ni Zeus ang huling pahina at sana ay magkita pa tayong muli." bilin niya sa amin. Kinabahan ako sa sinabi niya at natanggap namin ang isang kuwintas na makakapagpaamo daw ito ng anumang mabangis na nilalang na nandito.


Kaya nagmadali na kami ni Natsu at humanap na kami ng isang dragon na sinasabi ni Erza...


May nakita kaming isa na natutulog sa napakalaking puno.. at hinawakan ko ang ulo nito.., nanginginig ako sa takot at kinabahan ako. Pero gaya ng sinabi ni Erza ay nagtagumpay kami.. Nakahuli kami ng isang dragon..







Pls Vote and COmment Thank You!!!

Caldia University (on hold)Where stories live. Discover now