MHIAG2-CHAPTER 2

1.7K 60 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kuwarto ko.

Ang aga aga namang mag ingay ni v.

Tumayo na ako sa kama at nag hilamos muna bago lumabas ng kuwarto.

Napansin kong hindi lang pala si v ang nasa baba kundi sila mama(mama ni v) at papa(papa ni v)

Mag sasalita na sana ako pero naunahan akong mag salita ni mama.

"Nalulugi na ang kompanya natin sa pilipinas v gawan mo naman ito ng paraan v!!"-stress na sabi ni mama

"Ayaw ko ngang umuwi ng pilipinas mom!!"-sigaw na sagot ni v

Nalulugi na ang kompanya nila sa pilipinas?

Paano naman nangyari iyon?

"Ma..pa paano pong nalugi ang kompanya niyo sa pilipinas diba malagong malago na iyon bago tayo pumunta dito sa pilipinas?"-nagtatakang tanong ko

"Meron kasing nag traydor na isang empleyado sa kompanya namin ija kaya kailangan na naming gumawa ng aksyon bago pa ito malugi"-sagot sa akin ni papa

"Kung ganoon ano po bang solosyun sa problema ninyo sa kompanya?"-tanong ko

Malay niyo kasi ay mayroon akong maitutulong

"Kailangan naming makipag-deal sa kompanya ng kapatid ko"-sabi ni papa

"Sino po sa kapatid niyo papa?"-tanong ko ulit

"Ang tatay ni jk.....jk villacosta"-sagot naman ni mama

Dug.dug.dug.dug

Narinig ko na ulit ang pangalan niya....ang pangalan ng lalaking sinaktan ako....at ang lalaking mahal ko parin hanggang ngayon...

Umiwas ng tingin si v ng dumapo ang tingin ko sa kanya.

"V umuwi---"-hindi ko natatapos ang sasabihin ko ng sumabat si v

"Hindi.Tayo.Uuwi.Ng.Pilipinas"-madiing sabi niya

Nainis naman ako sa sinabi niya dahil nagiging unfair naman siya.

"Wag ka ngang maging unfair v!Uuwi tayo ay hindi ikaw lang pala ng pilipinas!!'-sigaw ko sa kanya

"Fine!pero sasama ka sa akin"-mahinang sabi niya

"At bakit naman?"-tanong ko

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin

Hanggang sa sumagot si mama...

"Dahil ikaw ang kakausap kay jk para makipag-deal sa kompanya natin"-iwas tingin na sagot ni mama

What the fudge!!!

End Of Chapter.

MHIAG2-Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon