-Jk pov-
It's been a year simula ng hindi ko na siya makita ng mawala siya ng para bang bula.
Nung una ay hirap na hirap akong tanggapin ang nangyari sa aming dalawa ni Jessica pero unti unti ko naman na ding natanggap.
"Hi babe!!"-bati sa akin ni charlota
Charlota Dizon my 5 months girl friend.
Si charlota ang tumulong sa akin nung time na iniwan ako ni Jessica
Hindi ko pa masasabing mahal ko na si charlota kasi na kay Jessica parin ang puso ko magpa-hanggang ngayon pero sinusubukan ko namang ituon na sa kanya ang buong atensyon ko.
"Hi din babe"-sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi niya
Nandito kami ngayon sa isang italian restaurant dahil may date kami ngayon ni charlota.
"Masyado naman atang mahal dito babe"-sabi niya sa akin.
"Ano ka ba babe wala lang yun noh"-sabi ko sa kanya at ipinaghila siya ng upuan.
