Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Hanggang kailan kaya ako magbibilang ng barya para lang guminhawa ang buhay?
Ako si Princess Kyesha Aglaea wingson. Ang ganda ng pangalan noh? Tunog mayaman pero katulad nga nang una kong sinabi nagbibilang ako ng barya. Yun yung mga naipon ko ngayong taon. Actually hindi naman kami isang kahid isang tuka e. May kaya kami yun nga lang minsan kinakapos talaga.
Nagaaral ako ngayon ng highschool palang isang taon nalang gagraduate na ako kasi 3rd year na ako and im proudly saying na top 1 ako ng klase.
Sa public school lang ako pumapasok pero okay lang basta ang mahalaga sa akin makapagtapos ako...
Yun yung una at priority goal ko hangang sa may nakilala akong mga kaibigan ko noong nasa 1st year ako na akala ko totoo pero ayun tapos pakinabangan yung talino ko iniwan ako...
Ganyan naman sila lahat sanay na ako. Yun bang lalapit lang sila saiyo kapag may kailangan sila o mapapakinabangan ka nila pero pag hindi na wala na iiwan ka na nila.
Simula noong makilala ko sila natuto akong maglakwatsa at ang gusto ko nalang ay masunod ang gusto ko at mga luho ko.
At ngayon parang ayaw ko na sa ganitong uri ng buhay ayaw ko nang maging mahirap. Bakit nga ba ako naging mahirap?Bakit ba hindi pwedeng pantay pantay na lang lahat yun bang lahat mayaman nalang...
Hindi ba pwede yun?
Eto lagi yung pumapasok na tanong sa isip ko tuwing may nakikita akong nagugutom, o kaya ay nangungutang bakit nga ba kasi ang unfair ng mundo para sa mga tao? Bakit hindi nakukuha ng tao ang lahat ng gusto niya?
" Sha,may assignment ka na ba?" Sabi ni Kaye yung pinaka mayaman sa amin...
"Sha, nagreview ka ba? Pakopya kami ahh!" Sabi ni Mira yung brat sa amin...
"Ano na Esha? Asan na yung assignment baka fumating na si mam bibigyan naman kita ng pera e akin na yung assignment mo!!" Sigaw ni Kaye sa akin.
Kinuha ko na yung assignment ko sa bag at binigay yun sa kaniya..
" oh ayan na bilisan ninyo at baka mapagalitan ako ni Mam." Sabi ko at saka umub ob sa may desk.
Maganda ang pangalan ko pero yun lang yun. Yung pangalan ko lang at sabi ng iba yung ugali ko din daw pero sa physical attribute? Wala kang aasahan sa akin. Oo at matalino nga ako, alam ko ang pinagmulan ng tao ang evolution ng earth ang Chemicals na nasa loob ng earth kung saan nabubuhay ang tao. Alam ko kung ano ang cause ng Stroke, Heart Attack, Diabettes, Pagtaas ng blood sugar at iba pa. Magaling at mabilis fin ako mag solve ng mga problems mapa math man o problema sa buhay. Isa nalang yung hihilingin ko yung respetuhin nila ako bilang ako.
At paano mangyayari yun? Kung naging mayaman lang ako paniguradong rerespetuhin nila ako mamahalin at igagalang.
Hindi ko namalayan naibalik na pala sa akin nila Kaye yung notebook ko at dumating na pala si mam.
"Okay class, may ipapagawa lang akong Essay sa inyo and its all about your wish or dream... yun lang at maiwan ko na kayo dahil may meeting pa akong pupuntahan." Yun lang yung sinabi niya at umalis na siya
" o Sha. Alam mo na ha igawa mo ako babayqran kita wag kng magalala." Sigaw ni Kaye tas umalis na sya.
Malay ko ba sa hiling nya siguro nga ay kaya ako ang pinagagawa niya ay dahil wala na siyang mahihiling pa.
Hindi ko namalayan may naisusulat na pala ako sa kaninang blanko kong papel.
SANA MAYAMAN NALANG AKO...
BINABASA MO ANG
Lacigam ACADEMY:Awful Magic
FantasyNaniniwala ka ba sa MAHIKA? What if totoo nga anong gagawen mo?