Chapter 01

476 2 0
                                    

Chapter 01

Me And My Bebs (bestfriends)

“Ang pogi talaga Ni Mario Lucas”

“KYAAAAAAAAAAH AKIN LANG SYAAA”

“As if naman patulan niya kayo no! Akin lang siya!!!”

“Hindeee!!! Sakin lang si papa Lucas ko!”

At kung anu-ano pang ingay ang naririnig ko sa mga babaeng ito. Kesyo pogi si lucas, sakin si lucas, papa lucas at kung anu-ano pa.

nakakairita na nga rin mga tili nila.

Sarap salpakan ng kamao ko e.

mga naka lunok ng megaphone.

Pailing iling na lang akong pumasok sa classroom.

Kung iniisip niyong kung may gusto rin ako kay lucas...

Pwes ... Tama kayo.

Pero syempre ako Lang at ang mga bestfriends ko ang nakakaalam. Ang sabi naman nila sakin hindi nila ipagkakalat. For 2 years keeping my secret. Mahal talaga nila ako. :)

“bebs nakita mo ba si fafaLucas?” tanong ni Mia

“Oo nga bebs?” sabat naman ni Beatrice

“Yep. Bakit?”

“KYAAAAAAHH!! Buti ka pa Bebs! Tara dali ...” sabi naman ni trish. Habang hinihila ako patayo

“T-teka! Teka lang! San ba tayo pupunta”

“Tapon basura =_=’” sabi ni trish

“o sige! Oy! Renz pakiabot naman kay trish yung basurahan itatapon niya daw” sigaw ko sabay smirk kay trish. Haha.

“gantihan lang bebs” bulong ko.

“oh!” sabi ni renz. Ampupu! Sinununod nga wahahahaha...

“pfffftt...” kaming tatlo nagpipigil ng tawa habang si trish namumula na sa hiya. Bakit? Si renz kasi yung crush niya

“YUUUURikaaaaaaaaaaa” sigaw niya. Kaya ginawa ko tumakbo ako palabas ng corridor. Mahirap na amazona pa mandin yung babaeng yun. Hahaha ^__^

Kasama kong tumatakbo itong dalawa. Hinablot ko kasi kamay nila para naman may kadamay ako noh.

Ng makalayo na kami hingal na hingal kaming huminto.

“husshhh... grabe ka talaga yurika. Ang lakas ng saltek mo rin e no?” sabi sakin ni mia

“hahaha! Alam mo namang pikon yun e pinatulan mo pa” sabi ni beatrice

“hahahaha! Wala e trip ko. Teka punta muna tayo sa canteen wala pa namang time e. Nagutom ako sa kakatakbo natin” sabi ko.

“ay gusto ko yan tara..” si mia

-

Sa canteen..

Habang kumakain kami. Nakita namin si trish na papunta sa table namin. agad kaming nagkatinginan. Tatayo na sana kami pero huli na ang lahat at nasa harap na namin agad siya.

“at saan naman kayo pupunta” sabi ni trish

Nag peace sign lang ako.

“dahil sa ginawa mo. Ililibre mo ko” sabi niya

“ano ka bebs sinuswerte. May pera ka e bat di ka bumili” panloloko ko.

“ay.. ayaw mo kong ilibre ah.. teka mhpp... ay si lucas oh!” bigla akong nanlamig. Ow me gash. Alam kong mayroon siyang maitim na kilikili este maitim na balak. Kailangan ko ang tulong niyo power pop girls.

“baka gusto mong sabihin ang ultra mega super duper secret mo?” sabi na nga ba e. Asan na ba yang power pop girls na yan. Please... help me!

“Oy Bebs hindi magandang biro yan ah.” Sabi ko.

“ililibre mo ko?”

“Hindi!”

“ah ganun ah.. pst!! Mario lucas!!” tawag niya. Agad naman itong lumingon. *face palm* anong gagawin ko. Huhuhu... no choice kundi ilibre itong babaeng to. Kaso matakaw to e. Mabubutas ang bulsa ko sakanya.

“hep hep ---“

“horrey!” singit ng dalawa. *face palm* again and again. Kaibigan ko ba talga tong mga to?

“duet lang mga bebs?” sabi ko

“O ano? Dali papunta na dito si fafalucas oh!”

“Oo na ililibre na kita” sabi ko. Power pop girls bakit niyo ako binigo. Huhuhu.

“bakit?” bigla kaming napatigil sa paghinga joke. Ng marinig namin ang cold voice ni mario lucas. Patay  masungit pa naman nento. Tumingin ako kay trish

“ah... di ba ikaw yung photographer slash photo journalist?” naks. May palusot agad.

“oo bakit” poker face.

“ah. Wala naman natanong lang”

“pfft” nagpigil kami ng tawa nila mia at beatrice. Si trish naman tumingin ng masama. Ng tumingin ako kay lucas... what? Naka tingin siya sakin. Wow. Ang ganda ng mata niya ah. Brown na brown.

Napansin niya sigurong nakatitig ako sakanya.

“pshh” sabi niya at umalis na siya.

“ay. Ang taray ni fafa lucas natin.., everyday ba siyang meron? Ang sungit talaga nun.” Sabi ni mia

“Oo nga e” si trish

“alam niyo hindi ko pa siya nakikitang ngumiti” sabi ko.

“Oo nga no? Napansin ko rin.” Sabi ni beatrice

“baka dahil sa past niya kaya siya nagkaganiyan” si trish

“siguro... or talagang ganiyan na siya... in born na ang pagiging masungit” sabi ni mia.

“nga pala tara na trish! Ililibre na kita” sabi ko.

“lets go bebs.. iiii kaya labs kita e” sabi niya sabay yakap sakin.

Wala pang recess ubos na agad pera ko dito sa babaeng to.

Kung hindi ko lang to kaibigan to.pina Sinalvage ko na yan.

--

My Popular BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon