Chapter 04

90 1 0
                                    

Chapter 04

Who’s That Girl?

“hoy tulala ka diyan yuri?!” sigaw sakin ni kuya. Nandito kasi kami ngayon sa bakuran at naglilinis. Pero ako talaga lutang parin sa nakita ko.

“kuya naman! Ang ingay mo!” sabi ko. Pero di ako galit. Ganyan po talaga kami.

“umayos ka yuri! Kanina pa ko dito ikaw tulala diyan! Dalian mo ng matapos na tayo may laro pa kami!” sabi ni kuya.

“sama ulit ako kuya!” sabi ko.

“sus.. si lucas lang naman pinupunta mo dun e” sabi niya

--

Sa basketball court.

Hays. Ako nanaman ang isang dito. Wala kasi sila bebs e. Ako lang tuloy ang mag isang mag checheer kay kuya. Hindi kay lucas noh. Kase parating na ung whatever-you-called-GF-ata XD basta yung kasama nya kahapon.

“Hi! Pwede maki upo” sabi nung girl sakin. Ang sama ko naman kung hindi ko naman pansinin di ba? kaya nag nod lang ako.

Dahil nawalan ako sa mood na i cheer si kuya e nakatunganga lang ako. Tas eto namang katabi ko sigaw ng sigaw. Sarap ipasalvage XD de joke lang. Nakalunok ata ng megaphone.

“umh.. ang pogi talaga ni lucas no?” sabi niya bigla. Tumingin ako sa paligid ko kung may iba pa siyang kinakausap. Wala naman. Tumingin lang ako sa kaniya tapos binalik ko kaagad tingin ko sa mga naglalaro.

“alam mo. Mahal na mahal ko yang si lucas” dagdag pa niya.

“Who cares? bakit? Tinatanong ko ba?” sabi ko.

Pero sympre sa isip ko lang haha.

Tumingin ako sa kaniya. Siya naman sa mga court naka tingin.

“kapag may umagaw sakin kay lucas .. baka mabaliw ako. At kung anu pang magawa ko sa babaeng aagaw sa kaniya” sabi niya. Pinaparinggan ba ko netong babaeng to? Kala yata nya natatakot ako sa kanya ah.

“ay. Ako nga pala si cess. Ikaw anung pangalan mo?”

WOW~! Isang napalaking WOW~ May balak pala siyang magpakilala ah. Hindi ko alam yun. Buti naisipan niya XD

“Yurika” tipid no? Sorry naman di ako FC e. Haha. Ang hard XD

Magsasalita pa sana siya ng may tumawag sa kanya.

“CESS!”

Paglingon namin. Si lucas pala tumawag sa kanya. Ng papalapit na siya kay cess bigla siyang huminto ng mapansin niya ko. Shett sobra ko bang ganda kaya tumigil ang mundo niya ng makita ako XD

“Yuuuuriiii!!” tawag ni kuya sa kabilang bench. Wush. Save by the kuya XD baka lalong lumala ang akwardness namin e.

“kita ko yun” sabi ni kuya

“ang alin? Sino? Saan?” pagmamaang maangan ko.

“sus! Wag kang mag alala bunso. Maghihiwalay din yan” sabi ni kuya sabay wink. Tapos nag apir kami.

“ahhahahaha!! Ang sama mo kuya!”

“sus. Gusto mo naman”

“hahaha. Tara libre mo na lang  ako kuya! Ice cream ah?”

sabi ko.

“oo na!”

--

Lucas Point Of View

Papalapit na koy cess ng mapansin ko yung katabi niya. Hindi nga ako nagkakamali si yuri to. Naku bakit pa kasi nandito yang si cess e. Sinabi ko ng wag na pumunta pero pumunta pa rin.

Pero don’t get me wrong walang KAMI sa amin. Magkaibigan lang kami ni cess.

tatawagin ko sana siya kaso bigla siyang tinawag ng kuya nya.

-

My Popular BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon