Chapter06
Biglang sinuntok ni lucas si espren. My gosh..
Sigaw ako ng sigaw pero ayaw parin nilang tumigil buti na lang at walang masyadong nadaan dito sa building na to.
“TUMIGIL NA NGA KAYO!” sigaw ko.
Buti naman at tumigil na sila. Tinignan ko si espren. Napuruhan. Si lucas naman walang kagalos galos. Naawa tuloy ako sa bespren ko. Naiinis ako kay lucas wala namang ginagawang masama si ven sinuntok niya.
“ANO BANG PROBLEMA MO LUCAS? BAKIT MO SIYA SYA SINUNTOK?!” sigaw ko sakanya habang inaalalayan si espren na tumayo. Pero hindi siya sumagot nakatitig lang siya sakin.
“tara na.. ako na lang pupunta sa kapatid mo para ibigay yung baon nya” sabi ko.
“hindi ako na” sabi ni ven at naglakad na kami palayo,
--
Clinic
“aww” daing ni espren.
“ano ba kasing ginawa mo at sinuntok ka ni lucas ha aber?” sabi ko. Habang ginagamot yung sugat niya.
“wala ah” sabi niya.
“hays. Pagnagkasalubong kayo huwag mo na lang pansinin yun a? Baka maglikha lang kayo ng gulo pag pinatulan mo pa” sabi ko.
“opo”
--
Lucas Point of View
Rggghh!!! Bwiset... bwiset talaga yang reyven na yan. Gusto niya pang agawin yung yuri ko. Tss.
Okay lang nakaganti naman ako.
Pero pakshet.
Galit sakin si yuri -,- kainis. Si author kasi dalawang kontrabida ang ginawa e. Pano na ang loveteam namen >.<
“Pre! Nililigawan pala nung reyven ba yun? Yung yuri mo?” sabi jasper tropa ko.
“Oo nga bagay sila” sabi namn ni nikko.
“MANAHIMIK NGA KAYOOO” sigaw ko.
“ayy.. nandito pala yung may gusto kay yuri” sabi ni nikko.
“ISA PA BABATUKAN KO KAYO” sabi ko.
“OWWWWWWW...Broken Heartedba paps? Kiss ka namen” sabi ni jasper. At akmang ikikiss ako. Nginudnod ko yung nguso niya sa palad ko.
“arayy paps. Sakit nun a” sabi niya sabay himas sa nguso niya.
“Dumamoves ka na kasi paps sige ka. Baka bukas bukas malaman mong sila na pala nung reyven. Ikaw din kawawa” sabi ni nikko.
“e hindi ko nga alam gagawin ko e” sabi ko.
“paps kaya nga kami inire ng nanay namin para tulungan ka” sabi ni jasper
“para namang may maitutulong kayo” sabi ko.
“try Us” sabi nilang dalawa.
“sige sige. Magpapatulong ako sainyo. Pag ito palpak pag uuntugin ko kayo dalawa” sabi ko.
“okay okay. So eto ang first damoves”
Lagi mong puntahan si yuri sa room nila para yayaing mag recess..
“Hi. Nandiyan ba si yuri?” tanong ko sa kaklase niya.
“KYAAAAAAAAAAAAAHHH!! SI PAPALUCASSSS!!” sigaw ng isang bakla
“ah lucas nandun oh!” sabi nito sabay turo sa loob ng room.
Paglapit kotinawag ko siya.
“Ahm yuri” sabi ko..
“Yuri tara sabay na tayong magrecess” at here we go. May epal na sumingit. -,-
“sige sige gutom na din ako e.
Nga pla... lucas.. please huwag ka ng lumikha ng away. Please. Wala siyang ginagawang masama” sabi ni yuri sabay alis. TCH!!! Kainis. Mas kinampihan niya pa yung ven na yon.
“next try tayo paps. #1 Damoves failed. Okay #2 damoves abangan mo lagi pag uwian at magvolunteer kang ihatid siya pauwi”
“yuri sabay na tayong umuwi. Ihatid na din kita sainyo” sabi ko.
“sorry lucas pero may kasabay na ko e” sabi ni yuri.
“tara na yuri?” at si epal sumingit nanaman. Rgh. Langya. Lagi na lang.
“malas mo bro. #2 Damoves Failed paps paglahat ng damoves na pinapagawa namin na failed tang na kaw na pinaka malas sa buong mundo hahahahaha” sabi ni nikko.
“sige tawanan nyo pa ko” sabi ko.
“de eto na. #3 Damoves. Puntahan mo sa bahay nila”
“tao po”
“uy! Ikaw pala yan lucas. Bakit naparito ka?” sabi ng kuya ni yuri.
“si yuri po?” sabi ko
“ah nandun sa sala nanunuod. Tara pasok ka” sabi ng kuya niya.
-
“yuri nandito si lucas”
“bakit ka nandito?” tanong agad niya.
“ayaw mo bang nandito ako?” sabi ko
“Oo talagang ayoko.”
“teka bakit ka naman ganyan sakin”
“e ikaw bakit ka naman ganon kay reyven?” sabi niya. Aw wala akong masagot. Medyo supalpal.
“sorry na” sabi ko.
“hindi ako yung sinuntok mo kaya wag ka sakin humingi ng sorry” sabi niya.
“bakit ba mas kinakampihan mo pa yung ven na yan kesa sakin?”
“e bakit mo nga siya sinuntok!!”
“E KASI NAGSESELOS AKO. MASAYA KA NA? KASI MAHAL KITA .. MAHAL KITA YURI”
Sabi ko at umalis ng walang paalam.
“ang gag* mo paps bakit ka umalis malay mo umamin din siyang mahal ka din niya” sabi ni jasper
“hayaan mo na, magmomomve on na lang ako”
“Paps. Baliw ka na talaga. Hindi namin alam kung anong payo ang sasabihin namin e. Hayaan mo muna siya. Wag mong isiping hindi ka niya mahal kasi hindi naman talaga” sabi ni nikko.
Binatukan ni jasper si nikko.
“abnormal ka paps. Lalo mong ginugulo isip ni paps e, halika dito paps iiyak mo lang yan come to papa” sabi ni jasper.
“alam nyo mga budoy talaga kayo” napatawa ako.
“nice tumawa din. Tiwala lang paps. Ikaw din kasi ang sungit at suplado mo sa kanya dati. O di ba? nu feel ng naiisnob?” sabi ni nikko.
Napaisip ako dun. Ang sakit pala ng naiisnob ka ng taong mahal mo.
BINABASA MO ANG
My Popular Boyfriend
Short Story“Masungit, seloso, suplado yan si Mario Lucas pero kahit ganiyan yan siya ang OH-SO-POPULAR at heartthrob sa school campus. Pero ang nakakabaliw neto sa isang ordinaryong estudyanteng katulad ko pa siya nagkagusto.” “Pero teka Gyera ang kakalabasan...