Chapter 02

134 1 0
                                    

Chapter 02

Orphanage

“mga bebs hindi ba tayo gagala? Sunday ngayon... tapos na mga assignments ko e” sabi ko sa kanila. Nandito lang kasi kami ngayon sa bahay namin.

“aalis kaagad ako bebs e” sabi ni trish

“ako din... may date kasi kami ngayon ni jam” sabi ni beatrice

“ako naman pupunta sa bahay ng lola ko e. May sakit kasi siya” sabi naman ni mia

“waaaaaaaaaahh... lahat kayo may kanya kanyang lakad... huhuhu.. ang gara nyo naman” pagmamaktol ko. Totoo namin kasi e ..

“e di .... punta ka na lang sa orphanage di ba gustong gusto mung pumunta don?” sabi ni trish

“Oo nga no. Pero wala naman akong kasama” sabi ko

“psh. Kaya mo na yan bebs. Malaki ka na” sabi ni trish

“Oo nga... tska di ba sabi mo dati nung bata ka lagi kayong bumibisita don sa orphanage na yun tas may naging bestfriend ka?” sabi ni mia.

“Oo pero sa tingin ko wala na dun yon. Baka may nag ampon na dun” sabi ko.

Nung bata pa kasi ako lagi kaming pumupunta ng orphanage nila mom at dad. At sa pag dalas naming bumisita don may isang lalaki akong naging bestfriend. Pala-tawa kasi siya masayahin, bibo, at pala-biro.

Pero isang araw nag paalam ako sa kaniya na baka hindi na muna ako maka bisita dito sa bahay ampunan kasi lilipat na kami bigla siyang nalungkot. Hindi niya ko pinansin pagkatapos nun.  Siguro nagalit siya kasi ako lang bestfriend niya dito at laging bumibisita sa kaniya.

-

“sige na bebs aalis na kami. Kitakits na lang bukas sa school. Basta kwentuhan mo kami kung makita mo man siya ah. Pag gwapo reto mo sakin” sabi ni trish

“loka. Sige na ingat kayo. Ah” sabi ko sa kanila. Habang hinahatid sila sa labas ng bahay.

Hayss kamusta na kaya siya? Siguro wala na siya sa bahay ampunan.

-

9am. Nag bihis na kaagad ako. Nag paalam na din ako kanila mom at dad sabi din nila ikamusta ko daw sila kanina sister faye at sister tin.

Bago ako dumeretso sa amupunan dumaan muna ako dito sa simbahan. At pagkatapos pumunta na ko sa ampunan.

“wow” unang salita ang lumabas na bibig ko ng makababa ako ng kotse. Maganda na kasi ito ngayon. Dati kasi yung gate kinakalawang. Yung pader may bitak bitak at may mga sulat. Ngayon sobrang ganda.

Pumasok ako sa loob at hinanap sila sister faye.

Dumaan ako sa garden. May mga bata dung magtatakbuhan, habulan at kung anu-ano pa. Grabe sobra ko tong namiss.

May nakita akong isang madre nilapitan ko ito.

“excuse me po sister. Nandito po ba si sister faye?” tanong ko.

“ako ito hija. Anong maipaglilingkod ko”

Sa sobrang pagkamiss ko kay sister faye nayakap ko kagad siya. Alam kong nagulat siya dahil sa ginawa kong pagyakap.

“sister faye ako po ito si yurika!” masigla kong sabi

“ikaw na ba yan hija.. ang laki mo na” sabi ni sister halatang hindi makapaniwala.

“Opo sister... siya nga po pala si bibo nandito pa po ba?” tanong ko. Biglang nag iba expression ni sister faye

“bakit po sister?” nag aalalang tanong ko.

“bago kasi siya inampon ng mag asawa. Lagi na lang siyang malungkot, mainitin ang ulo at hindi na siya kagaya ng dati na masayahin” sabi ni sister

“ganon po ba? pero bumibisita parin po ba siya dito?” tanong ko.

“Oo hija. Siguradong matutuwa ka dahil nandito siya ngayon sa bahay ampunan”

“talaga po? Waaaaah!! Tara sister gustong gusto ko na po siyang makita” excited kong sabi.

“ikaw talgang bata ka oh”

-

Nandito ako ngayon sa tapat ng office nila sister. Nandito daw siya at mag dodonate daw sa kanila. Kinakabahan ako ano kaya itsura niya?

“hija pasok ka na”

Ng pumasok ako. Biglang nanlaki ang mataka ko.

“ikaw?” bigla kong sabi. Pero siya naka poker face lang.

“Oo nga siya yun hija” sabi ni sister.

Hindi ako makapaniwala na si bibo at si lucas ay iisa. Whaaaaaaat?? Parang anlabo.

“bakit?” hindi na niya siguro ako naaalala.

“Bibo” sabi ko. Biglang nagbago expression ng mukha niya. Yung poker face naging naguguluhan.

“ano?” sabi niya. Na halatang gulat na gulat parin.

“ikaw. Ikaw si bibo di ba?” tanong ko ulit. Lumapit ako sa kanya.

“p-paano mo n--- ikaw? Ikaw si Nene?”

Ang baduy, nene talaga? Pero yun talga tawag niya sakin dati.

Tumango ako.

Nagulat na lang ako sa ginawa niya.

-

-

-

Waaaaaaaaaaaaahhh!! Niyakap niya ko. Sympre niyakap ko din. Yung crsuh ko at si bibo iisa. Grabe... di tlaga ako makapaniwala. Matagal ko na pala siyang nakikita pero hindi ko naman alam na siya si bibo.

Ang saya ng linggo ko ngayon. Sigurado akong kapag kinuwento ko sa mga bebs ko ang nangyare ngayon magtititili sila sa kilig at INGGIT wahahaha. Ang sama ko ba? di naman. Keme lang. Haha.

My Popular BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon