Chapter 1

53.5K 1.4K 73
                                    

CHAPTER 1

Yurielainne's P.O.V

Mabilis ang takbo ko habang paakyat ako ng kwarto ko. Kailangang hindi niya ako maabutan dahil kukurutin niya ako sa singit kapag naabutan niya ako.

"Yurie! Wag mo akong pahabuling bata ka! Stop running!"

Sa halip na sundin ko siya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Habang nakikisabay ang aso kong si Lily.

"Faster Lily maabutan na tayo ni Mommy!" Sabi ko pa sa aso ko na kumakawag ang buntot habang tumatakbo. Akala niya siguro nakikipaglaro kami kay Mommy. Hingal na hingal ako ng makarating kaming dalawa ni Lily sa loob ng kwarto. Hinimas ko ang ulo niya.

"Good little puppy."

"Yurie! Yurie! Buksan mo ang pintuan. Mag-usap tayong dalawa!" Narinig kong sabi ni Mommy nang nang nasa likod siya ng pintuan at katok nang katok.

"Tulog na po si Yurielainne!" Sabi ko. Sinadya ko pang paliitin ang boses ko. Gusto ko lang maasar si Mommy sa'kin.

"Wag mo akong inisin Yurielainne. Buksan mo ang pintuan!!"
Patawa-tawa ako habang naririnig ko ang galit na boses ni Mommy sa'kin. She's really angry at konti na lang talaga, kukunin na niya ang duplicate ng susi ng kwarto para pasukin ako sa loob.

"YURIELAINNE!"

"Sweetheart, bakit ka sumisigaw?" Narinig kong tanong ni Daddy kay Mommy. Doon ko na binuksan ang pintuan ng kwarto ko at tumakbo ako kay Daddy. Mas malapit kasi ako kay Daddy kaysa sa Mommy ko. Siguro dahil mas maraming time sa'kin si Daddy kaysa kay Mommy. Si Daddy para kong kaibigan. Sinasabi ko lahat sa kaniya kahit crush ko sa school kilala niya.

"Daddy! Nagagalit na naman sa'kin si Mommy!" Sumbong ko kay Daddy. Nakayakap pa ako sa bewang ni Daddy.

"Paanong hindi ako magagalit diyan sa anak mong 'yan Sweetheart. Tumawag sa'kin ang Banko at sinabing nag-withdraw ng five millions si Yurielainne. At alam mo ba kung anong ginawa niya sa pera niya? Bumili siya ng kotse niya!"

"Eh, Daddy dream ko po yung kotse na iyon eh, kaya po binili ko na."

"Ang dami mo ng kotse Yurie! Hindi mo naman nagagamit. Nagsasayang ka lang ng pera." Sagot ni Mommy.

"Hayaan mo siya sweetheart, pagbigyan mo na ang anak mo. Tutal naman nag-iisang anak natin siya." Sagot ni Daddy.

"Thank you Daddy!" Nakangiti pa ako kay Daddy. Mabuti pa si Daddy naiintindihan ako. Si Mommy ang daming reklamo.

"Nag-iisa nga lang ang anak mo. Pero kung gumastos naman daig pa natin ang may sampung anak."

"Sorry na nga po Mommy, hindi na mauulit."

"Haist! Ewan ko sa inyong mag-ama!" Sabay alis ni Mommy.

"Ginalit mo na naman ang Mommy mo." Sabi ni Daddy nang makaalis si Mommy.

"Palagi naman po siyang gano'n. Bakit po pala Daddy ganyan ang suot niyo?" Tanong ko kay Daddy. Nakasimpleng polo shirt na red siya at maong na pantalon.

"Pupunta ako sa Arristokrata Bar."
Arristokrata Bar ang pinangalan ni Daddy sa Bar namin dahil combination iyon ng Surname nila ni Mommy. Kinuha ang Arristo- sa Surname niyang Arristone. Samantalang ang "Krata" kinuha sa surname ni Mommy na Delkrata.

"Daddy, sasama po ako sa inyo." Sabi ko kay Daddy. Na-curious kasi ako sa Bar na iyon. Dahil paborito iyon ni Daddy na puntahan. Kung iisipin ko ang bar na iyon ang pinaka-cheapest business ni Daddy. Kumpara sa mga naglalakihan niyang kumpanya. Ngunit gano'n pa man. Madalas pa rin do'n si Daddy.

"Hindi pwede anak, bawal kang pumunta doon. Hindi ka nababagay do'n."

"Sige na po, Daddy! Saglit lang naman po ako doon curious lang po ako. Please! Daddy!" Nagpuppy eyes pa ako sa kaniya.

Huminga ng malalim si Daddy. "Sige! Pero saglit ka lang doon."

Tumango-tango ako. "Thank you Daddy, I love you!"

"Let's go!" Sabi pa niya sa'kin.
Ngiting-ngiti ako habang nasa loob ako ng kotse ni Daddy in-imagine ko kasi ang bar ni Daddy. Siguro may mga gwapong Banda doon. Gano'n kasi ang mga bar na alam ko may banda. Kahit na nga hindi pa ako nakakapasok doon.

HUMINTO ang kotse ni Daddy sa isang malaking building. Hindi kami pumasok sa mismong Entrance sa ibang pinto kami dumaan. Nakailang hakbang lang kami. Pumasok na kami sa malaking pintuan. Tumambad sa'kin ang loob ng bahay na may iba't-ibang alak na naka-display.

Sumimangot ako. "Daddy! Akala ko ba sa bar tayo pupunta? Kaninong condo unit ito?"

"Nandito na tayo sa bar Anak."

"Are you kidding me Dad?"

"Dumiretso ka diyan sa kaliwang pintuan tapos buksan mo ‘yan ang bar natin. Magpapahinga muna ako wag kang magpapasaway, Yurie."

"Really Dad? Bar talaga ito?"

"Tingnan mo." Ngumiti pa si Dad sa'kin.

Nagmadali naman akong puntahan ang sinasabi ni Daddy na curious talaga ako. Habang palapit ako nang palapit sa pintuan naririnig ko na ang ingay mga tao at bandang kumakanta. Pagbukas ko ng pintuan tumampad sa'kin ang sosyal na bar. Sa itsura ng mga tao doon. Halatang may mga sinabi sa buhay ang dumadayo rito. Naglakad-lakad pa ako. Hanggang sa mapadaan ako sa area ng mga V. I.P room.

"Baka may mga artista rito?" Nakangiti ako sa iniisip ko. Isa-isa kong sinilip ang mga Vip room. Lahat iyon naka occupied na.

"Teo, nandadaya ka na!" Narinig kong ingay sa kabilang room ng VIP. Nang sumilip ako...

"Kyaahh!" Napatili ako dahil sa Un-expected kong nakita. Nagtago ako nang biglang silang lumingon. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko. Parang aatakihin ako dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinuha ko pa ang cellphone ko at pinagmasdan ko ang larawan ni Teo Lugen na nasa screen ng cellphone ko.

"Oh! My gosh! This is it! Nakita ko na ulit siya. Kyahh!"


               ****
NAGKAROON AKO ng pagkagusto kay Teo Lugen nang makita ko siyang nakikipagsuntukan sa apat na mga lalaki. Nasa loob ako ng kotse noon nang mapadako ang tingin ko sa naglalakad na gwapong lalaki. Sinundan ko siya ng tingin at pagkatapos nakita kong hinarang siya ng apat na lalaki. Noong una natakot ako para sa kaligtasan niya at siyempre sa kaligtasan ko. Tatlong dipa lang kasi ang layo ng kalsada sa pinag-aawayan nila. Kaya naman tumawag ako ng pulis. Ngunit ang inaakala kong mabubog siya. Nagkamali ako. Dahil parang kumurap lang ang mga mata ko at nakita kong nakalupagi na ang apat sa kalsada.

"Ang cool niya! Kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ko siya ng picture. Napansin siguro niya na kinukuhanan ko siya ng picture kaya lumingon siya sa'kin. Para naman akong na-istatwa nang makita ko siyang papalapit sakit at nakita kong may dugo sa gilid ng mapula niyang labi.

"Ang gwapo niya para sayang Vampire."

"Hey! Miss, bakit mo ako kinukuhanan ng picture." Matalim niyang sagot sa’kin.

Para naman akong nasa ilalim ng spell niya. Nakatulala ako sa kaniya tapos ngumiti. "I'm willing to offer my blood. Vampire, suck me." Wala sa sarili kong sagot sa kaniya.

Kunot na kunot ang noo niya. Habang nakatingin sa'kin. "What?"

"Suck me honey!" Ulit ko pa.

"Psh! You're crazy! Magpadala ka sa mental!" Sabay alis niya.

Saka lang ako bumalik ulirat ko at binalikan ko ang mga sinabi ko kay Teo. "Suck me honey! Ugh!  Crazy Yurie. Ang tanga mo! Nakakahiya ka! Kausap ko sa sarili ko. Habang sinasabunutan ko ang sarili ko.
Nang gabi ding iyon in-upload ko ang picture niya sa facebook ko. At may Caption na "My Vampire love." Ilang segundo lang sunod-sunod ang mga comments at doon ko napag-alaman na Si Teo Lugen ang lalaking iyon at isang leader ng gangster na nag-aaral sa SPIA or Saint Paul International Academy. Mula noon naging fan love na ako ni Teo. Naisipan ko pa ngang mag transfer sa SPIA. Hindi lang pumayag si Daddy. Dahil gusto niya doon ako magtapos ng college sa pinasukan nila noong college sila ni Mommy. At ngayon nakita ko na ulit siya, my vampire love ko.

"Narinig mo iyon? Parang may babaeng tumili?" Narinig kong sabi ni Teo.

"Maraming titili talaga rito Teo, lalo kapag nakikita ako." Sagot ng lalaking kasama niya.

Nakita kong tinungga ni Teo ang laman ng bote ng alak. Tapos tumingin sa kaharap niyang lalaki.

"Puro mapapa-gwapo ang alam mo Alfred, Nakakahiya ka."

"Alam mo ikaw Teo, kung hindi ka lang leader ng gangster iisipin kong bakla ka at akong type mo eh!"

"Ul*l! Durugin ko 'yang mukha mong g*go ka eh! Wag mo akong idamay sa kalokohan mo! Wala pa sa bokabolaryo ko ang salitang love. Naiirita lang ako sa mga Magka-relasyon na inlove na inlove sa isa't-isa tapos makikita ko break na, gaguhan ang Love."

"Gaguhan ba? Kapag tinamaan ka niyan ewan ko lang sa’yo. Baka umatungal ka na parang baka." Ngumisi pa si Alfred.

"Tigilan na natin ang pinag-uusapan natin nakakawalang ganang uminom eh." Sagot ni Teo.

"So Vampire love hindi ka naniniwala sa Love? Pwes! Pagnakilala mo ang Goddess na si Yurielainne, baka pati si forever mahiya na sa'yo."

Pagkatapos noon dahan-dahan akong umalis sa lugar nila. Pinagtanong ko rin sa mga bartender kung palaging nandito si Teo. Natuwa naman ako sa naging sagot ng Bartender. Dahil sila Teo at alfred ang regular customer nila. Mas lalo tuloy akong natuwa dahil hindi ko na pala kailangang pumasok sa SPIA dahil gabi-gabi ko namang makikita ang Vampire Love ko.

"Maghintay ka lang Teo Lugen. Dahil mararamdaman mo na ang pakiramdam ng ma-inlove." Sa isip-isip ko.


I SOLD YOU FOR TEN THOUSAND (TEO LUGEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon