Chapter 4

37.4K 1.2K 71
                                    


Nagising ako sa tunong ng Ring tone ng Cellphone. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Nakatulog pala ako sa Sofa. Agad akong tumayo upang puntahan si Vampire Girl. Pagpunta ko sa kwarto ko malinis na doon ang kama ko. Kinapa ko pa ang hinigaan niya tapos namalayan ko na lang na nakangiti ako.

"That crazy girl. Ginawa pa niya akong Nurse."

Lumabas ako ng Kwarto upang magluto ng pagkain. Mag-isa lang ako sa malaking Condo unit na ito. May mansion kami ngunit hindi ako doon umuuwi. Wala naman kasi palagi ang mga magulang ko. Madalas katulong ang palagi kong kasama. Pumupunta lang ako doon kapag dumarating sila Mommy at Daddy.

Habang nagluluto ako ng pagkain. Narinig ko ang tunog ng doorbell. Kaya naman pinuntahan ko upang pagbuksan kung sino ang bisita ko.

"Good Af-ter-noon?" Nakatulala pa sa'kin si Alfred. Kasama niya ang tatlong magkakapatid na Perez. Si Liam, Xeno, Luffy sila ang matalik kong mga kaibigan.

Humalakhak sila na lalong kinainis ko.

"What's Funny?"

Siniko ni Xenon si Alfred tapos sumenyas siya. Tapos pigil na pigil ang pagtawa nila.

"Wala naman! May naiisip lang kaming Nakakatawa. Ito kasing si Alfred may pinanood kaming Comedy." Sagot sa'kin ni Xenon.

"Psh! Gunggong! Pumasok na kayo." Tapos tinalikuran ko sila. Sanay na akong palagi silang nandito sa Condo ko. Madalas silang tumatambay dito lalo na kung tinatamad kaming gumimik. Gangster kami. Umiinom, nagyoyosi, pero never naming sinubukang tumukim ng pinagbabawal na gamot.

"Akala namin Iinom tayo kagabi? Bakit bigla kang hindi sumipot?" Sabi ni Alfred.

Saglit akong natigilan. "Nawalan ako ng gana kaya umuwi na lang ako."

Binuksan pa ni Alfred ang LCD TV ko. "Sigurado ka ba diyan?"

"Oo!" nagtungo ako sa Kusina upang paghanda sila ng meryenda at para matigil na din ang kakatanong nila sa'kin. Ayokong malaman nilang may iba akong ginawa kagabi. Siguradong hindi nila ako titigilang asarin. Inilapag ko ang Tinapay at palaman sa table na nasa harapan nila. Nagdala din ako ng softdrinks.

"Ano 'yan?" tanong ni Luffy sa'kin.

"Pagkain mukha bang Gadgets 'yan?"

"Alam ko, 'yan na naman ba ang ipapakain mo sa'min. Grabe mapupurga kami sa tinapay." Reklamo nito.

Isa-isa kong inihagis sa kanila ang coke in Can. "Wag kang magreklamo nagluluto pa lang ako. Kung gusto niyo umorder na lang kayo ng pagkain."

"Oh! Liam umorder ka na!" sabi ni Luffy.

"Teka! Bakit ako na naman Kuya Luffy? Ikaw itong nagrereklamo."

"Umorder ka na ikaw ang pinakabata dito!"

"Liam! Wag mong sundin si Luffy." Sabad naman ni Xenon.

Nakangising tumingin si Liam kay Luffy. "Alam mo na Kuya Luffy!" Sabay tawa niya.

"Oo nga pala Teo? Sinong babae ang kasama mo kagabi?" tanong sa'kin ni Alfed.

Saglit akong napaisip. Sinundan kaya nila ako kagabi?

"Wala akong babaeng kasama kagabi."

Nagkatinginan silang apat tapos pilyong ngumiti sa'kin.
"Okay!"

Ilang segundo akong nakatingin sa kanila. Para kasing may mali? Parang may kakaiba sa kilos nila? Noon kapag tungkol sa babae ang topic namin. Pinipilitin nila akong paamin kahit na nga wala naman akong aaminin sa kanila. Pero ngayon? Ang weird.

I SOLD YOU FOR TEN THOUSAND (TEO LUGEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon