Chapter 2

41.3K 1.2K 60
                                    


Yurielainne's POV

"Daddy! Pinagtimpla ko po kayo ng kape. Tikman niyo po." Sabi ko pa. Habang kampanteng nakaupo si Daddy sa malambot na sofa at nagbabasa ng dyaryo.

"Wow! Thank you Baby. Tamang-tama balak ko pa namang tawagin ang isa sa mga katulong natin para ipagtimpla ako ng kape."

Tumabi ako sa kaniya. "Mas masarap 'yan Daddy. Ako ang gumawa eh,"

"Hmm.. I smell something fishy. May kailangan ka ba?"

"Ang galing mo talaga Daddy! Alam na alam mo na may sasabihin ako sa'yo."

"So ano iyon Baby?"

"Ahmm.. Kasi Daddy! Di ba? Saturday naman ngayon at tinapos ko ng maaga lahat ng assignment ko. Tapos naging good girl na ako nagtitipid din ako di ba?" Panimula ko.

"Then.."

"Daddy! Payagan mo naman akong sumama ulit na pumunta sa Bar. Please!"

"Why? Dahil ba kay Vampire love mo? Wala siya pagsabado doon." Sagot ni Daddy sa'kin.

Alam na alam kasi si Daddy kung sino ang tinutukoy kong Vampire love. Alam niya rin ang dahilan ko kung bakit gusto kong pumunta ulit ng Bar. Open kasi ako kay Daddy lahat ng nangyayari sa'kin sinasabi ko sa kaniya. Ganyan ako kaclose sa Daddy ko.

Sumimagot ako. "Sabi ng Bartender niyo. Mas maaga pa nga daw iyon kapag saturday."

Nakita kong tumawa si Daddy sa'kin. "Ikaw talaga Baby! Mukhang iba na yata 'yan ah! Inlove ka ba sa lalaking iyon?"

Yumuko ako upang itago ang pamumula ng mukha ko kay Daddy. "Daddy naman eh,"

"Okay! Sige pumapayag na akong pumunta ka sa Bar. But you promise me. Don't drink liquor. It's not good for you. Lalo na at wala ako doon mamaya."

Tumingala ako sa kaniya. "Hindi po kayo pupunta doon? Sino po ang kasaman ko sa pagpunta doon Daddy?"

"Ipapahatid kita sa driver mamaya."

"Promise po Magiging Goodgirl po ako Daddy! Thank you po Daddy!" Pagkatapos tumayo ako upang magpunta ng mall mamimili akong isusuot kong damit para kapag nagkita kami ni Teo maainlove na siya agad sa'kin.

"Saan ka pupunta anak?"

"Sa Mall po Daddy! May bibilhin po akong project." Alibay ko.

"Sige basta dapat yang project na bibilhin mo hindi aabot ng Hundred thousand Baby!"

Nakangisi akong tumingin kay Daddy. Alam na alam talaga ni Daddy ang gagawin ko sa Mall kahit na nga magsinungaling ako sa kaniya. "Bye Daddy!" Pagkatapos tuluyan na akong umalis ng mansion.

Nakasuot lang ako ng maikling short, t'shirt at tsinelas ng pumasok ako sa isang Mall, magpapaayos kasi ako ng buhok ngayon. Gusto ko kasing makita ako ng vampire love ko na magandang-maganda ako para wala siyang kawala sa'kin. Ngayon ko kasi isasagawa ang plano ko. Nakakainis kasi siya matapos kong malaman ang tinitirahan niya palagi ko na siyang pinapadalhan ng Bulaklak ang nakakainis lang bumabalik sa'kin ang mga bulaklak kasi hindi daw doon naglalagi si Vampire love ko so ngayon ang chance kong makaharap ko siya ay sisiguraduhin kong hindi siya makakatanggi sa'kin.

"Ouch!" Sambit ko ng may bigla akong nakabunguan. May hawak na Milk tea ang babaing nasa edad bente dos. At tumapon iyon sa suot niyang damit.

"Damn!" Pasigaw ng babae habang pinupunasan ng panyo ang suot niyang damit.

"I'm sorry!" Kahit na nga hindi dapat ako ang magsosorry kasi siya naman ang hindi nakatingin sa dinadaanan niya.

"Your sorry is not enough idiot! Do you know how much the prize of my dress?" Nakataas pa ang kilay niyang sabi sa'kin.

I SOLD YOU FOR TEN THOUSAND (TEO LUGEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon