Chapter 2: Lem

14 0 0
                                    

"Ano na namang kahibangan ang ginawa niyo rito sa ating lugar! Lumalala ang sitwasyon natin dahil sa kagagaguhan ninyo eh." Sermon ni Lem.

"Pasensya na po Master L!" Sabay na tugon ng lahat ng miyembro ng Urdolcie.

Sabay walk-out si Lem pagkatapos humingi ng pasensya ang Urdolcie.

Ang Urdolcie (Underground World Society) ay ang samahan ng mga naninirahan sa Underground World na nakikipaglaban sa kasamaan ng Dark World. Ipinaglalaban ng Urdolcie ang karapatan ng kanilang teritoryo laban sa Dark World.

May limang teritoryo ang Underground World. Ang una ay ang Nidonean ground na pinamumunuan ng mga Findorer. Ang pangalawa ay ang Therean ground na pinamumunuan ng mga Snoe. Ang pangatlo ay ang Leavor ground at ang main capital ng Underground World na pinamumunuan ng mga Santi. Ang ika-apat ay ang Apocalixto ground na pinamumunuan ng mga Claviet at ang huli ay ang Kenzonoa ground na pinamumunuan ng mga Parifuma.

Subalit ang mga grounds na ito ay nagkawatak-watak dahil sa pag-aklas ng Apocalixto at ilang bahagi ng Nidonean at Kenzonoa laban sa Leavor
ground at gumawa ng grupong Dark World sa pamumuno ni Saito Hermios na nanggaling sa Apocalixto ground.

Ang layunin ng Dark World ay sirain ang reputasyon ni Leroy Santi, ang pinakaleader ng Underground World at wasakin ang bawat grounds. Kapag nagtagumpay ang Dark World sa kanilang balakin, sila ang mamamahala ng buong Underground World at papatayin nila ang bawat kasapi sa lupon ni Santi.

Nagkaroon ng labanan sa pagitan nina Santi at Hermios sa pinag-aawayang teritoryo ng Underground World. Gumamit ng armas pangmilitar na may mga patibong ang mga Leavor at Therean samantalang malalakas na pwersang militar kasama na ang mga mahikang ginawa ng mga mangkukulam ng Kenzonoa, Apocalixto at Nidonean sa labanang ito. Hindi sapat ang mga armas ng mga Leavor at Therean at tila naubusan ng bala ang ilang mga armas sapagkat na-hypnotize ng mga Kenzonean ang ilang Leavor at Therean sa mahikang ginamit nila sa labanan. Unting-unti humina ang pwersa ng Leavor at Therean at marami ang nasawi sa labanang ito.

Sina Saito at Leroy ang naglaban sa huli. Pilit na nilalabanan ni Leroy si Saito hanggang sa nanghina ito nang lubusan. Sinaksak ni Saito si Leroy sa dibdib na ikinasawi nito.

Nagtagumpay ang Dark World sa pagkapanalo nila sa labanan ng Leavor at Therean.

Kaya ngayon, ang Apocalixto ang main capital ng Underground World kasunod ang Kenzonoa at Nidonean. Samantalang ang ilang Therean at Leavor ay lumipat na sa Apocalixto.

Nakauwi si Lem sa kanilang bahay at binati siya ng kanyang inang si Carlotta.

"Oh Anak! Bakit napaaga ang iyong pag-uwi?" Tanong ni Lot-Lot.

"Sumakit po ang ulo ko Ina at napagod na rin po ako." Wika ni Lem.

"Kumain ka na ba anak? Kung nakakain ka na, uminom ka kaagad ng gamot. Kumuha ka doon sa aparador at pagkatapos mong uminom ng gamot, umakyat ka na sa iyong kwarto at magpahinga." Wika ni Lot-Lot.

"Salamat po Ina."  Sagot ni Lem.

*Sabay halik sa pisngi sa kanyang ina.*

Uminom si Lem ng gamot gaya ng bilin sa kanya ni Lot-Lot at umakyat siya papunta sa kanyang kwarto at pumasok.

"Hay! Nakakastress itong araw na ito."

"Kung hindi lang kayo namatay nang maaga Ama, hindi ko gagawin itong pag-aaklas na ito."  Wika ni Lem.

Nagpahinga si Lem ng tatlong oras at biglang pumasok ang kanyang kapatid na si Caca.

"Hey Kuya! Bangon ka na dyan! Kain na tayong hapunan. Sige na please! Minsan ka lang namin kasama nina Ina at Carol eh." Wika ni Caca.

*Inaantok na tinig ni Lem*

"Tangina naman neto oh! Istorbo talaga ito kahit kailan. Mamaya na ako babangon Caca okay? Masama na nga pakiramdam ko eh." Sagot ni Lem.

*Sinipa ni Lem si Caca sa kanang hita.*

"Kuya! Ang sakit naman eh. Alam mo naman eto yung masakit na parte ng katawan ko tapos sinipa mo pa." Sagot ni Caca.

Umalis si Caca sa kwarto ni Lem at bumaba sa hapag-kainan kung saan naghahanda sina Lot-Lot at Carol ng mga pagkain at mga kubyertos.

"Ginising mo ba Kuya mo Caca?" Tanong ni Lot-Lot.

"Opo Ina ginising ko siya. Kaya lang mamaya na po siya kakain. Nasipa pa ako ni Kuya dahil naistorbo ko pagtulog niya." Sagot ni Caca.

"Hayaan mo na Kuya mo, sadyang pagod at may problema lang iyan. Lilipas din iyan." Wika ni Lot-Lot.

"Tara na Ina at Kuya Caca! Kain na po tayo. Nagugutom na po ako." Sabi ni Carol.

Habang kumakain sila ay may kumatok sa pintuan nila.

"Caca, pakitignan naman kung sino ang kumakatok sa pintuan natin." Pakiusap na sabi ni Lot-Lot.

Pagkatingin ni Caca sa bintana ay ang miyembro ng Dark World.

Pabulong na sabi ni Caca sa kanyang Ina, "Ina, mga miyembro po ng Dark World ang kumakatok sa atin."

"Gisingin mo si Kuya Lem mo Carol sa kwarto niya." Pautos na sabi ni Lot-Lot.

Umakyat sa kwarto ni Lem si Carol at kumatok sa pintuan.

"Kuya Lem! Kuya Lem! Bumaba ka rito Kuya! May mga miyembro ng Dark World sa bahay natin. Dalian mo na dyan!" Nagmamadaling tugon ni Carol.

*HOY! ANG TAGAL NIYONG SUMAGOT! SISIPAIN KO 'TONG PINTO NINYO! MGA WALANG KWENTA TAO RITO. MGA BINGI! HINDI NA TAYO NIRESPETO NG MGA TAO RITO. @#!?!!@?!!!*

Galit na galit ang mga miyembro ng Dark World sa matagal na response sa bahay nila Lem.

Mahiwagang BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon