Chapter 3: Lucia

9 0 0
                                    

*Kriiiiiiingggggg!!! Kriiiiiiiiiiingggggg!!!*

Itinigil ni Lucia ang kanyang paghuhugas at tumingin sa bintana.

Nakita niya doon si Tom.

Pinagbuksan ni Lucia si Tom ng gate.

"Magandang Araw Sir Tom!" bati ni Lucia.

Hindi siya pinansin ni Tom.

Si Tom ang snobber na anak ni Tiya Andeng. Mas gwapo ito kaysa kay Cholo kaya lang masikreto sa buhay. Mas pala-aral ito kumpara sa kapatid niya kaya lang saksakan ng yabang at ang bastos ng bunganga. Varsity basketball player siya sa isang sikat na university dito sa lugar namin.

Sa sobrang galing niya sa paglalaro ng basketball, maraming babae ang humahanga sa kanya. One time nga eh, pinagdalhan ko si Sir Tom ng pagkain sa school niya dahil inutos iyon sakin ni Tiya Andeng tapos may mga babaeng nainis sa akin.

"Hoy girl! Bakit mo pinagdalhan si Tom ng food? Baka mapoison siya at ayokong sumakit ang tiyan niyan sa niluto mo. At sino ka ba? Hindi ka taga-rito." Sabi ni girl #1.

Ang nasa isip ko, "Ang taray naman nito! Akala mo naman ang ganda niya kung maka-asta kay Sir Tom."

"Ay Miss, FYI po. Maid po ako ni Sir Tom at pinagbilin po sa akin ng Mommy niya na dalhan ko siya ng pagkain para sa practice niya." Sagot ni Lucia kay girl #1.

"Maid mo pala siya Tom? Bagay nga talaga sa kanya yan! Hindi siya belong sa mga katulad naming magaganda." Sumabat si girl #2.

"Ay wow Miss! Inggit ka? Buti nga maid ako ni Sir Tom eh. Kasi lagi ko siya nakakasama sa bahay eh. Nakikita ko yung mga ginagawa niya everyday kaysa sa inyo! Pwe!" Banat ni Lucia.

Nainis sakin yung dalawang babae at muntik na akong sabunutan nang biglang umawat si Sir Tom.

"Enough Lucia! Pwede bang umalis ka na rito sa campus at umuwi ka na?!! Naghahanap ka pa ng away rito eh." Sagot ni Tom.

"Buti nga sa'yo! Pwe!" Banat ni girl #2.

Hindi na ako umimik nun at umuwi na rin ako.

Mabait si Tom, topakin nga lang at masungit. Halos hindi sila magkasundo ni Tiya Andeng sa mga gusto niya. Pangarap ni Tom na maging Engineer kaya lang tutol si Tiya Andeng at pinakuha kay Tom ay ang pagiging Doctor katulad ng kanyang ama na si Tiyo Nardo.

*Magalak na isinalubong ni Tiya Andeng si Tom at niyakap niya nang mahigpit.*

"Hello Thomas! Masaya ako na dumating ka dito sa bahay." Wika ni Tiya Andeng.

"Ma!!! Ang sakit at ang higpit ng yakap mo! Hindi nakakatuwa." Tugon ni Tom.

"Anak, namiss lang naman kita eh. Hindi ba pwedeng mayakap ka lang?" Sabi ni Tiya Andeng.

"Ma, hindi na ako bata katulad noon. Kaya please huwag niyo kong gawing baby. Nandyan naman si Cholo eh." Sagot ni Tom.

Paboritong anak ni Tiya Andeng si Tom dahil bukod sa matalino na, sobrang sweet ito at malambing. Naging close friends kami ni Tom noong mga bata pa kami hanggang sa namatay si Tiyo Nardo noong First year High School na ako. Namatay si Tiyo Nardo dahil sa sakit na Lung Cancer, sa sobrang labis na paninigarilyo niya. Nagbago ang ugali ni Tom, ang malambing, masayahin at  mapagmahal ay naging masungit, may galit sa kanyang puso at mainitin ang ulo. Kaya simula nun ay hindi na kami nagpapansinan ni Tom. Masakit sa part niya na mawalan ng Ama lalo na't sobrang close sila. Nabibili sila ni Cholo ng Papa nila ng mga gusto nila at miski rin ako binibiyayaan din. Tinuring din akong parang tunay na anak ni Tiyo Nardo at siya rin ang kumupkop sa akin nung namatay si Inay at nung iniwan ako ni Itay. Pinag-aral din ako ni Tiyo Nardo hanggang first year high school nga lang. Kaya nung namatay si Tiyo, pinag-aral pa rin ako ni Tiya hanggang fourth year high school at hindi ko na naipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo dahil hindi na kaya ni Tiya Andeng.

Umakyat sa kanyang kwarto si Tom at pinagpatuloy ni Lucia ang paghuhugas ng plato.

Nang matapos na ang paghuhugas ni Lucia at sinabi niya,

"Sa wakas makakapagpahinga na ako mamaya! Makakapanood na ako ng teleserye."

Narinig siya ni Tiya Andeng at sinabi,

"Lucia, bago ka manood ng teleserye ay maglinis ka muna ng function room. May mga bisita ako darating mamayang ika-7 ng gabi."

"Osige po Tiya, gagawin ko na po ngayon tutal ika-3 palang naman po ng hapon."  Tugon ni Lucia.

Nagpunta si Lucia sa function room upang maglinis.

"Nakakainis naman si Tiya oh! Yung oras ko sa panonood ng teleserye ay pinaglinis pa ako ng function room. Dami pa namang alikabok rito. Umaasa pa ako mapapanood ko yung crush kong si Facundo pero hindi pala. Ang sakit." Sabi ni Lucia.

Mga bandang ika-5 ng hapon ay natapos maglinis si Lucia sa function room at nagpahinga saglit.

"Hay! Napagod ako doon. Sumakit ang mga bewang ko kakalinis ng mga gamit doon. Ang lalaki tapos ang dudumi pa. Ang tagal na rin nung ginamit itong function room." Sabi ni Lucia.

May sumusunod sa likod ni Lucia.

Mahiwagang BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon