Chapter 4: Lem

11 0 0
                                    

Lumabas si Lem sa kanyang kwarto at binuksan ang kanilang pintuan.

"Pareng Lem, ang tagal mo namang kumilos ah? Bakla ka ba?" Galit na tugon ni Pestos.

"Pasensya na kayo, nakatulog kasi ako. Sumama pakiramdam ko." Ngiting tugon ni Lem.

"Kaya pala pre eh. Iniimbitahan ka ni Shatana na makipagdate sa kanya. Yieee!!! Muling ibalik ang pag-ibig." Wika ni Pestos.

"Huwag kang maniwala diyan kay Pestos! Barbero iyan. Iniimbitahan ka ni Prinsesang Shatana sa isang piging kaya kami napapunta sainyo." Tugon ni Chino.

"Bakit ako inimbita ni Shatana?" Tanong ni Lem.

"Mahal ka pa rin ni Shatana pare! Woohh!! Punta ka na kasi pare! Masyado ka namang pabebe eh. Hindi ka pa ba sanay sa buhay ni Shatana? Naging kayo ng ilang taon tapos ganyan ka pa. Ayos biro!" Sagot ni Pestos.

*Kinaltukan ni Chino si Pestos sa pinagsasabi nito kay Lem.*

"Tarantado ka talaga Pestos! Puro ka nalang kalokohan ang pinagsasabi mo. Paano kaya kung ganyan din sabihin mo kay Prinsesang Shatana? Mabwibwisit sa iyo yun kung nagkataon." Sagot ni Chino.

"Pasensya na pareng Chino! Hindi ko na uulitin." Sabi ni Pestos.

"Lem, kaya ka inimbitahan ni Prinsesang Shatana ay para sa isang pagpupulong sa mga teritoryo ng Underground World kaya nagkaroon ng isang piging." Wika ni Chino.

"Ah ganoon ba? Saan gaganapin ang pagpupulong Chino?" Tanong ni Lem.

"Bukas ng ika-8 ng umaga, sa mansyon ng mga Hermios." Sagot ni Chino.

"Agad-agad? Ang bilis naman magdesisyon ni Shatana."  Wika ni Lem.

"Wala tayong magagawa Lem, ayon ang pinag-utos sa amin ng Prinsesa." Tugon ni Chino.

*Biglang nawala agad sa paningin ni Lem ang mga miyembro ng Dark World.*

Sinarado ni Lem ang pintuan ng kanilang bahay at nakisalo na siya sa kanyang pamilya.

"Ano ang pinag-usapan ninyo Lem sa mga Dark World?" Tanong ni Lot-Lot.

"Inimbita po ako Ina ni Shatana sa isang piging bukas ng umaga." Tugon ni Lem.

"Ah ganoon ba? May isusuot ka ba para sa piging na iyon Lem?" Tanong ulit ni Lot-Lot.

"Mayroon naman po kahit papaano Ina." Sagot ni Lem.

"Kapag nahanap mo ang damit na isusuot mo bukas, ilabas mo kaagad para maiplantsa ko na."  Bilin ni Lot-Lot.

"Masusunod po Ina." Tugon ni Lem.

"Kasama po ba kami dyan Kuya Lem?" Tanong ni Carol.

"Hindi tayo kasama diyan Carol, imporanteng piging ang pupuntahan ni Kuya Lem." Sagot ni Caca.

"Sayang naman Kuya! Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganyang piging." Wika ni Carol.

"Kapag lumaki ka na Carol, mararanasan mo rin ang mga ganitong piging." Wika ni Lot-Lot.

Nang matapos na sila kumain, tumulong sina Lem at Caca sa pagliligpit sa kanilang mga pinagkainan habang naghuhugas ng mga plato ang kanilang Ina at naglilinis ng kusina si Carol nang biglang natabig niya ang baso na nasa gilid niya.

"Hala! Nakabasag na naman ako ng baso. Pasensya na Ina, lilinisin ko na lang po ito." Malungkot na tugon ni Carol.

"Sige na ako na diyan Carol at baka mabubog ka niyan." Sabi ni Lem.

"May hindi magandang pangitain ang pagkahulog ng basong iyan." Wika ni Lot-Lot.

"Carol naman kasi! Mag-iingat ka sa susunod. Kulang na lang maubos na mga ginagamit natin dahil sa kapapabayaan mo eh." Sabi ni Caca.

"Hindi naman sinasadya ni Carol na natabig niya ang baso eh. Kaya sa susunod Carol, tingnan mo muna ang iyong paligid." Sagot ni Lem.

"Opo Kuya Lem." Tugon ni Carol.

Tuwing nandito sa bahay si Lem para makapagpahinga ay may mga bagay rito sa bahay na nababasag kagaya ng baso na natabig ni Carol kanina. Pakiramdam ng kanyang Ina ay may masamang pangitain ito sa buhay ni Lem lalo na't kasapi siya sa Dark World.

Nang nalinis ni Lem ang pira-pirasong basag na nanggaling sa baso ay nagtanong ang kanyang Ina sa piging bukas.

"Anak, sigurado ka bang pupunta ka doon sa piging na ginawa ni Shatana? Nag-aalala kasi ako sa iyo at baka mapano ka. Alam mo naman yung nangyari sa iyo nung nakaraang dalawang buwan na muntik ka na masangkot sa Dark World."

"Ina, sigurado na po ang aking desisyon na dumalo sa piging na iyon sapagkat ang tatalakin namin doon ay ang mga teritoryo ng Underground World at hindi naman po ako mapapahamak. Yung nangyari doon sa nabasag na baso ni Carol ay isa lamang coincidence." Sagot ni Lem.

Umakyat sa kanyang kwarto si Lem at naghanap ng maisusuot niya bukas sa kanyang aparador.

"Kaunti nalang pala ang mga damit ko rito. Nakakatamad naman kasing bumili lalo na't hindi magaganda ang mga disenyong pinapakita ngayon sa mga tindahan. Kung hindi mahal, ang panget ng tela at lumiliit naman sa akin. Hindi rin naman ako tumataba. Hay nako."

Sa paghahanap ng kanyang maisusuot ay may nakita siyang isang puting supot na nakatago sa mga nakatuping mga damit.

"Ano kaya ito?"

Hawak niya ang puting supot at nang binuksan niya ito ay tila nabahala siya dito.

"Napakagandang damit naman ito! Mukhang mamahalin siyang tignan pero kanino naman ito?"

Ang kanyang nakita ay ang puting polo sleeve na tila maayos pa subalit may konting matsa sa kwelyo at sa laylayan dahil sa kalumaan ng damit na ito. Makapal ang tela nito at may kamahalan.

Agad ay bumaba si Lem kasama ng hawak niyang puting polo sleeve.

"Ina!" Tawag ni Lem kay Lot-Lot.

"Ano iyon anak?"  Tugon ni Lot-Lot.

"Saan niyo po ito nabili Ina? Nakita ko po ito sa aking aparador. Napakaganda po nito kaya lang marumihin po siya sa tagal na naka-imbak sa aparador ko." Wika ni Lem.

"Matagal ko na iyan gustong ipasuot sa iyo iyan at ngayon mo lang nakita. Dalawang taon ang nakalipas nang bilhin ko iyan para sayo at tila hindi mo pala napansin." Tugon ni Lot-Lot.

"Pasensya na po Ina at ngayon lang po ako nakapag-ayos ng mga damit ko sa aparador. Wala po akong oras para sa pag-ayos ng mga damit ko." Wika ni Lem.

"Sige isukat mo na iyan anak para malabhan ko na siya agad." Tugon ni Lot-Lot.

Maya-maya ay nagkasya kay Lem ang puting polo sleeve na natagpuan sa kanyang aparador at pinalabhan niya kaagad sa kanyang Ina. Bumalik ulit sa kanyang kwarto si Lem para ibalik ang mga damit na hinanap niya.

"Hirap pala maging lalaki. Paulit-ulit yung mga sinusuot kong mga damit. Madalas, kupas pa yung mga kulay ng mga sinusuot ko at masyadong maninipis pa. Kapag nagkasweldo ako, bibilhan ko ang aking sarili ng bagong mga damit."

Nang matapos sa kanyang pagliligpit ng mga damit ay may tumunog sa kanyang cellphone.

Mahiwagang BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon