Dia (Pronounce as Diya) POV...
Hmmm sana magustuhan ni Lulu itong cake na binili ko...
Si Lulu lang naman ang boyfriend ko at birthday niya ngayon. Matagal ko na siyang crush, first year high school palang kami siya na yung gusto ko hanggang ngayong college na kami. Sino ba namang hindi mag kakagusto sa Lulu ko bukod sa gwapo na basketball player pa. Kaya naman lagi akong naiinis kapag may umaaligid sa kaniyang higad. -_-
Almost 6pm na ng makarating ako sa bahay nila. Bayad kay manong, baba ng taxi.
Nasa harapan ako ng malaking gate nila Lulu. Napatingin ako sa gate nila at napatitig dun. Hanggang ngayon kasi parang hindi parin ako makapaniwala na ang lalaking matagal ko ng gusto ay nasa saakin na ngayon. Ang aking si Lulu.Flashback...
Valentine's day.
"Balak natin Dia?" - ang natatawang tanong sakin ni Freya ang bestfriend ko.
"For sure may bago na naman kadate ang long long long crush mo." Sabay tawang dagdag pa niyang pang aasar sakin. Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Tahimik lang ako habang iniisip si Lulu ng biglang mag tilian ang iba kong classmates.
For sure may isa na namang varsity player ng iba't ibang sports ang mag yayayang makipag date sa isa sa mga kaklase ko. Nakaugalian sa school na kapag ang player ay walang girlfriend/boyfriend kailangan niyang mag yaya ng isang student para makipag date sa kaniya. Para daw swertehin ang buong team. Napasimangot na lang ako sa kung sino man ang nag imbento ng ganong konsepto. Hayyssss.
Napatingin ako sa pinto ng classroom ng unti-unting pumasok ang lalaking nag patigil sa pag tibok ng puso ko. Parang nag slow mo ang buong paligid at kaming dalawa lang ang tao sa buong classroom. Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na siya at may hawak na flowers. Si Lulu."H-hi." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam kung nautal siya o guni guni ko lang yun. Si Lulu Valdez mag e stammer sa harap ng isang kagaya ko? Malabo...
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Sana lang wag niyang marinig ang tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas nito.
"Hhhhh-hi." Sobrang nauutal kong reply sa hi niya. Alam ko muka na kong tanga. Ngayon ko lang siya nakita sa malapitan. Ang ganda ng mata niya. Kilay. Ilong na matangos at labing mapula na nanghahalina."Can you be my date?" Mas lalo akong natulala sa tanong niya. Nakita ko ang pagpipigil na paghinga ng iba kong kaklase. Hmfff mainggit kayo. Hahaha
"Yeah. Sure." Agad agad na sagot ko. My god!!! Totoo po ba to lord?! At don na nagtilian ang mga kaklase ko.
-----------------------------------------------------------------We date. At nasundan pa ng maraming beses. At dun din unti-unti ko siyang nakikilala at mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Hindi ako nagkamali sa lalaking minahal ko.
End of Flashback...
Bumalik ako sa kasalukuyan ng biglang mag vibrate ang cellphone ko. Nagtext pala si Lulu.
Frm lulu:
Babe, san kana? Miss na kita agad. Bilisan mo. I love you!Awtomatikong napangiti ako sa mensahe na pinadala niya. Pagbukas ko ng gate dumiretso ako sa pintuan papuntang kusina nila bale sa likuran ako dumaan. Para maiwasan ang maraming tao kung dadaan ako sa pinakang main na madadaanan ang pool nila kung saan ginaganap ang birthday party niya. Di pa man lang ako nakakarating sa pintuan ng kusina may narinig na kong mga nag uusap. Nakilala ko ang mga boses na yun dahil kaibigan sila ni Lulu.
"oh pano ba yan mga pare nanalo si Lulu."
Si Diego ang nagsalita, isa sa mga team mates ni Lulu sa basketball (center)."Ang gagong yun di ko akalain na seseryosohin ang pustahin natin." Si Kobe na sabay tawa. Ang guard nila sa basketball.
"Kilala niyo naman yun walang inaatrasang laban lalo na pagdating sa babae." Si Dylan, ang shooter sa team.
"Pero mga pre makukuha niya lang ang premyo kapag nakipag hiwalay na siya kay Dia. Ayon ang nasa pustahan sa natatandaan ko." Singit naman ni Jey "whoaaa! Tangna mga pre ang swerte niya sa premyo niya ang cheerleader ng kabilang team." Dagdag pa nito.
"Ang pangarap niyang maikama!" Sabay sabay na sabi ng apat at nagtawanan na.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, di ko namalayan na naglalandas na pala ang mga luhang gusto kong pigilan sa pagtulo. Di nila ako nakikita dahil nasa may madilim na parte ako nakapwesto.
YOU ARE READING
My Sweet Dia
Fanfiction"Kasalanan ko kung bakit siya nawala sakin. Sana.... Sana.... ako na lang ang nawala." -Lulu