Four

0 0 0
                                    

Lulu take his medications dahil sa hina ng baga niya kaya siya sakitin at payat. At sa paglipas ng panahon unti unti naring nag kakalaman ang katawan niyang payat dati.
3rd year high school na siya ngayon. At malaki na ang ipinagbago ng dating pitong taong gulang na ngayon ay kinse anyos na. Isa siya sa mga varsity player ng basketball team nila.
Nasa park sila ng mga kateam mates niya sa loob ng school. At oo may park sa loob ng school nila sa lawak ba naman ng school na pinapasukan niya at pawang mga mayayaman lamang ang mga nakakapasok doon. Ang park na iyon ay twing break time lamang ng mga studyante. At exclusive school yon na para lamang sa mga high school students.
Nag kukwentuhan sila ng mga kaibigan niya ng mapadako ang tingin niya sa isang babaeng naglalakad papunta sa kabilang building na kung saan mga babae lamang ang pumapasok. Hiwalay ang building ng mga lalaki sa mga babae.

Dia nagbalik ka....

"Sino yang tinitingnan mo?" Usisa ni Jey na halatang usesero at sinundan din ng tingin ang babaeng malapit na sa building G (Building for Girls).

"Ngayon ko lang siya nakita. She's pretty." Dagdag namang komento ni Diego.
"She's a transferee." Si kobe na ngayon ay nakatingin narin sa babae.

"I think I like her." Si Dylan, na pinaka unong babaero sa barkada.
"Leave her." Akmang tatayo na si Dylan ngunit pinigilan niya ito. "Back off." Dagdag niya at umalis na sa kumpol ng mga kaibigan niya.

"You can't stop me from liking her!" Narinig pa niyang sigaw ni Dylan.

"Tarantado ka talaga pre. Inaasar mo pa talaga si Lulu eh no?!" Sabi naman ni Diego at tumawa.

Mga siraulo tsk...
-----------------------------------------------------------------

Kakatapos lang ng buong team mag praktis. Pero lima na lang silang natira. (Lulu.Jey.Diego.Kobe. Dylan) Ang ibang kamember nila ay umalis na. Ginabi na sila dahil nasarapan sa pag lalaro ng basketball. At mangilan ngilan narin ang mga studyante na halos wala na nga dahil bawal ang mag pagabi sa loob ng school. Pero dahil player sila at nag papraktis pinapahintulutan sila. Nasa locker room sila ng makarinig ng sigaw sa library which is sa kabila lang pero kailangan pang umikot upang makapunta dun.

"Tang'*na pare! Sinasabi ko na nga bat hindi dapat tayo nagpapagabi dito eh!" Si jey na biglang yumakap kay Diego. Nga pala takot si Jey sa multo.

"Mas takot ako sa bakla kesa sa multo. Lumayo ka nga sakin Jey! Nakakadiri ka!" Sabi naman ni Diego sabay alis sa tabi ni Jey.

"Ulol di ako bakla! Ayoko lang talaga sa mga multo!" Ganti naman ni Jey.

Si Kobe naman na tahimik lamang ay biglang nagsalita. "Puntahan natin baka isa yun sa mga studyante."

"Tara pre! Baka kelangan ng tulong!" Sang ayon naman ni Dylan.

"Kayo na lang dito na lang ako kasama ko si Lulu!" Ang natatakot namang saad ni Jey.

"Lulu dito ka lang ba?" Baling naman na tanong sa kaniya ni Kobe.

"Sama ako." Sagot naman niya at biglang ngisi kay Jey upang takutin ito lalo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Sweet Dia Where stories live. Discover now