LUMIPAS ang araw at palapit ng palapit ang araw ng kasal nila Sefh at Yasmin. Habang nakaupo si Yasmin sa silid nila ay bigla siyang nakaisip ng bagay na dapat niyang gawin habang wala siyang ginagawa. Dali-dali siyang nagbihis at nagpaalam sa ina ni Sefh na may pupuntahan lang siya. At dahil sa takot ng ina ni Sefh na baka mapano na naman si Yasmin kung lalabas itong mag-isa ay pinasamahan siya ito ng dalawang bodyguard. Hindi naman yun tinanggihan ni Yasmin dahil alam niyang para sa kapakanan niya ang ginagawa nila sa kanya.
"Kuya, sa V Mall po tayo." Ani Yasmin sa tagamaneho. Tumango naman ito bilang sagot.
Dahil hindi naman kalayuan ang V Mall ay madali lang nila ito narating. Agad na ipinark ng driver ni Yasmin ang sasakyan bago siya ipinagbukas ng pinto ng isa pang bodyguard niyang kasama.
Ng makalabas ng sasakyan si Yasmin ay agad siyang naglakad papasok sa loob ng V Mall. Nakasunod naman sa kanya ang dalawang bodyguard.
Habang naglalakad si Yasmin ay may hindi siya sinasadyang mamataan sa loob ng V Mall. Kaya agad niya iyon nilapitan. At hindi nga siya nagkakamali sa nakita kung sino ito.
"Lara?"
Bigla naman napalingon ang tinawag ni Yasmin. Ng mapagsino naman ng tinawag ni Yasmin ang tumawag sa kanya ay biglang tinakasan ng dugo ang mukha nito.
"Yasmin."
Malumay na tawag ni Lara kay Yasmin sabay buhat nito ng batang kasama. Masusing pinakatitigan naman ni Yasmin ang batang kasama ni Lara. At nakikita niya dito ang mukha ng dating katipan.
"Kumusta kana?" Tanong dito ni Yasmin na nakangiti.
"A-ayos lang." Tila nahihiyang sagot sa kanya ni Lara. Hindi ito makatingin ng tuwid kay Yasmin.
"Can we talk, Lara?" Maya ay ani Yasmin.
"H-huh?"
"Please," pakiusap dito ni Yasmin. "Kahit saglit lang." Dugtong pa ni Yasmin sa pakiusap. Napabuntong hininga naman si Lara. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Yasmin. Ngunit nanaig parin ang kagustuhang pagbigyan ito sa gusto.
"Sige, doon tayo ng makaupo tayo." Aya ni Lara kay Yasmin kung saan mayroon silang mauupoan. Agad namang nagpatianod dito si Yasmin at sumunod kay Lara.
Ng marating nila ang upoang itinuro ni Lara ay agad sila doon naupo.
"Anak mo ba ito?" Tanong ni Yasmin kay Lara na agad niyang hinawakan ang kamay ng batang lalaki na nasa kandungan ngayon ni Lara nakaupo.
"O-oo, anak ko. Si Drake." Tila proud namang turan ni Lara kay Yasmin.
"Lara wag mong mamasamain huh! Anak niyo ba ito ni Rex?" Ang naninigurong katanungan ni Yasmin. Hindi naman nakapagsalita si Lara sa tanong ni Yasmin sa kanya. Napabuntong hininga namang si Lara sa katanungan sa kanya ni Yasmin.
"Oo, pero hindi niya alam ang tungkol kay Drake. Mula kasi noong araw na nakita mo kami ay hindi na ako nagpakita pang muli sa kanya." Malungkot na pagtatapat nito sa kay Yasmin. "Lara."
"I'm sorry Yasmin. Dahil sa akin e hindi_
sshhh.....kalimutan muna ang nangyari. Kung tutuosin ay dapat pa akong matuwa dahil sa nangyari ay meron akong Sefh at Sylvan ngayon. Mahal na mahal ko ang mag-ama ko ngayon," agad pinigilan ni Yasmin ang mga sasabihin pa sana ni Lara. Pinatawad na niya ito. Ika nga mas lalo mong makikita ang lubos na kasiyahan ng buhay mo kung wala kang galit na kinikimkim sa dibdib mo. "Napatawad na kita matagal na." Dugton ni Yasmin sa tinuran na kinaangat ng mukha ni Lara.
Dahil sa tinuran ni Yasmin ay hindi maiwasan ni Lara na hindi maging emosyonal. Sa tuwa nito ay agad niyang nayakap si Yasmin. Hindi niya alintana na nasa kandungan niya ang anak. Tila nawala ang bikig na nasa lalamunan ni Lara ng ilang taon dahil sa pagpapatawad na binigay dito ni Yasmin.
BINABASA MO ANG
LOVE AND PAIN(Completed)
General FictionAIVAN "Sefh" GUERRERO->mahilig tumuklas ng iba't ibang uri ng inumin. Kaya naman dahil sa kanya ay mas lumawak ang negosyo ng mga Guerrero sa kalakalan ng 'Alak' sa buong Asia. YASMIN "Yash" PEREZ->Isang magandang dalaga at nagtratrabaho sa isang ad...