Chapter 12

26.6K 824 34
                                    

PARANG isang bula lang ay natigil ang kumakalat na balita tungkol sa pag-iisang dibdib umano ni Sefh at Vivian. Sinimulan narin nilang hanapin si Yasmin kung nasaan ito. Ngunit lumipas na ang araw at buwan ay wala parin silang makuhang balita kung nasaan ito.

"Anak, aalis kana?" Tanong ng ina ni Sefh ng makita siya nito. Sa paglipas ng araw na paghahanap ni Sefh kay Yasmin ay ginugul na lang niya ang sarili sa pagtratrabaho. Sinimulan nitong hawakan ang negosyong nakalaan sa kanya.

"Yes! Mom, meron po kasi akong meeting ngayon sa opisina. Kaya kailangan kung maging maaga sa kumpanya." Anito sa ina na hinalikan sa noo.

"Okey! take care your self. Wag mo masyadong patayin ang oras mo sa trabaho anak." Anang kanyang ina na kinangiti niya. Kung titingnan mo si Sefh ay ibang-iba na ito. Ang layo na ng dating Sefh sa ngayon. Kung dati ay masayahin ito ngayon ay napalitan ng seryosong lalaki at hindi mo kayang arukin kung ano ang iniisip niya.

NANG marating ni Sefh ang kumpanyang hawak niya ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa sarili niyang opisina.

"Good morning, Sir." Magalang na bati ng secretary ni Sefh sa kanya. At isang tango lang ang sinagot niya dito. "Do you want coffee, Sir?" Tanong ng secretary niya.

"No. Do I have a appointment today?" Tanong nitong hindi nakatingin sa secretary niya. Nakatuon ang mga mata ni Sefh sa mga papeles sa harapan niya.

"Yes! Sir, meron po kayong meeting around 9:00 am and 12:00 am, someone set a meeting for you at MAV restaurant." Paliwanag ng secretary niya. "At next week po ay nakahanda ang business appointment niyo kay Mr. Di Vaio sa Italy." Dagdag nito.

"That's all?" Tipid nitong tanong na bahagyang tiningnan niya ang secretarya at tumango naman ito bilang sagot. "Yes! Sir."

"Okey! Pakihanda na lang ang mga kailangan ko sa pagpunta ng Italy." Utos niya dito. "Ready na po ang lahat Sir. Nakapabook ko na po kayo doon ng hotel na tutuloyan niyo at naikuha ko na rin po kayo ng plane ticket niyo." Mabilis na sagot nito.

"Great." Naikumento lang nito.

"May kailangan pa po ba kayong ipagawa Sir?" Magalang na tanong nito kay Sefh.

"No! You can go now." Anito sa kanyang secretary. Agad naman itong tumalima at bumalik sa mesa niya.

Pagsapit ng tanghali ay agad na tiniklop ni Sefh ang mga paper works sa mesa niya. Kailangan nitong makipagtagpo sa kameeting niya. Matapus niyang masigurong nasa bulsa niya ang wallet, tawagan at susi ng kotse niya ay saka siya nagpasyang lumabas ng opisina niya.

"Sasama ka sa akin sa MAV restaurant." Tila ma autoridad nitong utos sa secretary na tuloy-tuloy lang sa lift. Walang nagawa ang secretary niya kundi ang magmadaling sumunod kay Sefh.

Dahil hindi rin naman kalayuan ang MAV restaurant ay madali lang nila itong narating. Magkasunod na pumasok sa loob ng restaurant si Sefh at ang secretary nito.

"Magandang tanghali po Mr. Guerrero." Masayang bati sa kanya ng isa sa mga waiters na nandoon. Kilala na siya ng mga ito dahil na rin sa kilala rin nila ang may ari ng naturang restaurant.

"I have a meeting with someone here." Anitong kinatango ng waiter. "With Miss Elizalde, Sir?" Paniniguro nito kay Sefh.

"Oo, siya nga po." Ang secretary na ni Sefh ang sumagot dito. "Okey! This way po Sir. Hinihintay na po niya kayo." Anang waiter at iginaya sila sa mesang nakalaan kung saan naghihintay ang kameeting niya.

Malayo pa lang sila sa mesa ay tanaw na nila ang babaeng napakalapad ang ngiti. Agad itong tumayo ng makalapit sila dito ng secretary niya.

"Mr. Guerrero, thank you at pinaunlakan mo ang invitetion ko sayo for lunch." Anang babae na kinakunot ng gwapong mukha ni Sefh at ang secretary niya. Umiling ang secretary ni Sefh at nagsasabi ang mga mata nitong hindi naman yun ang ipinadalang email sa kumpanya kundi about business ang pag-uusapan nila.

LOVE AND PAIN(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon