Chapter Six (Secrets)

7.8K 117 1
                                    

Alexis' POV

ARGGGGGGGH! Bakit pa kasi ako nagtext ng ganon?! Hindi ko na naman napigilan! Katulad dati...

Flashback

Nalaman ko kung sino yung crush niya at aaminin ko nasaktan ako. 1 week ko siyang hindi pinansin tapos bigla akong kinausap ni Jmy yung twin sister niya.

"Hoy Alexis." Nagulat ako kasi nagnanap ako tapos biglang may nagsalita.

"Oh bakit?" Paglingon ko si Jmy pala.

"Ikaw ah nakakahalata na ako sayo" Hala? Wag niyang sabihing...."Gusto mo si Aya noh?" Sabi kong wag mong sabihin eh. Lagot na nahalata niya.

"Ah...eh...kasi...wag mong sasabihin ah" Wala na akong panahon para magsinungaling.

Tinawanan niya lang ako at umalis na.

End of Flashback

Kaya simula nun, kapag inaasar ko si Aya o kaya pag mabait ako kay Aya, ngumingiti lang siya ng abot tenga! Kaasar ka talaga ALEXIS! Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nagtext ka ng ganon! Siguro ngayon sinasabi na ni Aya sa kanilang tatlo yung tungkol sa text ko.

"HOY ALEXIS!" sabay batok sa akin. Sino ba to? Istorbo. Pag-angat ko ng ulo ko nakita ko si...........

"Oh.......bakit....AYA?" Grabe kinakabahan ako pag itanong niya yung tungkol sa text.

"Grabe ka ah. Nagulat naman ako sa tinext mo kagabi pero anyway, wala namang meron sa amin. Moderator lang namin siya" weh? Gusto mo kaya siya. affected ka naman! HAAAAAY!

"Oh ano naman?" siyempre dapat cool lang ang sagot. Aasarin ko lang to para di mahalata.

"Bahala ka nga jan. Ang gulo mo" Nagalit ata. Umalis eh, sinundan ko na lang. Nakita ko si Jmy nakangiti nung sinusundan ko si Aya gusto ko ng huminto pero galit si Aya sa akin kaya dapat ako magsorry.

"Uy Aya. Sorry naaa. Joke lang naman yun eh. Joke lang yun" Hindi pa rin siya lumilingon.

"Aya! Peace na tayo! Sorry na!" Lumingon na siya pero nakasimangot tapos bigla siyang nagsalita.

"Okay ba acting ko? HAHAHA!" Sabay ngiti sa akin! ARGH! ano ba yan acting lang pala yun. Nadala ako dun ah.

"Okay, Siraulo ka talaga" Tumawa lang siya. napangiti na lang din ako. Sana palagi ko siyang napapatawa..

"HOY! bakit di ka na naman nagsasalita jan? Tulala ka naman! Tulo pa yung laway mo. Wala na yung kausap mo! HAHAHAHA" Biglang nasa harap ko na si Jmy.

"Ah...eh...buti naman at hindi mo pa sinasabi kay Aya. VERYGOOD!" inasar ko lang siya

"Aba. makapang-asar ka ah. Gusto mo sabihin ko na ngayon? AYA!. Alam mo ba--" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil tinakpan ko yung bibig niya at hinila. Nakita ko naman si Aya naiwang tulala. Clueless pa rin siya kung bakit siya tinatawag ni Jmy.

Tyrone's POV

Makulit pala siya. Dati kasi kapag tinitignan ko siya tahimik lang siya eh. Oo tama ang nabasa niyo dati ko pa siya tinitignan pero siyempre nag-iingat ako para di mahalata. Pinakiusapan kasi ako ng isang taong pinapahalagahan  siya.

Flashback

Nung sophomore ako, napili ako para maging kasama ng team na maglalaro para sa Regional Olympics. Nakasama ko sa team yung kuya niya na noon ay Junior. Pinakaclose ko sa team yung kuya niya. At nung nalaman niyang nag-aaral ako sa St. Benedict Academy may binilin siya sa akin.

"Bantayan mo sana yung kapatid ko na freshman ngayon sa St. Benedict Academy si Aya. Alam mo na siyempre kasi malayo na yung school ko sa kanya. Hindi ko sinasabing kailangan mo siyang kaibiganin nasa sayo yun. Pero sana bantayan mo siya sa mga ginagawa niya lalo na sa sports. Hindi kasi pwedeng mapagod yun eh" Hindi ko maintindihan? Bakit bawal siya mapagod?

"Bakit?" tinanong ko.

"Basta" Yun lang yung sinabi niya.

"Okay naiintindihan ko kung hindi mo sasabihin pero sige babantayan ko siya. Makakaasa ka sa akin" Siyempre minsan lang siyang humingi ng favor kailangan tuparin ko.

End Of Flasback

Nung nalaman kong magtatry-out siya sa volleyball naalala ko yung sinabi ng Kuya niya, hindi siya pwedeng mapagod. Kaya ginawa ko ang lahat para di siya magtry-out. Sa simpleng late lang, pinagalitan at pinahiya ko siya para madiscourage siya. Pero parehong-pareho sila ng kuya niya hindi siya nagpatalo. Kung ano-ano ang sinabi niya at hinamon pa ako. Hindi ako nagpatalo nun ginawa ko talaga ang best ko pero natalo niya ako, magaling siya halatang lumaki siya na kasama ang kuya niya. Kaya ngayon sa St. Benedict Academy, magiging kuya ako para sa kanya.

"TYRONE! ano tong naririnig ko? May kasama ka daw na sophomore sa cafeteria? Sumagot ka nga!" Nagulat naman ako biglang may nagsalita..........si Charlene.

"Wala ka ng pakialam dun" sinabi ko na lang. Nababadtrip na naman ako. Naglakad na ako palayo pero hinabol niya ako.

"SINO NGA YUN?!" sumigaw na siya.

"Wag ka ngang maingay jan. Hindi talaga marunong magpreno iyang bibig mo noh? Oo may sophomore akong kasama sa cafeteria, player ng Volleyball team. Okay na?" Nagulat siya sa sinabi ko. Natulala lang siya at ako naman, naglakad lang palayo.

Hay nako mga babae talaga hindi maintindihan. Nakakinis talaga Badtrip! Sira na araw ko.

Aya's POV

Ang weird ng mga tao ngayon, si Jmy kanina may sasabihin pero tinakpan ni Alexis yung bibig niya at hinila siya. Si kuya Tyrone naman, tinreat niya ako sa cafeteria kanina. Naaalala ko tuloy si Kuya. Namimiss ko na yun. Kailan kaya sila uuwi ni ate? Haaay! Makatulog na nga maaga pa ako bukas.

End of Chapter

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sino kaya si Charlene? :O

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now