Chapter Twenty Six (Homecoming Dance)

3.9K 60 0
                                    

Nasa right po yung pictures ng mga suot nila! Sunod-sunod na po yan! Kay Aya, Carla, Jenelle, at Jmy! Enjoy!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jenelle’s POV

Friday naaaaaaa! Excited much para mamaya! Hahaha! Nagreready na nga lahat dito sa school eh. Pero eto naman si Aya di pa din naming alam kung pupunta! Busy naman kasi siya sa practice halos di na naming siya nakikita, kahit si Tyrone nga hindi alam kung pupunta siya o hindi eh.

“Ate! Ate!” Biglang may sumulpot na freshman sa harap ko! Kabute lang kuya?

“Bakit?”

“Kayo po ba si Ate Carla?” Pagkamalan ba naman ako si Carla!

“Ay hindi! Ayun oh, yung nag-aayos ng flowers dun sa may stage”

Bigla siyang tumakbo at binigay kay Carla yung bouquet ng flowers. Wow, may pabouquet bouquet pa ah! Teka? Diba sophomore at junior lang ang pupunta mamaya? Ah baka pinabigay lang! Hay nako Jenelle Uy mukha kang ewan sinasagot mo yung sarili mong tanong! Hahaha! Lumapit ako kay Carla.

“Oy Carla. Ikaw ah! Kanino galing yan?” with matching BIGGG Smilee.

“Baliw. Di ko alam. Walang pangalan eh”

“Aaah. Ikaw ta----------“ May tumawag sa akin.

“Jenelleee! Nagtext na ba si Aya?”

“Hindi pa. Ikaw kaya magtext.” Etong Tyrone na to. Naduduwag na naman!

“Hindi nga rin nagreresponse eh. Pupunta kaya siya mamaya?”

“Hindi ko alam. Hindi ko pa siya nakakausap eh. Pano ka? Edi wala kang partner?”

“Edi wag magpartner!”

“Yieeee! LOYAL? WEH?”

Bigla na lang siyang tumakbo at iniwan ako sa gitna ng GYM. Loko talaga yun!

Carla’s POV

Sino kaya tong nagpadala ng flowers sa akin? Baka mamaya kung sinong engkanto lang to! Hahaha! Nakalagay pa sa card:

Carla,

Meet at exactly 10pm in front of the GYM. I’ll be waiting there! :)

Wala man lang pangalan! Natatakot tuloy ako, pero gusto kong malaman kung sino to. Hay nako bahala na nga! Pauwi na kami ni Jen ngayon kasi half day lang naman. Tsaka tapos na rin yung mga aayusin namin.

Kumain muna ako at natulog. Inalarm ko na lang yung phone ko ng 3pm. Nung nakahiga ako sa kama ko, iniisip ko pa rin yung nagpadala ng flowers. Hindi tuloy ako makatulog. Ilang sandali lang nakita ko yung time sa phone, 2:45 na pala! Haaaay! Hindi ako nakatulog! Badtreeeeep! Pinatay ko na yung alarm at nagprepare na.

*school*

Jmy’s POV

Kakarating ko lang sa school at nakatingin sa akin yung mga tao nung pumasok ako sa GYM! Mga taong to, kala mo naman ngayon lang nila akong nakitang magcocktail dress! Ngayon nga lang pala. Hahaha! Nakita ko na sila Jen, Carla, Jed, Alexis, at Daniel. Hindi ko maikakaila ang GWAPO ni Daniel ngayon! Hahaha! Gwapo naman siya palagi pero ngayon, MAS naging GWAPO dahil sa formal na suot niya. Haha! Poise Jmy! Poise! Lumapit na ako sa kanila.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now