CHAPTER 14: THE WORST BIRTHDAY (Pursuit)

271K 9.7K 5.2K
                                    

Chapter 14: The Worst Birthday (Pursuit Chapter)

Gray Ivan Silvan is the most mysterious but complicated and unreadable guy that I have ever met in my entire life. Ano bang problema niya sa monggo ni Jeremy? And why did he walk out? Ayaw ba niya sa pagkain? Tsaka what if himatayin siya sa daan? Hindi ba't may sakit siya?! Hahabulin ko na ba siya? On the second thought, why would I run after him? Inutusan ko ba siyang magwalk out? In fact siya nga tong bastos eh. Iwan ba naman ang pagkain?! Argh! Daig pa niya ang babaeng nagme-menopause!

I haven't talk to him since that happened yesterday and it is the end of the week. I cannot just barge into their dormitory and ask him what's his problem with the food.

Sa ngayon ay pinili kong magpunta sa mall. It's the 9th of December, Khael's birthday and I need to buy gifts. Gifts dahil pagkatapos ngayon, birthday naman ng may pagka-flip ang utak na si Gray. And of course I also have to buy myself a gift. Masaya sana ang kaarawan ko kung nandito pa si Daddy. Kapag naiisip ko iyon ay nanginginit ang mga mata ko at may mga likidong nagbabadyang dumaloy. Good thing I can still hold them back. No more tear shedding, I already told that to myself.

Nang makarating ako sa mall ay nagtagal ako doon ng ilang oras. I shopped without anything to buy in my mind. Ano nga ulit ang magandang bilhin para sa lalaki? Hmm, pabango? Ah no. Mabango na si Khael and his scent is soothing that I wouldn't dare to change it with my own preference of a man's perfume. Belt? Wag na. Baka ano pang kamanyakan ang pumasok sa isip nun kapag binigyan ko ng sinturon. Relo? Mayaman yun kaya for sure, nakatambak ang relo nun, pwera nlang kung yung relo sa Big Ben ang ibibigay ko. Shirt? Hello? Hindi namumulubi si Khael at saka baka sabihin pa nitong binibigyan ko siya ng relief goods. Phone? Yeah, eh ako nga wala ng cellphone, mamimigay pa ako. Ano siya sineswerte?

My gift for him last year was a monkey-printed pillow. Bigyan ko kaya siya ng kumot na unggoy din? Lagyan ko na rin ng kulambo. Meh, wag na lang pala. Baka sabihin pa nitong gusto kong matulog katabi siya. Tss! In the end ay nagsayang lang ako ng oras sa mall dahil wala naman akong binili. Instead, I took a cab at agad na nagpahatid sa Athena.

Gaya ng Bridle, bukas ang gate ng Athena kapag weekend. Agad akong pinapasok ng guard nang sinabi ko na may bibisitahin ako sa dorm. Dahil medyo pamilyar na ako sa Athena, agad akong dumeretso sa kanang bahagi kung nasaan ang dormitoryo ng mga lalaki. I thought calling Khael in the dorm would take time ngunit hindi pala dahil nasa labas siya ng dorm. He was feeding two love birds on a cage sa labas ng dormitory. Kinakausap pa niya ang mga ito. He happened to look at me ngunit agad din naman akong nilagpasan ng tingin. Then he looked at me again but this time, with his eyes wide open.

"Special A?!" He rubbed his eyes like he was dreaming and then looked at me again. Hindi pa ito nakuntento at kinurot pa ang kanyang sarili at mahinang sinampal. Geez, weird.

"Khael ang OA mo, alam mo ba?", I said at lumapit sa kanya. I looked at the lovebirds inside the cage. I'm not really a fan of birds but looking at these cute creatures right now makes me love them.

"Who wouldn't be surprised Special A? You're here standing in front of me, once in a blue moon ka lang yata pumunta dito sa Athena. You really missed me that much huh? Uy Special A ha! Ikaw ha! Napaghahalataan na kita", he said as he tried to pinch my side.

Iritableng iniwas ko ang sarili ko mula sa kamay niya. Ayaw ko ng kinukurot o kaya ay kinikiliti ako. "Gising na Khael, nananaginip ka pa yata."

"Pero seryoso Special A. What do I owe you for the visit?", he asked. Inilapag niya ang pagkain sa tabi at muling tiningnan ang mga ibon.

"Some jerk from Athena is turning 19 today and I feel like I'm obliged to pay him a visit", I replied sarcastically. "Sa iyo ba to?", I asked referring to the birds.

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon