CHAPTER 52: EYES, NOSE, LIPS (Part 1)

215K 8.5K 3.1K
                                    

Chapter 52: Eyes, Nose, Lips (Part 1)

Kahit nakuha ko na ang ilan sa mga gamit ko, my day is still so boring. I cannot access the internet using my phone or laptop dahil malamang mati-trace lamang ni Ryu o kaya ni Zywon ang IP address ko and eventually they will find my location. Hindi ko rin tinawagan sina Andi at Therese gamit ang cellphone ko dahil sa gayun ding dahilan so I called them using a payphone on the market.

At sa tingin ko ay ano mang sandali ngayon ay mamamatay na ako dahil sa pagkabagot. I stared at the law books at the bedside. Napabuntong-hininga ako at inabot ang libro at nagsimulang basahin ang mga iyon. Although hindi ko lubusang maintindihan ang mga nakasaad sa libro, I did my best to learn something.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Victoria. Unlike the previous nights, mas maaga siyang dumating ngayon. Gaya ng nakagawian niya, she would throw her backpack on the table and sat comfortably on the sofa. Tumayo ako mula sa kama at dinala ang mga libro sa harap niya.

She looked at me like she had no idea what I was up to. I had thought about this over and over at nagpasya akong tuturuan na lamang siya.

"Sabihin mo sa akin kung aling bahagi ng batas ang nais mong pagtuonan ng pansin. Criminal law, Civil law, business law o—"

"Akala ko ba ayaw kong maging accessory to the crime?" She gave me a look like she's saying what's the catch in my sudden change of heart.

"Of course I don't want to but since I feel so indebted to you, this is the least thing I can do. Basta kung masabit ka, don't you ever mention my name!"

"Hindi kami masasabit dito."

I rolled my eyes. Kahit kailan ay hindi mananalo ang kasamaan kaya kung hindi man sila masabit sa pagkakataong ito, there are still couple of times left. "Whatever. So, what's your game?"

"Magpapanggap akong abogado."

"Teka, hindi ka con-artist, magnanakaw ka. Then why are you—" I saw her cringed when I said 'magnanakaw.' "What?"

"Anong what?"

"You cringed. What was that suppose to mean?"

"Palagi mo na lang akong tinatawag na magnanakaw."

"Because you really are. At isa pa, ikaw ang nagsimula niyan. You said magnanakaw ka at hindi sinungaling so I presumed that it is fine to call you a thief."

She cringed again. "At tigilan mo nga ako sa kaka-ingles mo. Wala ka sa eskwelahan at walang English only policy dito sa bahay ko."

This time ay ako naman ang napangiwi. "Kung magpapanggap ka na abogado, you should as well sound like you really are. Sabihin mo nga sa akin, why are you posing as a lawyer now?"

"Hindi mo na kailangang malaman."

"Paano kita matutulungan kung hindi ko alam ang motibo mo? I mean, the law is broad at hindi ko kayang ipaliwanag sa'yo lahat."

"Isipin mo na lamang na may kinalaman sa negosyo at mga ari-arian."

I stared at her pretty face for a while na tila ba mababasa ko sa mukha niya ang tunay na dahilan. Why does she have to pose as a lawyer? Ano ang balak nilang nakawin? Sino ang balak nilang nakawan?

"Fine. Let's get started."

***


"AYOKO NA! MASUSUKA NA AKO DAHIL SA DAMI NG MGA TINURO MO!"


Victoria threw the pencil at nahulog iyon sa mesa. I picked it up and tossed it towards her. "Hindi pa tayo tapos, ni hindi pa nga tayo nangangalahati!"

DETECTIVE FILES. File 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon