Flashback 1

86 5 7
                                    

Krisha's POV

Maaga akong nagising kanina dahil ito raw ang unang araw ng pagpasok ko sa eskwelahan. Napilitan lang akong kainin ang nakahaing fried rice dahil kung hindi ko bibilisang kumain ay papagalitan ako ni mommy. Nang nakapagbihis na ako ng uniporme, pinilit niya akong pasakayin sa kotse katabi niya sa likod ng aming driver. Hindi ko na nga alam kung papaano niya ako napapayag sa gusto niyang mangyari. Malapit lang daw ang aking magiging eskwelahan kaya naman mabilis din kaming nakarating sa aming paroroonan. Nang bubuksan na ni mommy ang pinto ng sasakyan, unti-unti nang bumagsak ang mga luha sa aking pisngi.

Umiiyak ako pagtapak ko pa lamang sa labas ng paaralan. Nagpupumiglas ako at gusto ko nang umuwi na sa bahay.  Pero sadyang malakas lang si mommy at hindi ako makawala sa kanya.

“Mommy I want to go home!!!!", sigaw ko sa kanya. Pero parang bingi si mommy. Hindi siya nakinig sa akin.

“Anak, you want a good future right? Gusto mo rin maging kagaya namin ng tatay mo na maging businessman diba?"

“Opo." Medyo tumitigil na ang pagbulwak ng luha mula sa aking mata dahil ipinaalala ni mommy na kailangan ko munang mag-aral para marating ang kinaroroonan nila.

“Kung gusto mong hindi ka mahirapan sa pagtanda mo, mag-aaral ka ng mabuti, okay? Sige na pumasok na tayo para hindi ka mahuli sa unang araw ng klase mo. Punasan mo na yang luha mo.Ang pangit mo na." nakangiting sabi ni mommy.

“Opo mommy. Anong pangit? Ako kaya ang pinakamagandang prinsesa ng pamilya niyo...." tumatawa kong sabi.

Hindi ko alam ngunit napalitan ang lungkot ng tuwa. Salamat nalang kay mommy at ipinaalala niya sa akin ang kahalagahan ng pag-aaral.

Naglakad kami hanggang tumigil kami sa isang pintuan. Doon na daw kasi ang magiging classroom ko.

“Sige Krisha diyan ka lang ha. Magpakabait ka. Huwag kang mang-aaway ng ibang bata. Diyan sa loob marami kang makikilalang mga kaibigan." sinabi ni mommy at niyakap niya ako bago kumaway at naglaho sa aking paningin.

Bumalik ako sa huwisyo ng makakita ako ng isang babaeng kasing-edad ni mommy at nakapormal na damit.

“Dito ba ang classroom mo?" tanong niya.

“Opo.." nahihiya kong tugon.

“Ako nga pala si Teacher Kathryn. Tawagin mo nalang ako sa palayaw kong Kath. Ako ang magiging guro mo. Ikaw anong pangalan mo?"

“Krisha po." sabi ko naman..

“O sige pumasok na tayo sa loob. Magsisimula na ang ating klase."

Nang pumasok ako sa loob naghanap ako ng lugar kung saan walang nakaupo. Isa nalang na upuan ang walang laman kaya iyon ang pinuntahan ko. 

Nang nakaupo na ako, tinignan ko ang aking katabi. Ang seryoso at tahimik niya. Dalawa lang kami dito sa pinakalikod na sulok ng classroom.

Maya-maya pa ay nagsalita na si Teacher Kath at sinabing magpapakilala kami isa-isa sa harap para daw makilala niya kami.

“Hello. I'm Christopher Sanchez. I'm 5 years old.. I want to be a businessman someday." sabi ng aking katabi at matapos niyang magsalita ay hudyat na sa akin para ako'y tumayo at maglakad patungo sa harap.

Hi!! I'm Krisha Hernandez. I'm 5 years old. I hope we can all be friends."yun lang ang sinabi ko.

Pagkatapos naming magsalita isa-isa ay nagkaroon kami ng activity at kailangan na dalawa ang isang grupo. Dahil hindi nagsasalita ang aking katabi, ako na mismo ang nagsabi na.....

“Christopher pwede bang tayo ang magpartner sa activity?"

“Sige." yun lang ang salitang namutawi  sa kanyang bibig.

“Mga bata, makinig sa instructions. Simple lang naman ito. Makikipagkwentuhan kayo sa napili niyong partner at tsaka kaibiganin niyo sila. Magkwentuhan kayo tungkol sa mga gusto nilang gawin paglaki, mga lugar na madalas puntahan, paboritong pagkain, paboritong laro, at iba pa. Kapag tumunog na yung bell, pwede kayong lumabas at kumain sa canteen o kung yung may mga baon, kainin ninyo yung baon dito. Huwag kayong lalabas ng school. Sige kayo may kukuha sa inyo.. Gusto niyo ba yun?" sabi ni teacher.

“Hindi po.." sabi naming lahat.

“Sige na.. Simulan niyo na ang pakikipag-usap niyo sa inyong mga kapartner.."

Nagkatinginan kami ni Christopher. Hindi ko alam kung sino ba ang unang magsasalita sa amin. Napakatahimik lang naming dalawa, hinihintay kung sino ang unang babasag sa katahimikan.

“Krisha, gwapo ba ako??" humahagikgik niyang tanong sa akin.

Napatigil ako sa kanyang sinabi at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Ngunit kusang lumabas ito sa bibig ko.

“Oo naman. Sino ba ang ginawa ng Diyos na pangit?? at bakit mo naitanong iyan?" sagot ko sa kanya.

“Kasi kanina ka pa nakatitig sa akin eh. Baka ako matunaw." tumatawa niyang sinabi.

“Anong gusto mong palabasin? Na may crush ako sa iyo? Haha. Pwes kung yan ang nasa isip mo wala no." medyo pagalit na sabi ko.

Nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Bigla itong sumimangot.

“Uy sorry na Krisha, binibiro lang kita." nagmamakaawa niyang sabi.

“Di mo kailangang magsorry, wala ka namang ginawang mali. Ako ang dapat magsorry kasi naging masama ako sa iyo. Sorry Christopher" malumanay kong tugon.

“Chris nalang. So ano na?? Friends??" nakangiti niyang sabi sabay lahad ng kanyang kamay para makipagshake hands sa akin.

Tinanggap ko naman ang kanyang kamay bilang simbolo na tinanggap ko ang alok niya na makipagkaibigan.

Hanggang dito lang muna po ha.. I'll just think po kung ano yung susunod na mangyayari.. Nagustuhan niyo po ba.. Vote lang po and comment..

Those Were The DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon