Flashback 2

47 4 3
                                    

Krisha's POV

Simula noon, naging magkaibigan nga kami.

Napakaraming magagandang alaala at karanasan ang pinagdaanan namin.

Pasyal dito, pasyal doon.

Kain dito, kain doon.

Lakad dito, lakad doon.

Punta dito, punta doon.

Grade 4 na kami ngayon.

Walang mapaglagyan ang saya namin.

Wala kaming iniisip na kung anumang problema.

Iniisip namin na ang saya-sayang mabuhay sa mundong ibabaw.

Walang bumabagabag sa akin.

Ang problema ko lang, kung may quiz at wala akong maisagot o kaya ay may exam at hindi ako nakapagreview.

Science ang pinakapaborito kong subject.

Gusto kong mag-eksperimento at tumuklas ng mga bagay-bagay.

Gusto kong pag-aralan ang mga hayop, halaman, at iba pa na nasa paligid natin.

In short, I love Mother nature.

Dahil dito, sumali ako sa Science Club at YES-O organization.

Maraming ihinandang mga programa ang paaralan at ang tagapayo ng club para sa amin.

Nariyan na minsan ay nagpulot kami ng mga basura at plastik sa paaralan upang tumulong na mapanatili ang kaayusan ng aming paaralan.

Kasali rin si Christopher dito.

Aktibo din kaming sumali noong inanyayahan nila kaming magtanim ng mga puno sa bundok.

Oo, nakakapagod ang araw na iyon. Nariyan na kinailangan naming maghiking para marating ang parte ng bundok kung saan kami magtatanim. Pagkatapos naming magtanim ay kumain na kami doon dahil pinagdala kami ng baon ng aming adviser. Hapon na nang kami ay bumaba ng bundok at kakaibang tuwa ang aking naramdaman dahil nakatulong ako sa kapaligiran.

Dito rin kasi sinabi sa akin ni Christopher na may gusto siya sa akin.

Hindi ko alam at bigla namang bumukas ang bibig ko at sinabing gusto ko rin siya.

Dahil doon sa aminan na nangyari, naging mas malapit pa kaming magkaibigan.

Naidagdag rin sa list of friends ko si Blaizy.

Siya ay isang Transferee at nasabihan siyang umupo sa aking tabi.

Noong una, nag-aalangan pa ako kung kakausapin ko ba siya ngunit akin ding napagtanto na walang mangyayari kung walang magsasalita sa amin kaya ako na ang unang kumausap sa kanya.

Hindi naman siya mahirap pakisamahan.

Matalino at mabait kasi siya at alam niya kung paano makitungo sa mga tao.

Kung hindi man si Christopher ang kasama ko sa mga pair activity ay siya.
Halos araw-araw ay masaya ang buhay ko hanggang sa dumating ang araw na biglaan na lamang akong sinabihan na pupunta kami sa Amerika.

Oo, gusto kong pumunta sa ibang bansa.

Gusto kong sumakay sa eroplano.

Gusto kong masilayan ang ulap na nasa aking tabi lamang.

Gusto kong makita ang ganda ng ibang lugar.

Gusto kong makita ang mga gusali mula sa itaas.

Pero nandito ang mga kaibigan ko.

Sina Christopher at Blaizy.

Paano na sila?

Paano na ang pagkakaibigan namin?

Paano na ang mga binuo naming alaala?

Pwede bang hindi nalang kami umalis?

“Daddy, hindi ba pwedeng dito nalang tayo?" umiiyak kong sambit.

“No. We must go to America for our business." seryosong sabi naman ni daddy.

I think, I cannot do anything.

Kailangan ko nang magpaalam sa mga matalik kong kaibigan.

Kinabukasan, malungkot ang aking mukhang pumunta sa paaralan.

Wala na ang masayahing Krisha.

Gusto ko lang ngayon ay masabi kina Christopher at Blaizy na aalis na ako.

Lumakad na ako papunta sa classroom. Inilapag ko na ang bag ko.

Nakita kong gumuguhit ng bahay si Blaizy.

“Blaizy, aalis na kami papuntang Amerika mamayang hapon." malungkot kong sabi.

“Ano? Iiwan mo na kami?" naguguluhang sabi nito.

“Hindi ko rin naman gusto eh pero kailangan daw para sa business ni daddy." sagot ko sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

Unti-unti na ring bumaba ang mga nag-uunahang luha mula sa aking mata.

Ayaw ko sanang umiyak pero hindi ko rin alam kung bakit napapaiyak nalang ako.

Nang nakita kami ni Christopher, dali-dali siyang lumapit sa aming kinaroroonan.

“Christopher, aalis na kami mamayang hapon papuntang America." umiiyak na sabi ko sa kanya.

“Ano? Bakit naman?" nagtatakang sabi niya sa akin.

“Para sa business namin." sagot ko sa kanya.

Nagulat na lamang ako bigla nang hinila niya ako mula kay Blaizy at hinatak ako papunta sa garden ng paaralan.

Punong-puno ito ng mga paru-paro na nagpapalipat-lipat sa mga bulaklak na naroroon.

“Kung ganyan, ipangako mo sa akin na hindi ka titingin ng ibang lalaki habang nandoon ka. Gusto ko, ako lang ang gusto mo. Gusto ko, ako lang, okay?" seryosong sambit niya.

“Ha? Ano yang mga pinagsasabi mo? Bakit boyfriend na ba kita?" natatawa kong tanong. Nawala na ang mga luha ko dahil pinahid niya iyon gamit ang kanyang panyo.

"Kahit na hindi mo ako boyfriend. Basta gusto ko tayo parin kapag lumaki na tayo." sagot niya sa akin.

“Okay." sabi ko sa kanya.

Nang hapon ding iyon, sumakay na kami ng eroplanong patungong America.

Matagal-tagal din ang biyahe.

Nagkakahalo-halo na ang mga nararamdaman kong emosyon kaya mas mabuting matulog muna ako para makapagpahinga.

Those Were The DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon