Present Day

21 2 0
                                    

Krisha's POV

Hello!!!!!

If there's one thing I learned from my 24 years of existence, it is full of many challenges and obstacles that you need to overcome.

Yes, you heard it right! Problems are inevitable.

Challenges just come through your way.

The very important thing is this. “How will you react in that situation?"

Kasalukuyan akong nakalulan ng isang eroplano pabalik ng Pilipinas.

Kasama ko ang mga magulang ko.

Balak naming magpatayo ng business na katulad ng business nila dun sa Amerika, yung business nila na Hotel at Resort.

Sabi nila na iiwan rin nila ako dito sa Pilipinas at patuloy na imamanage yung kumpanya doon habang ako naman ang bahalang mamahala dito.

Isa rin daw itong training para sa akin dahil isang araw, ako na ang magmamana ng lahat ng ipinundar nila.

Marami akong gustong gawin pagbalik ko sa Pilipinas.

Marami akong gustong alamin at tuklasin.

Unang-una, gusto kong malaman kung sino yung mga totoo kong magulang.

Sa totoo lang last week, ang dahilan lang talaga ng pagpunta ko sa Pilipinas ay dahil sa business pero yung mga kinilala kong magulang ang dumagdag sa mga dahilan kung bakit ko gustong pumunta sa Pilipinas.

Narinig ko kasi sila na nag-uusap kung sasabihin na ba nila sa akin na ampon ako.

Nagulat na lamang sila na narinig ko pala lahat ng pinag-uusapan nila.

Nang nagsimula na akong magtanong sa kanila tungkol sa kung paano ako napunta sa kanila ay kinuha daw nila ako sa bahay ampunan nung sanggol pa lamang ako.

Wala pa naman akong muwang doon noong iniwan ako ng mga tunay kong mga magulang.

Wala akong hinanakit sa mga kinilala kong magulang.

Sila parin naman ang nagpalaki at nag-aruga sa akin.

Sila pa nga ang nagpaaral sa akin.

Napakasuwerte ko kung tutuusin dahil ako ay pinalaki at inaruga ng mga taong hindi ko naman talaga kadugo. Utang ko sa kanila ang lahat at kung anuman ang mayroon ako at kung ano ako ngayon kaya wala akong karapatan upang magreklamo kung bakit hindi nila sinabi sa akin ang katotohanan matagal na.

Alam kong ang kadahilanan kung bakit nila itinago iyon sa akin ay dahil ayaw nila akong mawala sa kanilang tabi.

Masaya nga ako dahil alam kong talagang may mga taong nagmamahal sa akin.

Doon naman sa mga totoo kong magulang, kung mahanap ko man sila, ay alam kong may dahilan rin kung bakit nila ako binigay sa ampunan.

Maaring hindi pa sila handa, o hindi kaya ay wala silang pera pangtustos sa akin.

Hindi na mahalaga sa akin ang kanilang dahilan basta sa ngayon ay gusto ko lang silang makita at mayakap man lamang.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap sa kanila pero ang importante ay makita ko pa sila.

Isa pang rason kung bakit gusto kong bumalik, ay dahil kay Christopher.

Oo. Naaalala ko pa siya.

Naaalala ko pa ang pagsabi niya na dapat siya lang at wala nang iba.

Natatawa nga ako dahil sinunod ko yung sinabi niya.

Hindi nga ako nagpaligaw doon sa Amerika kasi nga sabi niya dapat kami daw.

Pero, paano kung may iba na siya?

Paano kung di niya na ako naaalala?

Paano kung di na pala kami magkikita?

Marami pang tanong ang paulit-ulit na tumatalbog sa utak ko pero isinantabi ko iyon.

Bata pa nga kami noon, pero para sa akin, napakalalim na ng pangakong binitiwan namin sa isa't isa.

****************************

Nang lumabas na kami mula sa eroplano, malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa amin.

Mga alas diyes na ng gabi nang ako muli ay makatapak sa Maynila.

Napakalaki ng ipinagbago dito.

Dumami ang mga istruktura.

Dumami ang mga gusali na sobrang taas.

Oo, nakakita naman na ako ng mga ganito sa Amerika pero nakakpanibago parin yung mga pagbabago sa Maynila.

Dumiretso kami sa sasakyan kung saan naghihintay ang aming driver.

Oo, siya pa rin ang aming driver at siya rin ang nag-alaga sa aming bahay habang kami ay wala pa.

Hinayaan din siya ni daddy na patirahin doon ang kanyang pamilya para talagang mabantayan niya ang bahay sa lahat ng oras.

Pinapadalhan naman siya ni daddy kada buwan ng kanyang sahod bilang tagapag-alaga sa aming bahay.
“Kamusta na po kayo?" nakangiti niyang sabi sa amin.

“Mabuti naman kami. Kayo? Kumusta ang pangangalaga ninyo sa bahay.?" tanong naman ni daddy.

“Maayos din po kami. Huwag po kayong mag-alala nananatili pa rin pong maganda ang inyong bahay." tugon naman nito.

Wala na ulit nagsalita sa amin hanggang sa nakarating na kami sa aming gate. Parang kailan lang noong ako ay bata pa na naglalaro dito sa labas kahit na ipinagbabawal nina mommy at daddy.

Nauna na ang aming driver dala ang aming mga gamit sa loob at sumunod na rin kami sa kanya.

Binati kami ng maybahay ng aming drayber at sinabihang kami ay kumain na dahil nagluto siya nang malamang kami ay darating.

“Sige po kumain na po kayo. Masarap po yang iniluto ko." sabi ni Ate Nilda, ang asawa ng aming driver. Inihain niya sa mesa ang kanyang nilutong adobo.

Matagal na akong hindi nakakain ng adobo at hindi maipagkakaila sa akin na gusto ko ulit itong matikman.

“So saan ka magsisimulang maghanap?" basag ni mommy sa katahimikan.

“Baka po titignan ko muna yung ampunan kung saan niyo ako kinuha. Sana naman ay payagan nila akong makakuha ng impormasyon mula sa kanila." sagot ko kay mommy.

“O sige. Pagkatapos mong kumain ay matulog ka na kaagad para maaga kang magising bukas at magawa mo ang dapat mong gawin." sabi sa akin ni daddy.

Nagpatuloy na kaming kumain at wala nang nagtangka pang bumasag ng katahimikan hanggang sa natapos kami.

“Tataas na po ako mommy, daddy." sabi ko sa kanila at ako ay pumanhik na paitaas.

Wala pa ring pinagbago ang bahay. Parang ito pa rin ang bahay na iniwan namin noon bago kami umalis.

Pagkabukas ko ng pinto ng aking kwarto, namangha ako na parang hindi ito nagalaw simula nang umalis kami ngunit napanatili talaga nilang malinis ito.

Nakalagay na rin pala dito ang aking maleta kaya pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay ibinagsak ko na ang aking sarili sa kama at wala oras pagkatapos kong ipikit ang aking mga mata, unti-unti na akong nakatulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Those Were The DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon