Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din makatulog si Rizza, patuloy pa din kasi ang pagtugtog ng piano mula sa malaking bahay ng pamilya Ong. Hindi nya alam kung bakit ganoon ang nagiging pakiramdam nya sa tuwing naririnig nya ang tugtog na iyon. Pamilyar ang bawat nota, dahil sa magkatapat lamang ang bahay nila ay malinaw na malinaw nyang naririnig ang bawat pagtipa nito. Sumasakit na naman ang ulo nya marahil ay dahil ito sa aksidente na kinasangkutan nya tatlong taon na ang nakakaraan. Ngunit bakit pati ang puso nya ay sumasakit din? Pinikit nya ang kanyang mga mata upang pilitin ang sarili na maalala kung saan nya unang narinig ang tugtog na ito. Halos maiyak na sya sa sobrang sakit ng kanyang ulo pero hindi nya pa din magawang alalahanin ang bawat detalye mula sa nakaraan. Tumayo sya mula sa pagkakahiga sa kanyang kama, tumungo si Rizza sa balkonahe ng kanyang kwarto at pinagmasdan ang malawak na langit, maliwanag na buwan at ang mga bituin na tila hindi napapagod sa pagningning. Nagdarasal na sana ay bumalik na ang kanyang alaala. Ibinaba nya ang kanyang tingin at tinitigan ang bahay ng pamilya Ong. Sino ka ba? Bakit pamilyar ang tinutugtog mo? ani Rizza sa kanyang sarili. Pagluha na lamang ang tanging nagawa nito.
Sino nga ba ang taong nasa likod ng mahiwagang tugtog? Bakit palagi na lamang paulit-ulit ang ang kanyang tinutugtog? Magagawa pa kayang maalala ni Rizza kung saan nya ito unang narinig? Ano ang kinalaman niyon sa kanyang nakaraan? Muli pa kayang maalala ng puso ang pangakong di sinasadyang makalimutan ng isip?