Mataas na ang araw ngunit nananatili pa rin si Rizza na nakahilata sa kanyang kama. Puyat sya hindi dahil sa paggawa ng kanyang mga assignments ngunit dahil buong gabing sumakit ang ulo nya dahil sa pagpilit nitong alalahanin ang iba sa kanyang mga alaala.
"Good Morning bessy" pagbungad ni Aiza sa natutulog pang kaibigan. Binuksan niya ang bintana ng kwarto ni Rizza upang may pumasok na liwanag mula sa sinag ng araw. Rizza and Aiza were childhood friends. Bago pa mamatay ang mga magulang ni Rizza mula sa car accident 9 years ago ay ipinaubaya na nila ang kanilang anak sa mga magulang ni Aiza, kahit na nasa states ang mga ito ay malaki ang tiwala nila sa dalawang dalaga. "Bessy naman, puyat ako eh. Gusto ko pang matulog" sambit ni Rizza na inaantok pa. "Hoy babae! Pano ka napuyat eh wala namang pasok kahapon? You have the whole day to sit back and relax" lingid sa kaalaman ni Aiza ay dahil ito sa pagtugtog muli ng misteryosong tao mula sa pamilya Ong. Kahit na tinatamad si Rizza bumangon ay pinilit nya pa din ang kanyang katawan na isandal sa headboard ng kanyang kama. "Alam mo bessy, there's something strange happening in the neighborhood" ani Rizza. "Huh? Anong strange? Creepy ba yan? Oh my gdragon bessy, kinikilabutan ako" takot na sabi ni Aiza. "No bessy, actually hindi sya creepy e. Pero every midnight laging may tumutugtog ng piano mula dyan sa malaking bahay sa tapat natin" pagpapaliwanag ni Rizza. "What the hell?! As in piano talaga bessy? Oh my gdragon baka naman dyan na lumipat sila Edward Cullen at Bella Swan kaya ka laging may naririnig na tunog ng piano" pagbibiro ni Aiza. "Aiza, I'm serious. Hindi Bella's lullaby yung laging tinutugtog nung misteryosong tao dyan sa creepy house na yan. But pamilyar sakin yung tugtog hindi ko lang alam kung saan, kailan at kung kanino ko unang narinig yung kanta" ani Rizza. "Baka naman narinig mo na yun sa past life mo I mean, before ka maaksidente. Baka narinig mo na yun somewhere." sabi ni Aiza. "Yun nga yung pinipilit kong alalahanin kagabi eh kaso hindi ko talaga magawa. Mas lalo lang sumasakit yung ulo ko" hinawakan ni Rizza ang kanyang ulo na hanggang ngayon ay kumikirot-kirot pa. Umupo si Aiza sa tabi ng kanyang kaibigan, nag-aalala ito kay Rizza "Bessy, don't force yourself na maalala lahat ng nangyari sayo 9 years ago. It takes time". Pagbuntong hininga na lamang ang tanging naisagot ni Rizza. Para sa kanya, habang nagtatagal ang paulit-ulit na pagtugtog ng misteryosong taong iyon ay mas lalo nyang kailangan na madaliin ang kanyang pagpapagaling. She feels incomplete, very incomplete. "Wanna go somewhere bessy?" tanong ni Aiza sa kaibigan. Pag-iling na lamang ng kanyang ulo ang tanging naisagot ni Rizza.
Sino ka ba? Tanong ni Rizza sa kanyang sarili. Bakit ba pilit mong ginugulo yung magulo kong utak?!
"Bessy, tara na at baka ma-late pa tayo. Ayokong ma-late sa first day of class no at sana ganun ka din" pagbasag ni Aiza sa malalim na pag-iisip ni Rizza. Kung kaya't kahit tinatamad syang pumasok ay pinilit nya ang kanyang sarili alang-alang lamang sa kanyang pinakamamahal na kaibigan.