Kahit na babagal-bagal kumilos si Rizza ay nakarating naman sila ng maaga sa kanilang eskwelahan. First day of class, karamihan sa mga mag-aaral ay tinatamad pa din pumasok marahil ay dahil ito sa napakahabang bakasyon. Nakapagliwaliw na ang bawat bata kung kaya't oras na upang mag-aral muli, Habang naglalakad sa hallway papunta sa kanilang silid-aralan ay nadaanan ng magkaibigan ang music room ng unibersidad. Bahagyang nakabukas ang pintuan nito kung kaya't hindi na nag-atubili si Rizza na tingnan kung ano ang meron sa loob nito. Binuksan nya pa ang pinto, nakita nya mula sa loob nito ang iba't ibang instrumento tulad ng violin, gitara, drums at kung anu-ano pa. Ngunit ang nag-iisang instrumento sa loob nito ang pumukaw ng kanyang pansin, ang piano. Nakatapat ito sa bintana, itinakbo nya ang kanyang mga daliri dito. Habang sinisipat ang piano ay biglang sumakit ang ulo nito. Sa pagkakataong ito ay may mga imahe na syang nakikita. Dalawang bata na nasa isang pamilyar na lugar, at naka upo sa tapat ng isang pamilyar na instrumento. Pinilit nya ang kanyang isip upang palinawin ang hitsura ng dalawang batang naka-upo. Nanghina sya sa kanyang ginawa kung kaya't bumagsak ito sa sahig. Nagulat naman si Aiza sa nangyari sa kanyang kaibigan, nagmadali syang lumapit dito upang tulungan at siguraduhin na sya ay ayos lang. "Bessy, anong nangyari sayo? sumakit na naman ba yang ulo mo?" pagtatanong ni Aiza. "May nakita akong dalawang bata dito sa loob pero masyadong malabo kaya hindi ko sila namumukhaan" tila mga alaala ng nakaraan ang nakita ni Rizza, hindi man sya sigurado kung bakit nangyari ito doon ngunit alam nya na isa ito sa mga susi upang malaman nya ang kabuuan ng kanyang mga alaala. "Bessy, kaya mo na bang tumayo? Male-late na tayo sa first class natin" tinulungan ni Aiza na makatayo ang kanyang kaibigan, nang makatayo na ito ay tumungo na sila sa kanilang silid-aralan.
Sa St.Catherine University pinili ng magkaibigan na pumasok. Kumukuha ng kursong tourism si Rizza samantalang Business Management naman si Aizza. Di nagtagal ay naghiwalay na ng landas ang magkaibigan at napagpasyahan na magkita na lamang sa gate ng unibersidad pag tapos ng kanilang klase. Ang silid-aralan ni Rizza ay nasa west wing B ng campus, not too far from the music room. Pag pasok ni Rizza ay malapit ng mapuno ng mga estudyante ang silid-aralan. Pinili nyang umupo sa bandang likod katabi ang bintana. Unti-unting tumatakbo ang oras , napupuno na ang kanilang silid-aralan at nauupuan na din ang mga upuan na kanina'y bakante pa. Tama nga siguro sila, pag nasa kolehyo ka na, iba't ibang tao ang makikilala mo. Marami sa kanila ay mukhang pumasok lang upang ipagyabang ang mga bago nilang damit, ang iba naman ay upang ipangalandakan sa lahat na sila ay anak mayaman habang ang iba naman ay pumasok lang dahil kailangan nilang makatapos ng pag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. Ngunit sya, para kanino nya nga ba ginagawa ito? Kung makatapos man sya ay kanino naman nya iaalay ang karangalang ito gayong wala na ang kanyang mga magulang? Habang nag-iisip ay tila napukaw ng isang di kilalang lalaki ang kanyang tingin. He's entrance made her heart beats fast, is it love at first sight? But how? Chinito, maganda ang ngiti at mukhang koreano, sino kaya sya?. Hindi namalayan ni Rizza na nasa harap na pala nya ang lalaking kanina pa nya tinititigan.