Ivana's POV
It's monday and I'm dreaming about friday.
Busy week, shet. Kailangan ko pa pala paghandaan yung 2nd Anniversary namin ni Kobe. Parang dati lang, hindi ko aakalain na magkakatuluyan kami ni Kobe. You know what? He's not my type. It was started when I added him on facebook. I've known him because of Athena. Nanligaw kase dati kay Athena 'yun, pero nung kinukwento naman saken ni Athena 'yun wala lang saken. Naka-focus kasi ako sa isang tao. Isang tao na matagal ko nang pinapangarap. Yes, I'm a girl. I admit it dapat hindi ako nagpapakita ng motibo sa isang lalaki. Judge me, if you want :) pero iba na kasi henerasyon ngayon. Mahigit 1 year ko din siyang crush.
Back tayo sa story namin ni Kobe. Inadd ko si kobe for no reason. Add lang naman. I didn't expect that would be the start of our story. August 21, 2016. Birthday ko 'nun nung nag-chat siya saken. Nung una, pakilala lang hanggang sa araw-araw na nagkachat. I started to like him, when he said that he's an altar server. I don't know why, but I'm attracted to altar server. Maybe because they serve to God. And then dun na nagsimula ang lahat.
*Bzzzzt, bzzzt, bzzt*
1 new message from Kobe Gooco.
From: Kobe Gooco
Good morning, baby girl :) time to wake up. Ayaw kong ma-late ka sa school. Anyways, see you later. May ibibigay ako sayo. :)
---------
To Kobe Gooco:
I love it every time you call me baby girl, you've never failed to make me smile everyday. Naunahan mo 'kong mag-text, huhu. Never pa kitang nauunahan mag-text eh. Anyways, ligo lang ako. See you later, mr. chinito :)
Alam mo yung mahirap? Yung ang bilis ko na nga maligo then sa pagpili ako ng masusuot natatagalan. Since it's monday, I wore a giant baby-doll dress matched with thigh highs. After that nagpahatid na 'ko sa school. I hate it when you're walking then nakatingin sila sayo. Oo kakasabi ko lang na medyo sanay na 'ko. Pero gahd kung makatingin sila saken head to toe. I find it rude. While I'm on the elevator, I heard some students talking about the foundation day.
"Finally, foundation day is coming."
"Gahd, I'm so excited."
"Ano kayang pasabog ngayon ni Pres?"
"For sure, ikakasaya na naman ng lahat 'yun."Pres? Jusko, every foundation meron naman pasabog yang si Pres. Malamang sa malamang, matutuwa na naman ang mga estudyante. Wala naman nang bago sa kanya. Kaya nga hanggang ngayon siya pa rin yung President kasi lahat ng estudyante may tiwala sa kaniya. Kaso sad to say, last year niya na lang ngayon. Next year, senior high na siya.
Pagkaupo ko pa lang sa upuan ko, napansin ko na kaagad ang nag-iisang papel na nakapatong doon.
Eto ba yung ipapakita saken ni Kobe? Oemgee, first time 'to. Siya magbibigay ng letter? Nakakapanibago, kaso bakit black?
The moment I realized that the paper was black, I suddenly feel something. Kinakabahan ako, I don't know why.
Hindi ko ito nabasa sa kadahilanang dumating na ang professor namin. Lutang ako buong maghapon, ni hindi ko nga namalayan na uwian na pala.
Gustong-gusto ko nang basahin yung sulat na 'yun. Ngunit may nag-uudyok sa akin na 'wag na lamang itong basahin. Pero mas nanaig ang parteng basahin 'ko ito.
"Malapit na ang pagtatapos mo. Ilang taon na lang, at mawawala kana dito sa mundong ibabaw, kaya hangga't maari lumayo kana sa taong hindi mo aakalaing magtataksil sa'yo."
-Deirdre
Is this a prank? Kung prank 'to, hindi ito magandang ideya. Hindi ako natutuwa. Tsaka wala naman akong nakakaaway ah. Sa pagkakaalam ko, wala pa 'kong matinding na kaaway. Kung meron man, bati na kami ngayon.
Pero hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi. Lumayo sa taong hindi ko aakalaing magtataksil sa akin?
So it means, lumayo ako sa mga taong pinagkakatiwalaan kong walang gagawin saking masama? Jusko, maagang pa-april fools naman 'to. June pa lang oh, next year pa yung april.
Napansin kong ako na lang pala ang naiwan dito sa room pati ang mga kaklase kong paalis na.
Aakma na sana akong tumayo dahil sasabay na sana ako sa kanila palabas ng bigla akong nakarinig ng mga yabag papalapit sa akin.
"Babe, kanina pa kita inaantay sa baba? Bakit ang tagal mo lumabas? May problema ba? " tanong niya sa akin.
Dali-dali kong tinago sa bag 'ko, ang mensaheng nakalagay sa itim na papel. Kung isa lang naman iyong 'prank' ay mas maganda nang hindi malaman ni Kobe. Paniguradong mag-aalala na naman 'yun. At hindi titigil kung sino ang may pakana nun.
Kaya pinili kona lang itong 'wag sabihin sa kanya.
"Nothing, walang problema babe. Natagalan lang ako kasi hinanap ko pa yung libro ko sa physics."
"Akala ko kung ano na nangyari sa'yo, halika na at may ipapakita pa ako sayo."
Dinala niya 'ko sa parking lot ng school namen at laking gulat ko nung nakita ko ang kapatid niya na lumabas galing sa kotse niya.
"Omaygaaahd, narkaesha baby girl."
"Ate Ivanaaaaaa."
Meet Narkaesha Gooco. Nice name, right? Ayaw daw kasi ni Tita ng common na name. She wants her daughter's name to be unique.
Actually, matagal na nilang gusto sundan si Kobe but because of their business, nawalan sila ng time ni Tito para gumawa ng isa pa. Well, you can't blame them. Mas gusto kasi nila unahin ang business para alam mo 'yun? Magiging maganda yung future nila Kobe.
Anyways, she's already 7 years old. Ang cute talaga ng batang 'to. Kamukhang-kamukha ng kuya niya.
"I've missed you, baby girl. Ang tagal mo bago umuwi, tsaka ba't hindi mo man lang sinabi na uuwi ka pala? Edi sana nasundo ka namin ni kuya Kobe mo."
"Ewan ko ba diyan kay kuya, Ate. Siya lang daw susundo saken para daw surprise sayo. Um-oo naman ako kasi I also liked that idea. Pero hindi ibig sabihin nun palalampasin kona 'yung ginawa niya saken." reklamo niya.
"Opps, ano bang nangyari? Care to share, babe? "
"Na-late ako ng pagsundo sa kanya. 15 mins. lang naman ako na-late. Buti nga hindi 1 hr eh."
"Hindi pa din tanggap 'yang reason mo."
Pinagmamasdan ko lang sila mag-bangayan. Na-miss ko yung gantong sitwasyon. Everytime kasi na umaalis kami ni Kobe laging kasama si Narkaesha. Hindi pwedeng hindi sila mag-aaway dalawa. Habang nagbabangayan silang dalawa, biglang sumakit ang ulo ko na sinabayan nang pag-dilim ng paningin ko.