[Entry 1: Her Day After Break Up ]

3 0 0
                                    


[Her Day After Break Up]

Ylaine point of view:

"Ylaine anak, gising na, may pasok kapa" naalimpungatan ako dahil sa narinig kong boses ni nanay Pasing, nagmulat naman ako agad, kahit na di umaayon itong katawan ko, tumayo parin ako at dumiretso sa banyo.

Habang naliligo, tumingin ako sa salamin at doon ko nakita ang repleksyon ko, naaawa ako sa sarili ko, I'm hopeless.

Mapupulang mata, kumakaway na eyebags, labing halos mamuti, at samahan mo pa ng gutom, pero one thing for sure, MAGANDA pa din ako!

Sabihin niyo ng tanga ako dahil sa isang lalaki nagpapakawasak ako pero anong magagawa niyo? Hindi niyo nararamdaman kung ano yung nararamdaman ko kase hanggang salita't husga lang kayo.

Siguro may alam naman na kayo kung anong nangyari saakin?

Masakit maloko pero p*ta mas masakit maiwan! Lalo na kung alam mong ikaw pa tong todo effort tapos ano? Hihiwalayan kalang niya? Darn siya! Oo hiniwalayan ako ng nobyo ko, antanga niya noh? Nagpakawala ng dyosa? Tsk.

Di ko alam kung kakayanin ko pero anong magagawa ko? Lumuhod sa kanya at sabihing bumalik siya saakin? Akitin siya para bumigay at mapasakin siya ulit? Wow desperada lang? Never in my dreams I will do that, mas okay ng maging bitter kesa desperada.

.
.
.

Matapos kong maligo, nagbihis na ako ng uniform ko, white long sleeve na pinatungan ng gray blazer at skirt na above the knee ang haba. Naglagay din ako ng powder sa mukha at  naglagay din ako ng concealer para di mahalata ang eyebags at pink lipstick para magkakulay ang namumuti kong labi.

Matapos kong mag ayos, lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na para kumain, isang araw din akong walang kain noh! Akalain mo yon naka survive ako?

Maganda ako? Oo. Mayaman ako? Oo. Sexy ako? Slight pero dadating din tayo diyan, alam niyo na may kapayatan ako. I'm fourth year highschool na at nag aaral sa St. High University. May nakababatang kapatid naman ako, she is Krizza Grae, twelve years old, grade six.

Nang makarating ako sa dining hall, lahat sila napatingin saakin, Si mom, dad, Krizza, at isama mo pa yung mga nagseserve ng food.  abah makakita ba naman ng maganda? Sinong hindi mapapatingin? Lol! Pero puera biro, tiningnan nila ako na parang isang pulubi sa kanto na nanghihingi ng limos, Cmon people, I don't need your pity!

Di ko sila pinansin at dumiretso na sa upuan ko at nagsimulang lumamon.

"Ylaine are you fine now?" Basag ni mom sa katahimikan, alam kong hindi niya na napigilan ang sarili kaya nagpasya na siyang magsalita.

"Yes mom, I am perfectly fine" nakangiting sagot ko at bumalik sa pagkaing.

"Are you sure?" - dad

"Yes" sagot ko at tumayo na,
"Excuse me, I'm getting late" paalam ko at dumiretso na sa sasakyan ko na kakabili lang last month.

***
(school)

'Uy si PresBee Ylaine oh!' girl 1.

'Grabe naaawa ako sa kanya! Iwan daw ba ng walang dahilan?' Girl 2.

"B*tch! Buti nalang at hiniwalayan siya ni Jayzer, Di sila bagay! Masyado siyang desperada!' Girl 3.

Hindi ko nalang sana sila papansinin kaso nagpantig ang tenga ko don sa sinabi ng huling babae, bitch? Desperada? Dream on!

Lumapit ako sa ikatlong babae at tiningnan siya mula ulo hanggang paa, b*tch pala ah?! You'll see.

"B*tch? Desperada? Sino? Ikaw?" Inosente kong tanong.

"Owww! Nasaktan yata siya mga girl!, well, hindi ako, kundi ikaw!" May diin sa salitang 'ikaw' na pagkakasabi niya, tsk, attention seeker! Isigaw daw ba?

"B*tch ka naman talaga eh! Dati palang nagtitimpi na kami sayo! Kung hindi lang ikaw ang president ng student council at ang queen bee dito pinatulan kana namin diyan  dahil sa ugali mo! Pasakamat ka at nirerespeto ka namin!!" Napa roll eyes nalang ako dahil sa mga sinabi niya at mas lalong na bugnot ng may ilang nakikiusyoso na at tumatango pa, dahek! Oo ako nga ang president ng student council at queen bee dito, bilib kayo?

"So asan na ang respeto mo? Tama bang magsalita ka diyan ng kung ano ano sa likod ko?" Maayos na tanong ko, kaylangan kong panatilihin sa maayos ang pangalan ko siyempre, yung sinasabi nila? Ewan.

" totoo naman ang sinasabi ko ah! Tsaka napaka desperada mo! Tama bang lumuhod sa isang lalaki at magmakaawang bumalik sakanya ito?!" Aniya at may pinakita pang litrato namin ni Jayzer, ako nakaluhod habang hawak ang kamay niya at umiiyak, at siya naman ay nakatayo, nanlaki ang mga mata ko,  ASDFGHJKL! SAN GALING YON?! Sinong kumuha non?! Langya!

"S..sinong kumuha n-niyan?" Tanging tanong ko nalang.

"Hindi na mahalaga yon! Hindi ka bagay na maging president at queen bee! Nakakahiya ka! What a desperate b*tch!" Sigaw niya sabay tulak ng kaunti sa balikat ko, Tsk, at sinong bagay ikaw? PshHindi nalang ako nagsalita at lumakad na palayo, asan na ba yung bff ko? Gusto ko ng mayayakap! Naiiyak na ako shett!

Itutuloy...

ForNeverWhere stories live. Discover now