[Entry 2 - Break up Flashback]

2 0 0
                                    


[Break up Flashback]

Ylaine point of view:

Dumating na ang lunch break pero bangag parin ako, di ko alam kung anong gagawin ko, halos lahat ng estudyanteng nagkwekwentuhan ang topic ako, darn!

"Ylaine!" Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ng bestfriend ko na tumawag saakin.

"Ylaine ayos k---" hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil niyakap ko na agad siya, naramdaman ko naman ang yakap niya pabalik at dahan dahang hinahagod ang likod ko. ang bigat na ng pakiramdam ko at halo halo na rin ang nararamdaman ko.

Nanlalabo na ang paningin ko, sign na naiiyak nanaman ako,

"Heart ang s-sakit *sniff* n-nilang magsalita. *sniff* hindi naman n-nila alam ang *sniff* t-totoong n-nangyari eh" parang batang sumbong ko kay Heart, Stone Heart Uy ang buo niyang pangalan, sa ibang section siya kaya tuwing lunch break at uwian lang kami nagkikita, bastfriend ko siya simula grade six.

"Shhhhh, tahan na best, pumapangit ka oh, bahala ka mas maganda na ako sayo" pagtatahan niya at pinunasan ang luha ko gamit ang panyo niya, naka upo na kami ngayon sa isang bench at heto ako walang tigil ang pagbuhos ng luha sa aking mata, napasandal nalang ako sa sandalan at inalala ang break up namin ni Jayzer, nakwento ko na to kay Heart kasi pagkatapos ng break up namin sakanya agad ako dumiretso.

F L A S H B A C K

Masayang masaya ako pumunta sa mall dahil dito daw namin gaganapin ang first anniversary namin ni Jayzer, oo one year na kami, at alam ko sa sarili ko na siya na talaga, siya na yung lalaking  papakasalan ko at makakasama ko habang buhay Pero.. AKALA KO LANG PALA.

Nakita ko siya... may kasamang ibang babae...sa isang restaurant...at ang masaklap...nagkakasiyahan pa habang nagsusubuan.

Huwag niyong sabihin na baka pinsan niya lang yon dahil san ba kayo nakakita ng magpinsang sweet na nagsusubuan at may kasama pang halik sa pisngi, tsk, what an ass!

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang nakatingin sa kanila, at kung siniswerte nga naman ako oo, napadako pa ang tingin niya saakin, isang tingin na may kasamang awa kasabay noon ang pagtayo niya at akmang lalapit na saakin pero tumakbo na agad ako, di ko alam kung saan ako pupunta, pinagtitinginan narin ako ng mga tao at nalaman ko nalang na nasa labas na pala ako ng mall at papunta sa parking lot, sh*t umalis na nga pala yung driver ko!

Hingal na hingal na ako kaya napaluhod nalang ako sa semento habang pinapakalama ang sarili at pinipigilan ding umiyak, pero di ko alam nakasunod pa pala saakin si Jayzer kaya ayun, gusto ko mang tumayo at tumakbo pero pagod na ako, abah nasa third floor kaya yung restaurant na iyon!

"Ylaine sorry, mag eexplain ako" aniya at kinuha ang dalawa kung kamay na pawang gusto ako tumayo Pero nag pumiglas ako kaya heto ako nakaluhod parin habang hawak niya kamay ko at nakayuko habang pinapakalma ang sarili.

"Ylaine sorry talaga, pinapunta kita dito para sana.....para sana makipag break sayo, Ylaine I'm very sorry pero....may mahal na akong iba" at doon na ako mas napahagulgol pa, how dare him?

"....B-bakit?" Yun lang ang nasabi ko pero alam niyo sinagot?

"Sorry..." Yun lang at binitawan niya na yung kamay ko, ako naman napasalampak nalang sa sahig at umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod.

F L A S H B A C K  E N D S

Ngayon, sinong desperada? Mga chismosa!! wala namang alam kung makapang husga sagad hanggang buto! Walang magawa sa buhay!!! Mga letseeee!

Nagpaalam nalang ako kay Heart at tinawagan na yung driver ko para sunduin na ako, wala na akong ganang pumasok kainis!


Itutuloy...

ForNeverWhere stories live. Discover now