I

8 0 0
                                    

Entry: January 5 2015

Ako yung lalakeng di naman gwapo, ako yung lalakeng di naman din matalino, di matangkad at lalong walang hilig sa basketball kagaya ng mga lalakeng gusto mo... mahilig din akong umasa sa mga pangakong kasing linaw ng sabaw ng pusit, walang katiyakan, kaya madalas nating pinagtatalunan ang aking pagpupumilit, at lalong ako yung lalakeng walang maipagmamalaking yaman pero handang ibigay sayo ang langit, ang mga bituin at maging ang buwan mapasaya ka lamang... kaya naman labis na tuwa ko noong sabihin mong: "habang buhay kitang pahahalagahan", laking tuwa ko noong mga panahong umaga, tanghali, at gabi sa sandling hindi ako makasagot ng tawag mo ay di ka mapakali, noong mga panahong buong buhay mo pati ang lahat ng oras mo ay pinagsasaluhan natin ng puno ng ngiti. Subalit bakit ganoon? Tila biglang nagbago ang ihip hangin, tila naging malamig pa sa tatlong Disyembre ng anim na taong pagsasama ang naging pagtrato mo sakin? Sinabi mong ako lang ang priority mo tuwing ako'y magtatampo, pero di ko maramdaman ang priority na sinasabi mo mula noong natuto akong mamalimos ng oras mula sayo. Bakit nga ba ganun ano? Dapat ko bang maramdaman to o nagkakamali lang ako? Dapat ba akong magtampo? Dahil noong may lakad tayo, nakabihis na ako at papunta sayo ay bigla mong sinabing di na tayo tutuloy dahil isang kaibigan mo ang gustong makipagkita sayo, mabilis pa sa alas quatro ang pag-guho ng mundo ko, lalo na noong inaya kita na manood ng sine ay sinabi mong di mo gusto ang pelikulang iniaalok ko, na gusto mong magpahinga at matulog maghapon dahil pagod ka, na siya namang inunawa ko. Ngunit bakit noong biglang dumating ang kaibigan mo; sabay sabing: "tara nood tayo ng sine!" At sa harap ko ay dagli kang sumagot ng: "tara, sige, maliligo lang ako!"? Teka ano ba ang ipinagkaiba ng Avengers nya at Avengers ko? Nagtataka lamang ako na sa tuwing magagawa kong magnakaw ng oras mula sa mga kaibigan mo ay nagmamadali kang umuwi sa pag patak ng alas otso dahil sa dahilang "gabi na masyado" pero tuwing sila ang kasama mo ay tila tirik pa ang araw sa ika-11 ng gabi kung sumagot ka sakin ng "ano ba?! Ang aga aga pa bakit ba di ka mapakali?!" Dapat ba akong magtampo? Sa tuwing kakanselahan mo ko ng lakad para makipagtagpo sa kanila? Sa tuwing sisinghalan mo ko kapag pinauuwi na kita? Pagod na ako, pagod na ko sa tatlong pasko at kaarawan na tuwing tatanungin mo ang gusto kong regalo ay hinihiling ko sayo na: "gusto ko lang maging priority mo" masakit sa loob na tuwing hihingin ko ang natitirang oras mo ay inaaway mo ako, pagod na ako sa paulit ulit ulit na tanung mo kung bobo ba ako? Pagod na ako sa paulit ulit na mura na tinatanggap ko sayo! Hays! Na sa tuwing tatawagan kita upang itanong kung "ano tuloy ba" ay bababaan mo ako sa gitna ng pagsasalita ko dahil pala kasama mo sila.... ayokong nagaaway tayo kaya nagsosorry nalang ako kahit masakit sa loob ko magsosorry pa din ako... pero bakit para kang sumpa?, na kahit ang sakit sakit na ay di ako makawala sa pagkakabuhol ng tanikala ng p*tang inang pagmamahal ko sayo....

Ibinigay ko naman lahat sayo, at patuloy na ibinibigay lahat ng pangangailangan mo, na kahit hindi ko kayang ibigay ay ipinipilit ko, na kahit 39.4 ang lagnat ko sinusundo kita sa trabaho mo, na kahit sabihin kong: "ayoko na pagod na ko" ay lumalambot ako sa tuwing tatawag ka at sasabihing: "mahal kailangan kita, puntahan mo ako" palibhasa, hindi kita kayang talikuran kahit sa mga oras na yang mga priority mo ay tinalikuran ka, sa oras ng hirap ay nandito ako para sayo pero t*ng ina... sa oras at panahon ng ligaya ay bumabalik ka sa kanila, na kahit naghihintay akong magisa sa pag-asang darating ka, ay sinasabi mong "mamaya na, ngayon lang kami nagsisimula" na sa tuwing manlilimos ako ng oras mo ay inaaway mo ako dahil nga naman ako ang "priority" mo! Bilang tao napapagod na ako! Gusto ko ng lumayo dahil ubos na ang natitirang respeto ko sa sarili ko, pero pano ka? Sino ang lalapitan mo sa mga panahon na may prublema ka, kung wala ako sa tabi mo? Paano ka na sa mga panahong tinalikuran ka ulit ng mga taong inuuna mo? Paano ka na kung kakailanganin mo ulit ang tenga ko na makikinig sa paulit ulit na sumbong mo? Paano ka na sa panahong kailangan mo ulit ng payo ko na makapagpapagaan ng loob mo? Paano ka na sa mga panahong ako lang ang takbuhan mo? Paano ka na kung aalis ako sa tabi mo? Paano? Kaya sige, kahit oo pagod na ko bilang tao, bilang lalake ay tutuparin ko ang pangako ko noong naging tayo na nandito lang ako pag kailangan mo, nandito lang ako sa pagkakataong kakampi ang kailangan mo, nandito lang ako kung tatalikuran kang muli ng mundo, nandito lang ako kung napapagod ka na, nandito lang ako kung may isusumbong ka, nandito lang ako, nandito lang ako...

Kaya siguro okay lang sayo na balewalain ako... dahil nandito lang ako.... naghihintay... na kailanganin mo.

Daily PoetryWhere stories live. Discover now