Chapter 14

43 2 0
                                    

Chapter 14

Trey's POV

As soon as I heard Mandy's voice over the phone I got the feeling that something bad had happened. I am aware of the possibility that she might fall in love to the person she "hate". It was stupid of me to just sit and wait for the outcome.

Sa haba ng panahon na kilala ko siya, alam ko pati ang capacity niya sa pagtolerate ng sakit. Masyado siya kung magdibdib ng mga bagay bagay at may tendency siya na pahirapan ang sarili. Kumbaga, parusa na sa kanya ang pananakit ni Euan ay pasasakitan pa niya ang loob niya para magtanda sa kabiguang iyon. Nagpabook na ako ng flight papuntang London the moment na nalaman kong kasama niya ang lalaking iyon. Ang kailangan ko lang ay rason para masamahan at magabayan siya ng walang pagdududa. I worry about her so much that I kept on checking my phone for any news. I always asks Froilan what the status between her and the guy but i became too lenient when things are going well. May isang rason pa kung bakit ako nagpunta dito pero hindi ko na kailangan pang ipaalam kay Mandy. Madami na siyang inaalalang bagay at ayaw kong makadagdag sa problema niya. Mabigyan ko lang siya ng lakas ng loob at mapatawa ay masaya na ako. Bilang isang matalik na kaibigan na nagmamahal sa kanya.

Sinundan ko si Trey hanggang lobby. Nanatili siyang tahimik habang nasa elevator ngunit nararamdaman ko ang tension sa palagid. Bilang isang lalaki alam kong ikinaiinis niya ang pagparito ko. Sigurado akong kilala niya ako dahil nakita ko ang recognition sa mata niya. Ito ay isang patunay rin na mali ang akala ni Mandy na hindi siya kilala ng lalaki.

"Stay away from Amanda". I spoke calmly. "I can accompany her from now on. I will pay for the hotel. You don't need to spend a penny. Kung may masama ka man balak sa matalik kong kaibigan wag mo ng ituloy dahil hahadlang ako kahit ikapahamak ko pa."

Eksaktong bumakas ang pinto at iniwan ko siya. Nagbook ako ng isang room. Masyadong mahal ang mga pent house na tinitirhan nila kaya isang simple room sa may mas mababang floor lang ang nakuha ko. Pero sapat na ang distansyang iyon para makapagmasid-masid at masiguro na maayos ang kalagayan ni Mandy.

Amanda's POV

Napagkasunduan namin ni Trey na magkita sa lobby. Nasa baba na siya at naghihintay sa akin.

"Kailan kaya kita mauunahan. Masyado kang punctual." 

"Siguro kahit sa afterlife hindi." Biro nito. "I really missed you." Sabay yakap sa akin. 

"I miss you too. Pumunta ka ba talaga dito para sa akin?" 

"Siyempre hindi. May trabaho din ako dito kaya swerte na nasa malapit ka lang. Ayaw mo ba na nandito ako?" 

"Natutuwa nga ako at nandito ka."

Pumunta kami sa isang restaurant at habang naglalakad ay kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Naluluha ako habang nagkukwento. Buti nalang at nka yakap akbay siya sa akin kaya hindi masyadong halata ng mga tao.

"Nakakahiya ka. Habang naglalakad umiiyak. Malala na yata talaga ang tama mo sa lalaking iyon. Sinabi ko naman kasi sayo na mag ingat ka." 

"Kasalanan niya. May girlfriend na sweet pa sa iba.." 

"Malay mo hindi niya girlfriend iyon." 

"Bakit sila nag-kiss." Sabay nguso ko sa kanya.

Tinampal niya ang nguso ko sabay layo. Natawa tuloy ako sa ginawa niya.

"Ano ka ba. Halik lang iyon. Usual nalang sa mga tao ang maghalikan sa labi. Parang friendly gesture lang un." 

"Ibig sabihin friendly gesture lang un nangyari sa amin." 

"Aba malay ko bakit ako tinatanong mo. Basta ang dapat mo gawin linawin mo kung ano ang nangyari." 

"Ayoko. Baka lalo ako masaktan kapag totoo ang hinala ko." 

The Faithful Encounter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon