update 1

168 17 1
                                    

Jaz's POV

"Lady Star! Sandali lang po!!!" haist naman! Malelate na ako eh!! Kaso mabait ako, kaya nilingon ko na.

"Oh Ate Lily, baka gusto mong huminga??" sabi ko sa maid na hingal na hingal sa paghabol sakin.

"Hindi pa po kayo nag-aalmusal. Baka po mapagalitan kami ni Lola Erika."

"Nako Ate Lily pakisabi nalng kay Momsy na sa school na lang ako kakain. Malelate na kasi ako eh." sabay paharurot ng motor ko.

**Pagdating ng School**

Syempre ano pa bang ginawa ko, edi nagtatakbo na ako papuntang elevator. Yup, Elevator, sosyal tong school na to, kagaya ng may ari.

Ayan na pala si Kristine eh. "Tin tin, naririnig mo ba yun?" kasi ba naman may parang nagtatakbuhan papunta din dito sa elevetor. Andami nilang sumakay sa elevator naipit tuloy kami!

**Pagdating sa 3rd floor**

"Haist ! Grabe Tin tin muntik na'ko mabotcha dun ah." sabi ni Kristine with matching paypay sa sarili nya gamit ung kamay nya.

"Botcha?? Dami mong alam."

"Botcha as in double dead. Una mamamatay na ko sa sobrang sikip at pangalawa mamamatay ako sa kilig sa gwapo ng katabi ko!!" ^____^ lapad ng ngiti nito.

"Grabe Tin, mamamatay ka na lang kinikilig pa. Pero teka diba apat lang naman ang Pranksters ?? Tayo pa talaga ang napiling pagtripan." natigil kami ni Tin sa pag uusap ng makarating kami sa room. At napanganga nang malaman naming absent ang teacher sa first subject.

"Tin, tara sa cafeteria." sabi ko kay Kristine, di pa kasi ako nag brebreakfast.

"Dun tayo sa cafeteria 3!" sabi niya sakin.

"Heh! If I know, gusto mo lang makita si Kellenbabes mo!"

Meet my bestfriend, Kristine Gutierrez, Tin Tin ang endearment namin sa isa't isa. Alamin nyo na lang kung bakit. May pagka flirt sya kasi lahat ng gwapong makita nagiging crush nya. Hindi naman sya ung parang coloring book . At sya rin ang---

"Hoy JUSTINE STAR ARCALA !!! Tara na! Sasama ka ba sa akin o tutunganga ka nalang dyan??" masyado atang napasarap ang pagpapakilala ko sa kanya.

"Dun tayo sa Main sa cafeteria.." pagpupumilit ko.

"Eeehh!!! Sa ground floor po yun." nagpout ako "Haist! Sige na nga." sus makikipag talo pa, susunod din pala sakin. My pouting powers works all the time! ^__^ wahahaha!

Pumasok na kami sa cafeteria para bumili ng pagkain, chocolate cake, mango shake at mawawala ba naman ang paborito naming.....Frenchfries ^__^.

Naghahanap kami ni Tin ng table kaya palipat-lipat ang tingin namin at hindi na namin napansin ang mga kasalubong namin.

Kaya ayun, may nabangga kami, nakasuot ng white jeans at pink na blouse. Di ko alam kung matatawa o maaawa ako kay Angel. Paano, nalagyan ng ketchup(kasama ng frenchrfies) sa pants sa may pwetan pa! Kaya nung pinunasan nya, may ketchup parin, nag mukha tuloy na natagusan sya. Si Angel yung leader ng isang pipitchuging sorority sa school.

"FUDGE!!" nanginginig na sigaw ni Angel sa galit.

Sino ba namang hindi magagalit, kung malalagyan ng ketchup sa may pwetan???

"Sorry, hindi ko sinasadya." sabi ni Kristine.

"Sorry? Yun lang yun? Matapos mong dumihan ang napakaganda kong jeans from England? Sorry lang ??!!!" galit na galit na sabi ni Angel.

"Hindi ko talaga sinasadya." Kristine

"SINADYA MO!" Angel

"Alam mo ..... Ang ganda ko." sabi ni Tin tin out of the blue. Natatawa tuloy ako. Haha

Ayaw na namin makipag away, kaya naisipan na lang naming umalis kaso...bigla nyang hinila ang buhok namin ni Tin tin.

"What the EFF!" bigla kong nasabi "how dare you pull my hair?!!" at sinabunutan ko din si Angel.

"Nag sorry na nga ako eh ! Gusto mo pang masaktan!!" sabi ni Kristine at pinagtulungan namin si Angel! Sana makalbo kang malditang clown ka!! Aaarrrg!!! pati ba naman ako dinamay pa !!!

Nagsasabunutan kaming tatlo ng ...... "What's happening here??" may teacher na dumating.

"Ma'am, Ms. Gutierrez and Ms. Arcala started it. Look what they did to me!" at pinakita nya ang pwetan nya kay Ma'am.

"It was an accident Ma'am. We didn't mean it." sabi ni Tin tin.

"I don't care who started! You three to the Guidance Office, NOW!"

*****

-ffrenchffries

Playing The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon