Anghel

834 33 0
                                    

Sabi nung mga kaibigan niya, masiyahing tao daw siya. 

Sabi nung mga kaibigan niya, mabait daw siya.

Sabi nung mga kaibigan niya, mood maker daw siya.

Palagi siyang nagmumura, dahilan para tawanan ito ng mga kaibigan niya.

Palagi siyang gumagawa ng mga kalokohan, dahilan para ikatuwa muli nila.

Gustong-gusto niyang makita ang kanyang mga kaibigan ng masaya,

Gusto niya parating nakangiti sila.

Dahil sa ganung paraan, nawawalan siya ng pangungulila.

Natatanggalan siya ng sakit ng ulo.

Unti-unting bumabalik ang nadurog niyang puso.

Dahil ang hindi alam ng kanyang mga kaibigan...

Siya'y nangungulila sa pagmamahal sa kanyang tahanan.

Siya'y inaapi, laging sinisisi sa mga bagay na wala naman siyang kinalaman.

Siya'y minamaliit.

Siya'y mapag-isa.

Iba siya sa bahay, iba siya sa eskwelahan. 

Nilalabas niya lahat ng gusto niyang gawin sa eskwelahan dahil dun lang naman niya maipapakita ang kanyang totoong sarili.

Para siyang ibong gustong makalaya sa tahanang malungkot at mapangahas.

Ang gusto lang naman niya sa buhay, ay ang mga taong totoo.

Ang mga taong hindi siya sasaktan dahil kung pamilya niya nga ay, sinasaktan na siya.

Gusto niya ng mga taong magmamahal sa kanya ng tunay.

At akala niya ang kanyang mga kaibigan ang magbibigay nito sa kanya.

She believed, she hoped, she expect but it turns out to be the opposite.

Ang hindi niya alam, siya'y pinaglalaruan lamang.

Para sa mga kaibigan niya, wala siyang halaga.

Isa lang siyang taong komedyante para sa kanila.

In short, ang mga tinuri niyang mga kaibigan ay mga plastik lamang.

Ang unti-unting nababalik na mga pirasong puso ay ngayo'y wala nanaman.

Ang kanyang tiwala'y ngayo'y nawasak nanaman, sa pangalawang beses.

Nagtiwala ngunit tinraydor.

Naniwala ngunit pinagtaksilan.

Siya'y nawalan ng lakas.

Nawalang ng pagkatao.

Pumuot ang galit sa kanyang durog na puso.

Umiyak ng walang hanggan.

Ngayo'y mapag-isa na nga siya sa kanyang tahanan,

hanggang sa eskwelehan pa.

Mag-isa na lamang muli siyang kumakain sa dating tambayan.

Siya'y mag-isa na lamang pauwi.

Siya'y mag-isa na lamang habang buhay.

Hanggang sa isang araw, natauhan ang kanyang mga kaibigan.

Nalinawagan ang kanilang mga puso para sa 'totoo' nilang kaibigan.

Sila'y nagbalak humingi ng tawad.

Sila'y naghanda.

Sila'y taos pusong nagsisisi.

At sa araw ng kanilang paghingi ng tawad,

ay ang araw rin ng pagkalaya ng kanilang kaibigan.

Siya'y nasa magandang lugar kung saan siya'y aalagaan mabuti.

Kung saan hindi siya tinatakbuhan at tinatraydor ng mga tao.

Kung saan pinapahalagahan siya ng sobra.

Mayroon ng pakpak at bilog sa kanyang ulo.

Dahil isa na siyang... Anghel ngayon.

At sinong nag-aalaga sa kanya?

Ang Panginoon.

Collection of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon