♥x♥
"Girl, ang swerte mo! Yung transferee na Korean Hot Guy nagkaka-crush sayo!" kinikilig na sabi ni Sab sakin habang kinukurot-kurot yung braso ko.
"Oh tapos? Ayoko naman dun! May putok yun eh!" sabi ko at pinatong ang ulo sa desk.
"Eh? Talaga? May amoy si Hotty guy?" gulat niyang tanong. Totoo naman yung sinasabi ko. May amoy talaga yung koreanong yun. Ang lakas kaya! Lalo na nung dumaan siya sa harap ko? Futa! Nakaka-suffocate!
Tumango lang ako bilang sagot. Tinatamad talaga kasi ako ngayong araw dahil alam niyo na, girl thing.
"Nakakaturn-off naman si Korean Hotty! Cute pa naman niya tas... Aish! Masosolusyunan naman yun Arci eh! Pwede siyang mag-deodorant!" niyugyog pa niya'ko. Kainis talaga tong Sab na'to eh.
"Tsk Sab! Tumigil ka nga kakayugyog sakin! Alam mo na ngang ang sakit ng puson ko ih! Wag ka na ngang magsalita! Naiimbyerna ako sa boses mong chipmunks!" asar kong sagot habang kinakamot yung leeg ko.
"Eto naman! Osya-sya di na mangungulit! Makahanap na nga lang ng madadal-dal!" at tuluyan na nga siya naghanap ng magiging kadaldalan niya. Haaay salamat naman noh? Payapa na! Wala nang manggugulo sa maganda kong tulo--
"GIRL!!! GIRL!!! SI KOREAN HOT GUY NASA LABAS NG CLASSROOM!!!" sigaw ni Sab at talagang niyuyugyog pa'ko. Ftaena!
"Okay." tipid kong sagot. Wala talaga ako sa mood. Pasensya na.
"GIRL!!! MARAMI SIYANG KASAMA!!! I THINK HINIHINTAY KA NIYANG LUMABAS!!! LUMABAS KA NA GIRL!!!" patuloy parin siya sa pagyugyog sakin. Wala akong paki-alam sa may anghit na yun! Mas gusto kong matulog.
"Ayaw ko." tipid ko uling sagot habang tinatakpan ko ang mga tenga ko.
"GIRL!!! LUMABAS KA NA! WAG KA NA DIYAN MAGPAKIPOT!! DALI NA! SINASAYANG MO ANG ORAS! TIME IS SILVER YOU KNOW??!" lalo pa niyang nilakasan ang pagyugyog sakin. Tsk minsan nagtataka talaga ako kung bakit ko'to naging kaibigan eh. Bungangera na nga, coco brain pa. Oh! I'm just saying the truth! Diba dapat Bronze yun? Silver daw hahaha. (A/N: Parehas po silang may Coco Brain hahaha)
"GIIIRRRRLLLL!!!" dahil asar na asar na'ko sa boses chipmunks ne'tong si Sab ay tumayo na'ko at pumunta kung nasaan man ang may putok na yun!
"ANO?" bugnot kong sigaw.
"A-Annyeong haseyo, Arci!" tas binigyan niya'ko ng labas ngipin na smile.
"Wag mo nga'kong kausapin kung yang Alien language ang gagamitin mo!" inirapan ko siya. Buset to. Alam na ngang Filipino ako tas mag-Kokoreano?
Nakita kong may binulong yung katabi niya sa kanya. At para namang nagulantang tong may anghit na'to.
"Oh I'm sorry 'bout what I've said earlier. If you don't mind, that's the Korean term for Hi." sabi niya.
"Wala akong pakielam diyan sa term-term na yan! Pwede bang sabihin mo na kung ano ang pinunta mo rito? Nababagot na'ko eh!" sabi ko with my bored look at nag-cross-arms.
May binulong uli yung katabi niya. Ano'to? Mag-bubulungan na lang sila lagi dito sa storya ko? Tinaasan ko sila ng kilay at para namang natauhan tong koreanong to.
"Uhm. I'm sorry if I can't understand what you're trying to say but don't worry, I can understand it with the help of Kent, my translator." at pinakilala nga niya sakin si Kent.
"Like I care? Oh ano naman gagawin ko diyan sa lalaking yan? Tsss." bored na bored na talaga ako dito! Takasan ko kaya to? Hmmm.
"Ah- Uhm. Arci, I just want to tell you that..." nag-aalinlangan pa siyang sabihin sakin.
BINABASA MO ANG
Collection of Short Stories
Teen Fictionold short stories from my other acc;; reposted