Lovestory sa isang Libro

983 32 1
                                    

♡❋♡

"Okay class dismissed. Bago kayo magsilayas, maglinis muna kayo ng classroom niyo. Mukha na kayong payatas dito. Goodbye" ang mala-grandeng exit ng aming professor. 

"Haaay salamat! Tapos na rin ang klase! Makakapagtwitter na'ko!"

"Yaaaay spazzing tayo!"

"Oy pre, dota tayo dun sa kanto!"

"Sa bahay na lang Dude! Makikita tayo ng mga umaaligid na bodyguards dito sa school kapag diyan tayo sa kanto."

"O'nga pala."

"Girls, tara na at mag boy hunting."

Mga bunganga talaga ng mga classmates ko pshhh. Partida; Monday pa ngayon ah? Tas magbo-boy hunting? At dota? Walanjo.

"........."

Yan naman ang maririnig mo sa mga tahimik kong classmates. Kulang na lang kuliglig.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga magugulo kong classmates at nag-ayos na lang rin ako ng gamit sa locker. Kinuha ko na sa bag ko ang isang "LIBRONG" napublished sa wattpad. Geez ang saya talaga magbasa ng mga published book sa wattpad! Try niyo!

"Oy Farrah!" sigaw ng isang tao sa labas at alam ko na kung sino yun. 

"BERNARD!" sigaw ko nang makalabas ako sa classroom.

"Oy, wag mo masyadong ipahalatang namimiss mo'ko. Hahaha." at ang paker, ngumisi pa. -_-

"Ha ha ha. Sa sobrang tawa ko malalagutan na'ko ng hininga. Tss." sabi ko at inirapan. Binuksan ko naman ang librong may naka-ipit na bookmark. Mangangalahati na pala ako sa pagbabasa nitong librong to. Kanina ko lang to binasa eh.

"Eto naman. Di na mabiro. Halika na nga. Mamaya magalit pa sakin ang Nanayers mo." sabi niya at umakbay na sakin. Hindi ko naman mapigilan ang kabang bumabalot sakin. Tss lagi na lang ganito kapag aakbay siya, lagi akong kinakabahan. At oo, crush ko siya! Wag kang ano diyan! Ayoko lang sabihin, nakakahiya. Di pa kasi ang right time okay? Kaya wag mo'kong pangunahan kung torpe ako! 

Ako si Farrah Larosa. At crush ko ang uhmmm.. Childhood sweetheart ko na si Bernard Carpio. Tsss. Kahit ayaw ko, kahit pigilan ko, wala pa rin. Siya at siya pa rin. PWE! KADIRI!

"Nagbabasa ka nanaman?" tanong niya sa gitna ng paglalakad namin pauwi.

"Ano pa bang bago diba?" tanong ko.

"Yun na nga eh. Di ka ba nagsasawa kakabasa ng mga librong ewan na yan?"

"Anong 'ewan' ka diyan? Hoy fyi, may kwenta tong librong to no!" sabi ko. Inis to! 

"Tss. Puro LOVE-LOVE lang yan ih. Lalo lang tataas ang perspective mo sa lalaki. Lalong lalaki ang ideal type of guy mo." sabi niya. Namula naman ako doon. Tama nga siya, lalo lang lumalaki ang perspective ko sa isang lalaki pero dito na nga lang kasi ako kinikilig eh? Tas ipagdadamot niya pa? Azar.

Collection of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon