Clark's POV
After five years. Here I am. A star of this generation. Ofcourse, my life changed a lot. Hindi na ako tulad ng dati. It's like I dont have my freedom anymore. Like before, pwede akong lumabas ng bahay kasama ang bestfriend kong si Risse ng walang alinlangan. But now I can't. Maraming mga paparazzi ang nakabantay. For five years, we don't have any communication. Naging trainee ako ng HS Entertainment. Nasa rules ang pwedeng makipagdate basta sa mga artista lang. Bawal kaming ma link sa iba. Mahigpit talaga ang HSE. They want to protect our image, kaya I don't have choice but to follow that rules.
"Mukhang malalim na naman ang iniisip mo Pare." Pagbasag ni Blue sa pagmumuni muni ko. Isa si Blue sa mga kasama kong nagdebut.
"Wala. Naiisip ko lang na mag iiba pala talaga ang buhay mo pag pumasok ka na sa showbiz." Sagot ko
"Oo naman pare. Kaya nga bago tayo pumirma ng contract eh sinabing "theres so turning back". Hahaha."
"Pero nakakamiss din palang maging tahimik. For five years wala na tayong ibang ginawa kung hindi magpaka good image. Ikaw ba pare hindi mo na mimiss mga pamilya mo?"
"Wala pare andito na tayo. Kung yun lang e miss na miss ko na sila. I have my girlfriend before pero dahil nawawalan na ako ng oras sa kanya. Mas pinili ko ng makipag break sa kanya. I love her. 3 years na sana kami kahapon eh."
"Loko ka, kaya pala mukhang bangag ka kagabi nung tinawagan kita! Hahaha!"
"Hahahaha. Shempre pare heartbroken eh! Sa pag pasok ng showbiz kailangan mong isuko ang isa para sa pangarap mo."
Hindi na ako kumibo. Tama nga naman si Asul. Kailangan may isuko ka talaga sa buhay mo. Ako sinuko ko ang buhay ko sa probinsiya. Ang bestfriend kong si Risse. Alam ko umuusok na ilong nun sa akin. Eh hindi na ako nagparamdam sa kanya. Kamusta na kaya siya? Nag matured na ba siya? O isip bata pa din siya?
Biglang bumukas ang pinto sa van. Si manager Kim pala.
"Clark may schedule ka mamayang 3 pm sa SM Mega Mall. After 30 mins aalis na tayo, kaya mag ayos ayos kana." Sabi saken ni Manager. Nagpaalam na din ako kay Blue. Alam ko may mallshow din siya sa SM Fairview.
Nasa loob pa ako ng sasakyan napangiti na ako. Madami namang fans ang nagmamahal sa akin. Isang simpleng We Love You Prince CK ang makita ko sa cartolina napapangiti na ako. Pero I can't believe it. Ang daming humahanga sa akin. Pero mas magiging masaya ako kung makikita ko si Risse kasama ng mga fans ko. Pero hindi ko din siya malalapitan. Lalo na sa mga public places. Madaming paparazzi at kapag may nagawa akong isang maling hakbang for sure trending na ako bukas. Pinagkakakitaan ng mga paparazzi ang pag sunod sunod nila sa amin. Ayoko din na madamay si Risse sa showbiz. May mga fans na Anti sa pakikipag relasyon ng mga idol nila. For her safety na din at para tahimik ang buhay niya.
"Wahh!!!!! Andyan na si Prince CK!!"
"Ang gwapo niya!!!!"
"He's so sexy!!"
"We love you Prince CK!!!"
"CK!! CK!! CK!!"
"Woaaaaahhh!!!! Ayan na siya!!!!!"
Yan ang mga narining ko pagpasok ko sa mall. Nagsmile ako sa kanila. I love them also. I mouthed I Love You then nagsigawan sila. May kilala akong Prince CK sa showbiz rather than Clark. Kung hindi CK ay Kevin naman.
Pero may isang taong nakakuha ng mata ko. Nakaside ito kaya hindi ko gaanong makita ang mukha. Wala man siyang pake elam sa nangyayari sa paligid niya. Kahit maingay na hindi niya man nakuhang tumingin sa harap ko. Pero parang kahawig niya si Risse. Pero hindi. Ano naman gagawin ni Risse sa Manila. Imposibleng pumunta siya ng SM Mega Mall para lang umorder. Pumanik ako sa stage pero pagtingin ko sa kanya wala na siya.
BINABASA MO ANG
My Childhood Bestfriend Turned Into Lover
Novela JuvenilExpect the Unexpected ika nga. Sa kwentong ito makikilala mo ang buhay ni Risse Benedict Mendoza at ni Clark Kevin Smith. Simula bata pa sila ay lagi silang sabay pumasok sa eskwela at maglaro. Pero nagbago na ang lahat simula ng pumasok sa showbiz...