4

33 1 0
                                    

Mukhang ang apat pang kasama ko ay nagtago na nga. Naramdaman ko ang pag-alis nila.

No choice, nangapa akong paalis din at pumunta kung saan.

Ng maramdaman kong nasa isang sulok ako, halos pigilan ko ang aking paghinga, huwag lang akong marinig ng kung sino man ang gustong pumatay!

Narinig kong bumukas ang pinto at may liwanag na nanggagaling sa flashlight.

"Hmmm.. Mahusay!" Anito at pinatay ang flashlight.

"pak!"

"Lalaban kami sa iyo!" Narinig kong sabi ni Jarred. Tila pinukpok nito ang taong pumasok.

"Huli ka balbon!"
"Boo!" Sabay bukas ng flaslight na nakatutok sa mukha nito!

Halos mapasigaw ako sa takot at gulat! Tinakpan ko ng mariin ang aking bibig habang pulit na sumiksik sa gilid na ito.

Kita-kita ko, ang lalaki ay naka-maskara, nakatayo sa likod ni Jarred sabay saksak s likod nito, paulit-ulit!

Pauli-ulit!

"AAAHHHHHH!" Napasigaw sa sakit na nararamdaman si Jarred at bumagsak siya kay Eric na nakadapa! Si Eric pala ang napukpok ni Jarried kanina!

Biglang bumukas ang ilaw, bumaha ang liwanag at para akong nasilaw, napakurap-kurap ako saglit.

Dugo!
Ang daming dugo ang nagkalat na mula kay Jarried.

Hindi na ito gumagalaw!

Nanlabo ang aking paningin dahil sa aking pagluha! Sigurado, patay na si Jarried!

Sinunod na pinagsasaksak si Eric na walang laban!

Lalong bumaha ng dugo kung nasaan silang dalawa!

May isa pang lalaking naka-maskara ang pumasok!

"Tama na iyan 'tol! Patay na pareho iyan eh!"

At sa hindi ko maintindihang dahilan, parang bigla nitong nalaman kung nasaan ako!

Napatingin ito sa akin!

Kahit naka-maskara, pakiramdam ko, nakita ko ang mga ngisi nito sa labi!

"Hello there miss beautiful!" At napalingon din sa gawi ko ang lalaking pumatay kina Jarried at Eric.

Sabay silang lumapit sa akin!

Kahit alam kong wala naman na akong mapagsisiksikan dito, pilit kong iniaatras ang akin katawan!

Umiiling din ako na parang nagsasabi sa kanilang 'huwag kayong lumapit, hindi niyo ako nakikita, huwag niyo akong patayin!'

"Pareng Jhong, tara, pagpyestahan na natin ito!" Sigaw ng isa!

Nangilabot ako sa aking narinig!

Wala ng pag-asa! Wala na akong kawala!

Ang walang-hiyang si Jhong, kasabwat pala nila!

Tuloy-tuloy ang agos ng luha sa aking mga mata! Nagdarasal na din ako sa Diyos na madaliin na lang ang buhay ko ngayon kaysa maramdaman ko pa ang sakit ng kung anong gagawin ng mga ito!
Humihingi na rin ako ng patawad sa Panginoon sa aking mga kasalanan at sa mga taong sa tingin ko ay maiiwan ko kun sakaling ako ay mamamatay!

Paglapit ng dalawa, sabay din nilang inalis ang kanilang maskara!

Si Rene at si Jaime!

PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon