1

147 1 0
                                    

mahina na ang mga patak ng ulan pero mahangin pa rin sa labas.

inaagaw na ng antok ang utak ko kaya ipinikit ko ang aking mga mata.

*tok! tok! tok!*

hindi ko muna pinansin ang mahihinang mga katok sa pinto dahil talagang inaantok na ako.

*TOK! TOK! TOK!*

lumakas ang pagkatok.

yamot akong bumangon at lumapit sa pinto habang pasigaw na sinabi kong "andyan na!"

pagbukas ko ng pinto, nakatayo doon ang barkada kong si jhong.
nakatingin sa akin at nakangisi.

"problema mo 'tol?" tanong kong naka-kunot noo.

"maglaro tayo!" sagot nito at biglang iniawang ang kutsilyong hawak niya.

napasapo ako sa dibdib at inatake ng takot!

"hayop! jhong, papatayin mo ba ako?!" inis at takot ang nararamdaman ko!

gumilid si jhong.

"alice, tumakbo ka ng mabilis. pagbilang ko ng lima, hahabulin kita!" nakangising sabi nito!

hinayupak, nakabatak yata itong taong ito!

pero mabilis na ang tibok ng puso ko!

naririnig ko ang bilis ng pintig ng puso ko! nawala na ang antok ko! mainit ang pakiramdam ko!

'takbo!' sabi ng utak ko! pero ayaw sumubod ng katawan ko!

"TAKBO!" sigaw ni jhong!

nagulat ako!

napatingin ako sa kanya!

nakaawang ang kutsilyo!

nakangisi ang tila demonyo sa harap ko!

"ISA!"

nagsimula nang magbilang si jhong!

ewan pero pakiramdam ko, bigla akong kumaripas ng takbo!

para akong nakikipaghabulan sa tibok ng puso ko!

maputik ang daan!

malalayo ang mga bayahan!

leche! anong nangyayari?!

pumasok ako sa kakahuyan!

sigurado akong nakalayo na ako dahil mahina na sa pandinig ko ang pagsigaw ni jhong!

may malaking puno akong nakita!

sumiksik ako at tinakpan ang aking bibig! pero dahil s lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko, makikita at mabilis akon matutunton  ni jhong!

ang mahinang sigaw ay papalit na!

"HA!HA!HA!"
"MAGTAGO KANG MABUTI KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY!"
naririnig ko ang mga nakakatakot na salitang iyon!

ano bang nangyayari?
totoo ba ito?

tuluyan nang timahimik ang langit! pero hindi ang malakas na tibok ng aking dibdib!

gusto kong sumilip pero natatakot akong baka makita ako!

'madilim tanga!'
'paano mo siya makikita at paano ka niya makikita?!' sigaw ng utak ko!

napadausdos ako!

naramdaman ko ang patak ng luha ko dahil sa takot!

"hindi ba ang sabi ko tumakbo ka?" bigla kong narinig ang pagbulong na iyon!

"AAAHHHHHH!!!!!" hindi ko alam kung paanong nangyaring nasa tabi ko na si jhong!

naramdaman ko ang mabilis na pagdaan ng matalim na kutsilyo sa aking braso!

sa hindi ko maintindihang dahilan, parang may lakas pa akong napatayo at mabilis na tumakbo palayo kay jhong, palayo muli sa lugar na iyon!

hawak hawak ko ng aking brasong nanghahapdi na dahil sa hiwa ng kutsilyo!

at naramdaman kong nagsimula na namang pumatak ang ulan!

nakita ko ang aking bahay!

instict, doon ako dumiretso, siguradong mas safe ako doon dahil maisasara ko ang bahay ko!

pinilit kong makabalik ng mabilis na walang lingon likod!

pagpasok ng bahay, aligaga ko pang naisara ang pinto!

na sa halos buong takot ko, parang ayaw pa nitong magsara!

"leche! leche! leche! sumara ka! ngarag kong sabi sa pinto! at naisara ko nga ito!

wala naman akon ahit anong mabigat na bagay na pwedeng iharang dito! naisip ko habang pinagmasdam ko ang buong bahay!

'ang bintana!' sabi ni utak!

mabilis akong kumilos at pinagsasarang mabuti ang bintana!

parang nalimutan kong may sugat ako sa braso!

ng matapos ang pagsara ng mga bintana, kumuha ako ng bendaheng nakatago sa drawer at binalutan ko ang sugat na huminto ng sa pagdurugo.

pakiramdam ko, bigla akong napagod.

napaupo ako sa gilid ng sofa at napapikit ng mata!

PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon