5

40 1 0
                                    

Napadilat ako ng aking mga mata!

Mabilis ang tibok ng puso ko!

Napatingin ako sa paligid!

Nakaupo ang apat na barkada ko, pabilog, tumatagay ng alak!

Lahat sila, buhay, masayang nag-iinuman habang nagkukwentuhan!

Si Emalyn, si Jarred, si Eric, at si Jhong!

Napatingin sa akin si Emalyn.

"Oi, gising na pala si Alice!" Anito sabay bungisngis.

"Mukhang napasarap ang tulog mo ah!" Ani Eric.

Tumingin lang sa akin si Jhong na nagbigay sa akin ng kaba.

Nanaginip na naman ba ako?!

Naguguluhan ako!

"Mga 'tol, saglit lang!" Tumayo si Jhong at lumabas ng bahay.

"Alice, inom ka para mahimasmasan ka!" Alok ni Emalyn na iminumuwestra ang baso sa akin.

Napatango lang ako!

Ilang saglit lang, pumasok na si  Jhong ngunit may kasama na siya. Sina Rene at Jaime!

Nagulat ako at kinabahan.

"Mga pare!" Bati ng dalawang bagong dating!

Nakatingin naman ng marrin sa akin si Jhong, hindi ngumingiti.

"Pare, tagay!" Alok ni Jarred sabay abot ng baso kay Jaime paglapit nito.

"Salamat!" Kinuha nito ang baso at tinungga.

Lumapit naman si Jhong sa akinl.
Kinabahan ako.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit kung anu-ano yata ang nakikita o napapanaginipan ko?!

Iniabot ni Jhong ang kamay ko at iginiya akong tumayo.

Tumayo naman ako kahit parang tutol ang kalooban ko.

"Oras na!" Bulong ni Jhong sa akin. Lumapit kami sa tropa. Huminto ako sa likod ni Emalyn.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang may gagawin kami na alam ko na hindi ko naman talaga mantindihan!

May iniabot si Jhong sa kamay ko. "Ngayon na!" Utos nito!

Iniawang ko ang patalim na inabot aa akin ni Jhong sabay saksak sa kaibigan kong s Emalyn!

Hindi lang ako, pati nina Rene at Jaime, inundayan ng saksak sina Jarred at Eric!

"Ha!ha!ha!" Para akong siraulong natatawa sa nangyayari!

"Hahahahaha!!"
"Hahahahaha!!" Sige ako sa pagtawa habang sige rin sa pagsaksak kay Emalyn!

Tumatalsik ang dugo niya sa akin, kung saan-saan!

Kakaiba ang nararamdaman ko!
Masayang nakakakilabot!

Parang may kung anong nag-uutos sa akin upang gawin ang bagay na ito!

Bumagsak na ang tatlo!
Mga wala nang buhay!
Duguan!

Lumapit ako kay Rene.
At saka sinaksak din siya!

Gumanti naman ito ng saksak sa akin!

Naramdaman ko ang masakit at mahapding paglabas-masok ng kutsilyo sa kahit saang parte ng aking katawan.

Nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko! Napatigin ako sa kina Jhong, Rene at Jaime.

Lahat na rin pala kami ay duguan!

Ngumiti ako sa kanila at bago pa mawala ang akin ulirat, nalala kong uminon kami ng marami at bumatak ako ng ipinagabawal na droga kasama sila sa labas ng bahay na hindi alam nina Emalyn!

Napapikit ako at tuluyang bumagsak hugot ang aking huling hininga!

PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon