Chapter 26

193 3 0
                                    

Elisesa's POV


Ilang araw na akong nagmumukmok sa condo ko.


Ilang araw na akong walang magawa.


Ilang araw nang hinahanap ng sistema ko si Kevin.


Bwisit na yun, dapat tapos na kami sa lesson namin eh kaso biglang tumawag si Mommy para iremind sa'kin yung Anniversary party at tinanong niya ako kung may isusuot na ba ako kaya ayun nagkasundo nalang kami na umuwi nalang at bumili ng masusuot kinabukasan.


Eh kung ngayon nalang kaya namin ituloy?


Inabot ko ang cellphone ko sa side table ko.


I dialed his number.


Excited ako at kinakabahan at the same time. Pick up Kevin.


"Hello?" bati niya.


Napangiti ako.


"Hey, let's meet."


Natahimik siya saglit.


"Where?"


"Club 999. Let's finish this." Kumikirot ang puso ko habang sinasabi yun.


I know, after this wala na.


Tapos na.


Aalis na siya sa buhay ko.


"Okay." At agad niyang binaba.


Bumangon ako para maghanda.


Nang natapos ako, dumiretso ako sa Club 999. It's already 10PM. I guess marami nang tao dun.


Naabutan ko si Kevin na nakaupo malapit sa bartender na umiinom habang malalim ang iniisip.


 Ngumiti ako ng mapait. Tonight's the night.


Nilapitan ko siya at umorder ng 1 shot of tequila.


Nilagok ko ito at saka ako kumain ng lemon tsaka asin.


Tinignan niya lang ako.


Agad akong nag-iwas ng tingin.


Sinulyapan ko ang buong bar. Ayun, may nakita akong babaeng morena na maganda na mag-isa sa isang sofa.


Lumagok muna ako ng dalawa pang shot ng tequila saka ko siya binaling.


"You ready?" Tinanong ko si Kevin.


Tumango lang siya ng hindi nakatingin.


Lumapit ako sa likod ng babae at itinuro ito kay Kevin. Agad siyang lumapit.


Nag-usap sila ng babae, at ayun nasa dancefloor na.


Napanganga naman ako dun. That fast? Ginawa niya yung ng parang 3 minutes lang tas voila! Parang expert eh!


Bumalik ako sa bartender ang umorder ulit. He's gone.


Magpapakalasing ako.


Inom lang ako ng inom. Marami nang umaalok at tumatabi saking mga lalaki ngunit tinatanggihan ko sila. I'm not in the fucking mode.


Nang naramdaman ko na may tama na ako. Tumayo ako upang umuwi ngunit inaantok na ako. Antok na antok na ako.


"Damn it!" Boses ni Kevin ata yun. Sisilipin ko sana kaso may biglang kumarga sakin, wala na akong panahon para lumaban dahil inaantok na ako.


"Fuck fuck fuck fuck.. Fuck it! Fuck this!" Pabalik balik na mura ng kumarga sakin.


The Casanova's TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon