1

4.2K 19 5
                                    

okay lezzz go!!! feel free to write some comments if you have something in your mind about this chapter 😀

--

Naglalakad na ko papunta sa school ng biglang may bumusinang kotse sa likuran ko. napamura ako ng wala sa oras sa gulat

“pakshet naman. nasa tabi na nga ako. ang laki laki ng kalsada oh!”

gigil na sabi ko sa hangin. sabay harap sa kotse.

dumoble ang inis ko ng bumukas ang bintana ng mamahaling kotse na ngaun ay katabi ko na. biglang kumindat ang taong pinaka ayaw kong makita sa lugar na to. si Alessandro Lance Villareal. inirapan ko sya at naglakad na ako palayo.

nakakasira ng araw. seryoso.

Nang makarating na ako sa school, diretso ko sa locker ko. pagbukas ko, may sulat. tamad ko itong binuksan. napamura ko sa isip ko.

“you're hot when you're mad”

badtrip!

naglakad na ko papuntang room namin ng makarinig ako ng paguusap ng mga babaeng nakatingin sakin.

“bakit sya napasok dito? anak mayaman ba sya?”

“feeling ko hindi. kita mo naman yung outfit nya. ang weird”

hmp kinunutan ko lang sila ng noo. seryoso? anong problema sa suot ko?

tshirt jeans at ang luma kong keds. mata nila may mga problema.

oo alam ko naman. hindi ako nababagay dito. di naman kasi ako mayaman o tagapagmana. kaya ako nakapasok dito, dahil sa scholarship ko na pinaghirapan ko. oo. pinaghirapan ko. kaya wag nila kong mamatahin. baka pektusan ko sila isa isa.

“Ms. Ortega, magandang umaga”

poker face na bati sakin ng prof ko.

“magandang umaga po ma’am” ngiting ngiting bati ko sakanya.

pinauna ko na syang pumasok sa silid at saka ako sumunod.

pagpasok ko, as usual. nag start ng pagusapan ako.

kesyo weird daw ako. weird ba ang walang kaibigan? ang hindi mayaman? ang hindi maporma? tangina po nila.

hindi ko na pinansin ang mga tingin nila sakin.

hanapin nila pake ko hahaha

gusto ko ang mag-aral. ang ayoko, yung mga kasama ko dito sa paaralan. nandito ung Lance na yun. walang ibang ginagawa kundi ang bwisitin ang araw ko. nagpapadala ng mga bastos at nakakairitang mensahe.

seryoso? anak mayaman sya pero ang bastos nya. saksakan pa ng yabang.

Business administration ang kurso ko. well, hilig ko ang arts. ang mag drawing at magpinta. pero gusto ko kasing magtayo ng business para maipagpatuloy yung pangarap namin ni mother dear. gusto naming magtayo ng coffee shop. masarap kasi si mama na magtimpla ng kape. special ang kape nya. hilig rin namin ang mag bake. pinaka bonding namin. pero… dahil wala na si mama, ako nalang ang tutupad ng pangarap na yun.

kaya nga pursigido akong tapusin ang pag aaral ko kahit anong manyari. nasa 3rd year 1st sem na ko. konti nalang diba? hahaha

sayang lang dahil bukod sa tita at mga pinsan ko, wala na akong pagaalayan ng achievement ko after kong grumaduate. nauna na kasi si mama. at wala narin akong tatay. well, naiconsider kong wala akong tatay because i don't feel like i have one.

anak lang ako sa labas. at mayaman yung tatay ko. may sarili syang kumpanya. pero wala naman akong pakialam. ang sabi sakin ni mama, pumunta daw si Mr. Ortega sa bicol para mag bakasyon. hindi daw alam ni mama na may pamilya na si Mr. Ortega nun. nailab si mama at ayun nga. may nangyari sakanila pero bago pa man sabihin ni mama na buntis sya, lumuwas na ng maynila si Mr. Ortega.

Nung may sakit na sya, saka nya lang pinaalam kay Mr. Ortega na nabuntis sya nito. dahilan nya, para daw may mag aalaga sakin pag nawala sya. seryoso? kaya ko ang sarili ko. bago ako kinilalang anak ni Mr. Ortega e madami pang chechebureche na naganap. dna test dito at doon. sumatotal? anak nga ako ng walangya!

sa totoo lang, gusto nya kong kunin mula nung namatay si mama pero di naman ako pumayag. kasi pakiramdam ko hindi ko makakasundo ung asawa at anak nya. masyadong sosyal. masyadong malinis. masyadong mataas. hindi ako para doon.

hindi rin ako pumayag na tumanggap ng pera galing kay Mr. Ortega kasi, ayaw ng asawa nya. wala daw akong karapatan. edi wala. kaya ko naman buhayin ang sarili ko. hindi ko naman kelangan ang pera nila.

bago matapos ang discussion ni Ma’am Fortes, nagpaalala muna sya samin

“wag nyong kakalimutan yung exam nyo bukas. hindi na pwedeng mag take sa ibang araw. finals nyo ang nakasalalay dun. class dismiss”

at nagpaalam na nga sya.

oryt. exam na bukas. hmm

iniangat ko ng bahagya ang salamin ko at nag ayos na ng gamit. makauwi na nga.

tinignan ko syang mag ayos ng gamit mula dito sa di kalayuan.

dalawang linggo mula ng magpakilala ako sakanya. dalawang linggo ko na rin syang kinukulit.

actually pwede na rin. Maganda sya kaso mukang nerd. maputi at maganda ang hubog ng katawan. tho di sila magkamuka. sa tingin ko, magseselos narin naman si Camille sakanya. at di magtatagal, babalik sakin si Camille. ganun lang kadali.

wala kang kawala ngayon Brianna Angel Ortega

His (R-18)Where stories live. Discover now