3

2K 19 2
                                    


sorry for the long wait people!
please leave comments, i'll be happy to read it :)






BRIANNA

Pag dating ko sa bahay, nagreview muna ako. alam ko matalino na ko at kaya kong ipasa yung exam ng nakapikit hahaha. kayalang, safe parin ang magbasa para marecall yung napagaralan na namin netong sem.

after kong magbasa, nag check ako ng cellphone ko. baka kasi nag txt na si ate Charlotte. si ate Charlotte yung kumukuha ng drawing ko at binebenta nya ang mga ito. sa totoo lang, ayoko sana kasi nahihiya ako. pero sabi naman ni ate Charlotte, maganda daw ang mga ito at nagugustuhan ng mga customer nya.

sa halip na pangalan ni ate Charlotte ang mag appear, unknown number ang nag appear sa screen ng phone ko.

"exam will be held at function hall 2 by 9-11am. goodluck everyone.

-Ms. Fortes"

"ay? binago? sa gym dapat gagawin yun kasi kelangan ng malaking space para sa seats na magkakalayo.

ah baka gagamitin yung gym." sabi ko sa sarili ko.

ano kaya balita sa painting na nakay ate Charie. sana nagustuhan ulit ng nga customers nya.

dun ako kumukuha ng pang gastos at pang bayad sa apartment. see? di ko naman kelangang umasa sa pera ni Mr. Ortega

ang mga tita ko, may business at nag offer silang tustusan ako mula nung mawala si mama pero ayoko namang umasa sakanila. sapat na na alam kong nanjan sila para sakin.

naglinis ako ng katawan at natulog na. may haharapin pa akong exam bukas.

nagising ako ng may magandang ngiti sa aking mga labi :)

today is the day. i need to make this day count. eto yung araw kung saan maipapakita ko kung ano yung natutunan ko ng buong sem. wala na tong atrasan.

nang makarating ako sa campus, dumeretso ako sa malaking room na pag gaganapan ng exam. function hall 2.

ay napaaga ata ako kasi wala pang mga estudyante. 8:15am palang pala.

nag intay lang ako ng nagintay hanggang 10am.

"hala nako. bakit wala pa sila? di kaya naligaw sila? e putek isa lang naman ang function hall 2"

lumabas ako ng function hall ng nakasalubong ko yung mga classmates ko

"ui Anna, bakit ngaun lang kayo? kanina pa dapat 9am yung exam a. 11am na." alala kong sabi sakanya

"ha? seryoso ka? kakatapos lang kaya naming mag exam. dun oh sa gym. ang hirap nga e. sana makapasa ako. teka. wag mong sabihing hindi ka pa nakakapag exam? hindi na pwedeng kumuha ng exam sa ibang oras at araw."

hindi na pwedeng kumuha ng exam sa ibang oras at araw.

hindi na pwedeng kumuha ng exam sa ibang oras at araw.

hindi na pwedeng kumuha ng exam sa ibang oras at araw.

para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. nanigas ako sa kinakatayuan ko.

"sige ha. kain na kami"

sa peripheral vision ko, nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa gilid ko. si Lance.

tinignan ko sya. at kita ko kung paano sya ngumisi ng mapangasar.

gusto kong sumigaw. gusto kong magwala at magmura ng husto. anong nangyare? bakit nagkaganun? hindi ko matatanggap.

absent minded akong naglakad patungo sa gym. baka naman pwedeng makiusap. baka naman good mood si mam at bigyan ako ng consideration. baka lang naman.

His (R-18)Where stories live. Discover now